Ang mga yakap na panandalian magbibigay ng init at kalaunay manlalamig.

Noon, pinangako ko sa sarili ko na balang araw, magiging akin si Cyrus.

na mamahalin niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Walang katulad at kapantay.

Walang kapalit at walang pandadaya.

Hindi ko kailangan magsuot nang maskara para ikubli ang tunay kong nadarama para sa kanya, dahil noon una palang, wala na akong hinangad kundi ang makasama siya.

Pero ang pagmamahal na palang ito ang magdudulot sakin ng walang hanggang sakit.

Nang walang katapusan pagkirot at pagtusok.

Tuluyan na nga akong umabot sa dulo ng aking pagkahulog.

at sa kabila nang pagtitiwala kong may taong sasalo sakin pagkahulog,

Nadurog ang puso.

Nawasak at nagkapira-piraso.

UMASA AKO!!

NANIWALA!!

NAGMAHAL!!

Pero ang sakit kapag tadhana na ang sumampal sayo at sabihin 

"HOOY ANNA ITO ANG REYALIDAD NG BUHAY MO!!"

 

"HINDI IKAW ANG NARARAPAT SA KANYA AT KAHIT KAILAN AY DI KA MAGIGING MASAYA SA KANYA!!"

 

"GUMISING KA SA PANGANGARAP MO DAHIL ITO ANG TUNAY NA BUHAY!!"

 

"MASAKLAP AT NAKAMAMATAY..."

Wala akong pakiaalam kong ganito kalakas ang hagulhol ko.

Gusto ko nang matapos ang pagdurusa kong ito; gusto kong mawala na ang sakit.

Tama

Aalis na ako.

Ako na ang lalayo sa kanila.

Papanindigan ko ang mga sinabi ko sa taksil kong asawa.

Dahil iyon ang dapat kong gawin.

Ang isalba ang aking sarili sa sakit na naidulot ng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi madadala ng paghingi ng tawad ang lahat ng ito.

Naalala ko na naman ang ginawa nitong pagpili, and this pain is endless..

Ang sugat ay mananatiling sugat nalang at wala nang makakagaling.

Hingal na hingal na ako ng marating ko ang labas ng building at wala ako sa sariling naglakad patungo sa kabilang kalye.

Aala akong pakialam sa bawat sasakyan nahihinto sakin harapan.

Gusto ko lang tumakbo.

Gusto ko lang lumayo.

Gusto kong makaramdam ng pagod at ipikit nalang ang aking mga mata.

kalimutan ang aking mga nakita.

Pero sa tuwing ginagawa ko yun ay nakikita ko't naririnig ang mga pag-ungol at eksena nilang dalawa sa kama.

Nakakapangilabot at nakakagimbal ng aking sistema.

"Anna.." lumingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Cyrus.." Gusto kong tumakbo palapit sa kanya pero biglang sumagi sakin isip ang mga nakita ko kanina..

Ang pagkahuli ko sa kanila.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now