XXIX. She's Back

647 33 3
                                    

Months ago.

Sofia's pov

This is it! The day that I've been waiting for. The day that we've been waiting for.
Finally, we're graduating today!
Ako, si Khatelyn, si Undrya at si Charles.

"Pagkatapos ba nito pinsan ay magpapaksal na kayo?"

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway sa sinabi ni Undrya.
Seryoso?
Nilingon ko sya na syang nakaupo sa backseat ng kotse.

"Ano ka ba insan, syempre, work work muna."
Napahiya naman kasi ako. Baka akalain ni Charles, atat na ako.
Napatawa naman si Charles sa pinagsasabi ni Undrya.

"Pwede na rin. Gusto ko na nga na magka baby na kami. " sabi nya na may halong biro. Tapos nag wink sa akin. Waah pinagkakaisahan na naman ako ng mga 'to.

"Baby daw insan! Ay! I want a girl, Charles ha?"

"Pano yan, e gusto ko ng lalaki?"

"Hah? E kambal nalang para fair. Hahaha."

"Hahaha." Sabay pa silang tumawa. Tapos tumingin lang ako sa kanila at nakitawa narin.
Naasar man ako, pero kinikilig na man. Shemay. Hahaha. Gusto ko rin ata ang pinagsasabi nila.

"Hurry up babe. Malalate na tayo sa ceremony. At isa pa magsitigil na kayo dyan." awat ko sa kanilang dalawa.

"Aysus, nakitawa ka rin naman e."

"Mukha mo. " sagot ko sabay irap kay Undrya.

Ilang sandali ay nakarating na kami sa school. Papunta narin dito sina Mommy kasama ang mommy ni Undrya. Mabuti nalang ay nakauwi na si mommy dito. Si daddy naman, mas pinili nya ang babae nya. Pero ang saya ko lang ngayon. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa aming lahat.
Ito na ang panahon na masasabi naming, nasa realidad na kami. Kung saan kailangan na naming magtrabaho para sa sarili at sa mga magulang namin. Kung saan kami na ang magtatake over sa responsibilidad nila. Kami na ang magbabayad sa mga bills sa bahay.

Finally, tapos na ang walang humpay na pag-aaral tuwing gabi. Sa wakas ay wala ng exams.

Masaya ako, kasi lilisanin ko ang paaralang ito na may bitbit na bakas ng tagumpay. Bukod sa diploma ay may isa pang hindi ko inaasahan.

Sanchez Sofia M. , Suma cumlaude. 

Basa ko sa isip sa nakasulat sa program na hawak ko.

"Labas na insan!"
Rinig kong bulyaw ni Undrya sa labas ng kotse. Di ko namalayan na nakalabas na pala sya at naka park na ang kotse.
Lumabas na ako at saktong paglabas ko, nakita ko si Khatelyn sa kabilabg side ng kalsada kung saang banda ang gate ng paaralan namin. She was looking at somewhere.

"Khate!" Tawag ko sa kanya. She looks at me for a second tapos tumingin naman ito sa ibang direksyon. Her face was so blank pero hindi ko iyon pinansin at umaksyon na akong lumapit sa kanya.
I was walking towards her while putting such a sweet smile on my face and i don't know why all of a sudden.
'Bat ba kasi ang saya ko ngayon? Walang humpay e.

"Khate!" for the second time around, tinawag ko sya ulit but this time, kinaway ko sya. Bakit parang hindi nya ako nakita?  Hindi ko alam kong bakit para syang natatakot. Tapos may narinig akong sasakyang umaandar tapos tumakbo sya papunta sakin na nag alala habang nasa likuran ko lamang sina Charles. 

"SOFIA!!!!"
Rinig kong sigaw ni Khatelyn.

Blagggggg!!!!

Bumagsak ako sa magaspang na semento dahil itinulak ako ni Khatelyn ng napakalakas. Doon lang ako napatanto na, nabundol sya nung sumigaw si Charles. Supposedly, it was me.

