Pumunta si Peri kay Bryl at pumatong ito sa ulo niya. Ang cute ni Periiii~

"Bryl always takes care of Peri all the time. Minsan nga ay katabi na niya itong katulog.", pagsasalita naman ni Miles kaya napatango naman ako.

"Tss. Yang si Peri? Hinding-hindi ko yan mapapatawad! Yung brief ko kasi ay kinuha niya. Grabe! Sayang yung effort ni Miles sa paglalaba ng brief na yun. Kinuha niya pa!", sigaw naman ni Dranreb at napatawa naman kami.

"Meoooooow!", sigaw ni Peri at bigla niyang sinugod ang mukha ni Dranreb.

"Waaah! Nooo! Periiiii! My beautiful face!", sigaw ni Dranreb habang pilit niyang tinanggal si Peri sa mukha niya.

"Peri, tama na.", natatawa kong sabi at biglang tumalon naman si Peri patungo sa ulo ni Bryl.

"Yan kasi ang makuha mo! Pati pusa, inaaway mo!", sigaw naman ni Mairym habang nakatingin kay Dranreb at binelatan. Napasimamgit naman si Dranreb at umiwas ng tingin. Napatawa nalang kaming lahat sa mukha ni Dranreb. Nakakatawa talaga!

"Sorry na po.", pagsasalita ni Dranreb at nagpatuloy kami sa pagkakain habang nagkwentuhan.

Hindi pa rin nagising sina Camille at Sir Roi sa nangyari. Nakahiga lamang sila dun sa kwarto at mahimbing na natutulog. Nag-alala ako kay Camille baka kung ano ang nangyari sa kanya.

Naguguluhan pa rin ako sa nangyari ngunit kailangan ko na itong limutan. Masaya naman ako dahil nabura na yung dungeon dito sa Tokyo at marami kami naligtas na tao.

Pero palagi nalang kaming ganito, pagpupunta kami sa mga dungeons, meron talagang uuwi na sugatan o nasaktan. At naiinis ako dun.

"Nga pala, paano nakarating si Kuya Khervee dun sa dungeon? Diba hindi siya sumama?", biglang tanong ni Miles at napatingin kaming lahat kay Kuya Khervee at nanigas siya sa kinauupuan niya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo habang tumawa ng mahina.

"Oo nga, Khervee. We appreciate kasi dumating ka dun ngunit pinagbabawalan ka ng doctor na sumama sa amin. Bakit ang tigas ng ulo mo? At paano ka nakasunod sa amin? Kay layo ng Tokyo sa Manila ah.", pagsasalita naman ni Ma'am Michi at biglang tinaas ni Sir Arman ang kanyang kamay at napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"I let him ride with us.", walang modo na pagsasalita ni Sir Arman.

"WHAT?!", sabay-sabay naming sigaw habang nahulog yung mga panga namin sa sinabi ni Sir Arman.

"Tsk tsk tsk.", napahawak naman si Ma'am sa kanyang noo habang napailing-iling.

"Mr. Fernandez insist to go with us kaya pinasama ko nalang siya. Naawa ako sa kanya eh.", pagsasalita ni Sir Arman.

"Naku. Naku.", pagsasalita naman ni Emy. "Paano nalang kung mas malala pa yung sugat na tanggap mo ngayon? Grabe ka Kuya. Masyado kang praning. Kaya naman namin yun", dadag ni Emy kaya napatango naman kaming lahat.

"I know. But I'm worried. I'm worried about Ca.. You guys. Hindi kaya ng konsensya ko nahihiga lamang ako sa kwarto ko habang nakikipaglaban kayo.", pagdadahilan ni Kuya Khervee kaya napabugtong hininga namin.

"I thought all of you already know. Especially Miles and Emy. Dapat alam niyo na nandun si Kuya sa carriage. Your sixth senses are made for this, you idiots.", pagsasalita naman ni Bryl at nanigas naman sina Emy at Miles.

"Ahihi. Masyado akong lunod sa pakikipagkwentuhan eh. Sorry.", pagsasalita ni Emy.

"Ako din. Sorry.", dagdag naman ni Miles at napabugtong hininga naman si Ma'am Michi na nakatingin kay Bryl.

Leam University : School for Mages | REVISINGNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