Nanatili lamang namilipit si tricia at sapo ang tyan.

"MGA WALANG HIYA KAYO!! BAKIT NIYO GINAWA SAKIN TO!!" naramdaman ko ang paulit ulit na sampal ni Anna sakin habang ako nama'y nanatiling sinasalo yun.

"Anna, hindi ko.." Anong sasabihin ko? wala akong alam sa nangyari, ni hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos akong halikan ni tricia.

"AHHHH!!!" Naramdaman ko ang kanyang mga kalmot sakin katawan.

Hindi ko yun ininda bagkus niyakap ko lamang siya.

"BITAWAN MO AKO!! BITAWAN MO AKO MGA BABOY KAYO!!" Naiiyak ito habang sumisigaw.

"Anna I'm sorry, hindi ko alam, hindi ko alam kong ano ang nangyari, " Hindi ko maipagpatuloy ang aking sinasabi dahil lumalagapak ang aking pisngi sa sampal nito.

 

"MGA MANLOLOKO KAYO!!"

Lumayo ito sakin at binalingan ang nakabaluktot pa rin si tricia. Agad agad itong lumapit sa nakahandusay na kapatid at hinila muli ang mga buhok nito.

 

"AHHH!!  Annaaa!!!" Inda nito dahil sa paghablot ng buhok ng kapatid. 

Pero walang paki si Ana at sapilitan itong tinayo at pinagsasampal muli.

"ANNNA!!! TAMA NA!! " Hindi ito makaganti dahil nakahawak ang kamay nito sa tyan.

Mas lalo pa akong nagimbal nang makita ko ang pagtulo ng dugo mula roon.

"ANNA TAMA NA!!" Ani ko at inagaw ko siya palayo.

Napamura akong muli.

Buntis si tricia!! 

"Ahhh!!" sigaw nito sa sobrang sakit.

Tiningnan ko si Anna at matalim ang mga matang nagpabaling samin dalawa ni tricia.

Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko; hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanilang dalawa.

Nag-aalala ako para kay tricia, dinudugo na ito.

Hindi ko naman magawang lapitan si Anna dahil nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sakin.

 

"Cyrus, ang baby ko.." naiiyak na daing ni tricia.

Nataranta na ako at agad ko siyang dinamayan.

"Tricia.." sinout ko sa kanya ang coat na dala ko.

Agad kong dinial ang number ni henry.

"Henry, si tricia, puntahan mo siya dito sa Unit ko!!" Ani ko sa lalaki. Hindi ko na hinintay ang sagot nito.

Nilingon ko si Anna at wala na ito sa dating pwesto.

"Dito kalang.." Sani ko kay tricia ng maayos ko ang kanyang pagkaupo.

Sinuot ko ang aking pantalon at lumabas ng kwarto, naabutan ko si Anna'ng sapo ang dibdib.

"Anna hindi ko alam ang nangyari.." Hinigit ko ang kanyang braso, pero katulad kanina, galit lang ang kayang ibigay nitong expression sakin.

"Ang alam ko, magkasama kami kanina, pinainom niya ako ng juice, and.." Wala akong maapuhap na tamang salita.

"That is bullshit Cyrus!!"

Tinampal niya ang aking dibdib.

"Wala kang alam samantalang sarap na sarap ka sa ibabaw ng HAYOP!! na babaeng yan!"

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now