V. Tinging FULL OF LOVE daw?

732 41 2
                                    

Charles Graham

"Hay naku! Bakit ba kasi nabuhay pa ang mga babaeng makakapal ang mukha! Alam naman nilang may girlfriend na inaagaw pa!"singhal ng kapatid ko na padabog umupo sa may sofa. Kagagaling lang ito sa school dahil nakuniporme pa. Sira na naman ang mukha nya nang dahil sa nangyari sakanya at sa awayan nila Sofia.

"Kainis!".

"Araw araw ka bang magaganyan? Cut it off Khate." Oo kapatid ko ang ex girlfriend ng ulol na Kirby nayun. Simula pa lang, ayaw na ayaw ko sa lalaking yun. pero itong kapatid ko ay patay na patay sa lalaking yun. Wala akong ibang magawa kundi ang supportahan siya pero ang pagiging baliw niya sa lalakinh yun, aba'y hindi ako papayag.

"Dahil araw araw din akong binubwesit ng babaeng yun. Halata namang, pinaghihigantihan nya ako eh."

"Kasi naman inaway mo. Be nice to her, para naman hindi ka na inisin nya."

"Be nice? " galit nitong sabi.

"I would rather kill myself than befriend with that bitch. At isa pa, ako ang kapatid mo, ako dapat ang kampihan mo."
"I'm just being fair. May kasalanan ka rin naman. "
Sagot ko sabay talikod sa kanya. Ayoko ng makipagtalo pa. Kasi, yang si Khate, hindi magpapatinag. Daig pa si Gabriela Silang sa katapangan, nga lang , laging natatalo.

Pumasok na ako sa kwarto tapos kinuha ko na yung script ng play namin sa bag ko.
Bukas na pala kami magsisimula sa pagpapraktis. At sa hindi ko inaasahan, napunta saakin si Romeo. Ang haba pa naman.

----

Kausap ko ang mga lalaking kaklase ko at kasamahan sa Play namin. Nalalapit na kasi ang play namin at kailangan na naming mag pratktis ng maigi.
Sa gawing sulok ng stage, nakita ko si Sofia kasama ang mga babaeng kasamahan namin na nag-uusap. Grabe ang kasikatan ng babaeng yun, wala na atang hindi nakakilala sa kanya. Minsan sya na ang hot topic ng campus.

"Ganda talaga ni Sofia no.?" Sabi ni Ezekil sa akin, ang best buddy ko na SSC representative dito.
Pareho kami ng course na kinuha, Civil Engineering.

Tinanggal ko yung eyeglass ko at pinunasan.
"Wala ba kayong ibang gagawin kundi titigan ang babaeng 'yon?" Sita ko sa kanila. Lagi nalang kasing SOFIA ang naririnig ko. Rinding rindi na ako sa pangalang yan. Hindi naman sa 'di ko siya gusto kaya lang sumusobra na ang kasikatan niya't araw-araw ng pinag-uusapan ng lahat.
Inakbayan naman ako ni Ezekil.

"Pare naman, bakit ba parang bitter ka rin na nagkamabutihan sila ni Kirby ? Dahil ba nagagalit ka sa ginawa nila sa kapatid mong si Khatelyn?"

"I have nothing to do with them. But the truth is, masaya ako na wala na sila ng Kirby nayun. Alam mo namang malupit ang Kirby na yun. Kung sinong matipuhan, liligawan tapos i-jujunk lang pag nagsawa na." I was relieved nung magbreak sila ng kapatid ko. Masyado na kasing baliw ito sa kanya, animo'y makakapatay na nang dahil lang sa lalaking yun. Matigas naman kasi ang ulo ng kapatid ko. Kahit kay mama at papa, suwail ito.

"Kunsabagay may point ka."
Sabi niya.
Nabuwag naman kami nung nagsimula na kami sa pagpapraktis. Sa totoo lang naiilangan ako kay Sofia. Hindi nga ako makatingin ng deretso sa kanya.

Sofia Sanchez

"Hindi ganyan! Dapat full of love ang titigan nyo."
Bulyaw ng leader sa amin.
Hay naman, ilang ulit pa ba naming uulitin ang scene nato? Hangang Juliet in the balcony lang ba kami?

"Oh ayan my Romeo, tinging full of love daw." Birong sabi ko sa kapartner ko.
Sino ba naman kasi ang makatingin sa kanya with full of love kung may salamin na nakaharang? Hindi pa ngumingiti.

"Aish, di ko alam yan."naiinis niyang sabi.