"KHATELYN!"

Khatelyn's pov

I don't believe what I saw but, I'm freakin sure na si Trishna ang nakita ko na nakasakay sa isang kotse. Dumaan ito pagkatapos akong makatawid sa kabilang kalsada. Sinundan ko ng tingin ang kotseng yun at nakita ko syang nakangisi at nakatingin sakin ng masama. Naka park lang ang kotse nya.
Ganito kasi ang parking lots sa school.

[School school. School ]
--PL -- gate---Pl---|
  <---papuntang           P (dito na side
       highway                   L sya nakapark )
--------PL-------- |

PL means parking lot.

Nakangiting mala demonyo sya ngayon habang tirik na tirik ang mga mata nito na nakatingin sakin. Buhay pa talaga ang babaeng ito? Akala ko ba ay pinatay na sya ng konsensya niya. Bakit sya bumalik? Ano ang pakay nya? Anong gagawin nya? Gusto ko syang sugurin, sabunutan hanggang kailan ko gusto. Ibitay ng patiwarak. Pero. Naisip ko. Hindi ko kailangang gawin iyon. Kasi mali. 
Pero nakaramdam ako ng inis at galit at agad namang napalitan ng kaba. Kinabahan ako sa pagpapakita nya ngayon. Ilang sandali ay ibinaling nya ang tingin sa kabilang side ng parking area na kung saan kakalabas lang ni Sofia sa kotse nya.
She's obviously looking at her.
Nasa loob parin sya ng kotse nya na tila'y may hinihintay.
Taking a tight grip dun sa hawak hawak nyang manubela saka sinabayan nya ng mapang asar na tawa. Hindi ko man iyon naririnig pero,nababasa ko sa mga labi niya at narinig ng utak ko ang tawa nyang nakakakilabot at parang nangigigil.

"Khate!"
I was preoccupied when Sofia called me. She was walking slowly papunta sa kinaroroonan ko. She was smiling so dearly. Habang nasa likuran nya si Kuya at hawak rin ang toga nito.  'Bat parang nag slow mo?

"Khate!" Tawag nya ulit habang kinaway kaway ang hawak nyang toga. Napalingon ako sa sasakyang nagsastart up ang engine. It was Trishna.
Para siyang nasa start line ng drag race. Hinihintay ang sinyas kung kailan ito papatakbuhin. Her eyes were glued at Sofia. Masama ang tingin nito. Nakikita ko na naman ang demonyo niyang mukha.
And i saw her lips moving.
She was counting.
Saktong nasa gitna na ng kalsada si Sofia, ang syang pagtakbo ng kotse ni Trishna papunta sa kanya. Plano niyang sagasaan si Sofia. Kailangan ko syang pigilan sa gagawin nya. Hindi nya talaga tinigilan 'to? Hanggang kailan sya maggaganito? She's insane! God.!

Bago man tuluyang mabundol so Sofia at mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Nakakatanga man ang gagawin ko ngayon pero kailangan ko syang ligtasin. Ito na siguro ang pwede kong ibayad sa mga nagawa ko sa kanila ni kuya. Ngayon oras ko na naman para ilayo sila sa kapahamakan.
Ano man ang mangyayari, hindi ko pagsisisihan ito.

"Sofia!"
Itinulak ko sya ng malakas papunta sa gilid ng kalsada. Ang pagbagsak nya ay sya ring pagbundol ng sasakyan sa akin. Nasilayan ko pa ang mukha ng isang demonyo, ang mukha ni Trishna, bago ako bumagsak sa semento at nawalan ng malay.

"KHATELYN!!!!"

*****

May bago akong ipupublish.

A CHANCES TO SAY I STILL LOVE YOU.

Iyon ang sequel ng YOU GOT ME and i hope nagustuhan ninyo. ^___^

By the way.
How is it? Ok lang ba ang chapter na ito? Comment Yes or No. ^___^

❤❤❤❤

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now