"Sige na. Ulit! " sigaw ni Aiza yung leader namin. Tapos nagsimula na ang narration sa scene na yun.
Sinubukan kong tumingin sa kanya with full of love daw. Tinitigan ko talaga siya ng malalim, and then, bigla nalang nakita ko ang kagwapohan niya. Ang hot nya. Tama nga si Undrya, hindi nakakasawa ang kagawapohan. Parang gusto kong araw arawing tingnan ang maamo nyang mukha. Mas gwapo pa nga siya kesa kay Kirby eh. Waaah. Ang landi ko.
Habang ina-act namin ang scene na yun, wala akong ibang inisip kundi ang mga mata niyang kay gandang tingnan na kailan man ay hindi ko pa nakita nino man.
Para akong na glue sa titig nya at hindi ko magawang pumikit kahit saglit man lang.

"Cut! Good!" Nabalik lang ako sa diwa ko nung sumigaw ang leader namin.

"Yan! Yan ang full of love."
Sabi niya sa amin. At dun ko lang narealize ang ginawa ko. Waaah nahiya naman ako. Agad akong umiwas at tumalikod sa kanya.

"Okay next scene!" Umupo namuna ako sa gilid habang yung iba na naman ang nasa stage. Napatingin ako kay Charles na nasa mga kaibigan nya rin. Rinig ko pa ang panunukso nila sa kanya.

"Grabe pare, ang hot mo! Akalain mo, naging bato si Sofia sa ginawa mong titig sa kanya. Hahah."

Waaah. Nahiya talaga ako. Lintik na full of love nayan eh. -_____-

"Manahimik nga kayo." sagot niya. Tapos bigla naman itong tumingin sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin. Namumula ang pisngi ko sa titig na ginawa niya't napayuko ako sa kahihiyan. shit!
Siniksik ko nalang ang sarili sa sulok kasi nahihiya ako sa mga naririnig ko. Hindi ko naman kasi akalain na charming pala ang lalaking yun at nabighani ako. Waaah. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
Haaay.
Pagkatapos ng praktis namin agad kong pinuntahan si Undrya sa canteen.

"O kumusta ang praktis nyo pinsan?" Tanong ni Undrya nang makarating ako sa canteen.

"Ok lang. Nakakapagod, ginagawa namin ang mga scene ng paulit ulit." Lalo na yung sa balcony na full of love.

"Kumain ka muna. Ano order na tayo?" Tatayo na sana kami kaya lang nakita 'kong papalapit sa amin si Kirby na may dalang tray.

"Pinag order ko na kayo oh."

"Uy, salamat talaga Kirby. " inagaw agad ni Undrya ang tray at inilapag sa mesa. Umupo nalang rin si Kirby sa tapat ko. Wala ako sa modo ngayon para makipaglokohan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Natawag naman ang pansin ko sa mag gropung nagtawanan sa kabilang table. At hindi ko sinadyang mapansin si Charles. Infairness ah, ang gwapo niya talaga, nerd nga lang.
Nginitian ko lang ito nung mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Nginitian din naman niya ako at napansin ko pa ang pamumula ng mukha nya.

"Sino ba'ng tinitingnan mo?" Untag ni Kirby sa akin. Nakaharap kasi ako sa puwesto nina Charles samantalang sya ay nakatalikod.

"Wala naman."malimit kong sagot sabay subo ng pagakain.

"Wala? Kanina ka pa palinga-linga yang mata mo, eh." Seryosong sabi niya pati ang titig nya sa akin. Titig ng nagseselos na boyfriend lang?.

"Nagseselos ka ba?"di makapaniwalang tanong ko.

"LQ nayan." Mahinang biro ni Undrya.Siniko ko naman ito.

"I have rights to get jealous, di ba?"napakunot noo ako sa sinabi niya. Aba! aba! Aba! Jealous? Is he my boyfriend?

"Bakit boyfriend ba kita? " medyo na inis narin ako.

"Hindi pero magka M.U tayo. Pero gusto 'kong sabihin sayo na ayoko kapag may mga lalaking umaaligid sayo!"galit na sabi niya sa akin. Napansin naman kami ng iilan kasi nagtaasan na ang mga boses namin. PIlit akong pinakalma ni Undrya pero di ito umubra.

"Seryoso? di ba sabi ko sayo nuon, friend lang tayo?"

"I'm sorry" hinging-paumanhin naman kaagad niya.

Hindi ko na pinigilan ang sarili na magsalita.
"Kirby, alam mo namang ayaw ko sa mga taong dinidiktahan ako sa mga pwede at di pwedeng gawin. "mahinang sabi ko na may halong inis.

" Pasensya na. "

"Hay, tara na nga Undrya, wala ako sa mood ngayon. Uwi na tayo!" Nauna akong tumayo at sumunod naman itong si Undrya.

Sa totoo lang ayoko muna sa mga serious relationship. Masyado pa akong bata para sa mga ganyan. Binansagan nga akong playgirl, pero everything has a reason. Takot akong masaktan nang dahil sa love na yan. Ayokong matulad sa pinsan ko sa maynila na nagsusuicide dahil nalaman niyang nag twotime ang boyfriend nya. Firstlove nya yun kaya ganun ang impak sa ginawa ng lalaki sa kanya. At hindi natin sya masisisi. But taking your life away is a sin.

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon