XI. Kirby

588 40 2
                                    

Sofia Sanchez's pov

"Oo kumusta ang date ninyo ni Charles?" Tanong ni Undrya na kakalabas lang namin sa bahay nung pagdating ng van na susundo sa amin.

"Date ba ' yon?"

"Naman, syempre, date na rin yon. Saan kayo nagpunta?"

"Sa horror house lang naman."

Ngumiti siya, "Okay ba sya?"

"Yah. Actually, ah basta."
Pinutol ko nalang ang sasabihin ko dahil hindi rin ako sure na natitipohan ko si Charles, baka lintik na infatuation lang 'to. Nauna akong sumakay sa van at sumunod naman sya.

Pagdating namin sa school, nakasalubong naming ang grupo nina Khatelyn na papalabas ng campus. Siguro tapos na ang first class nila. Nung tumingin ako sa kanya , para wala lang, hindi ko na sya sinamaan ng tingin or what. I don't know why. Maaring, naka move on na ako sa nangyari? O kaya ano?
Ngumiti ako na nakatingin sa kanya kaya lang sinamaan lang ako ng tingin.
Nilagpasan lang namin ang isa't isa.

"Ang sama ng tingin ni kapatid.Akalavnya siguro, ginagamit mo lang si Charles. " sabi ni Undrya sa akin.

"Bahala sya kong ano ang isipin nya. Basta ako, malinis ang konsensya ko. Hindi ko ginagamit si Charles para inisin sya. Wala na nga akong interes sa kanya. "
Totoo naman talaga ah?  Hindi kasama sa plano si Charles. Oo sasabihin ko, naisipan ko yan noon pero ngayon wala na.

"Haaay, pabayaan mo na lang sya. Hindi mo naman ikinaganda ang pagpatol sa kanya."

Napatawa naman ako,"hahaha. Tama ka naman jan."

Tapos pumasok na kami sa kanya kanyang klase. Hay bukas na pala ang Romeo and Juliet namin. Muntik ko ng makalimutan.
Sa dami dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na yata ang mga lines ko. Waah patay na.
Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa klase ko, biglang may humila sa braso ko.

"Arayyyyyy.... ano b-- Kirby?"
Bawi ko sa braso ko. Ang sakit Kasi ng pagkahila nya tapos ang lalim ng diin ng kuko nya sa braso ko.

"Let go of me!" Galit kong sabi. Wala akong pakialam kung may nagkaklase sa loob ng classroom na hinintuan namin.

" Makikipag-usap lang ako sayo tungkol sa'ting dalawa. "
Hindi nya parin binitawan ang braso ko tapos hinigpitan pa nya mas lalo ito.

"Are you crazy? Walang tayo,  di ba?" Idiniin ko talaga ang pagkasabi nun ng mataohan sya.
Tapos narinig namin na sinita kami mula sa loob ng classroom sa ingay na ginawa namin.

"I need to explain about it. Mali naman kasi ang balitang narinig mo!"
Kalma lang ang boses nya pero yung mukha nya ay galit na galit na ito.

"Kirby, ano man ang totoo, wala na'kong pakialam. Kaya pwede ba? Let go? You're freaking me out!"
Nagkataon na walang ibang estudyante sa hallway at tahimik ito, kaya yumayanig sa first floor ng building  ang boses namin.
Sa totoo lang, ayoko nang kausapin o makita ang pagmumukha nya. Ilang araw narin ang nakaraan mula nang sampalin ko ito at pinahiya sa karamihan.

"Ba't ba ang suplada suplada mo? Makikipag-usap lang naman ako sayo ah?"
Galit na sabi nya tapos hinila ako at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Bitawan mo'ko sabi!!!!"
Napasigaw na talaga ako, at this time may nakapansin na samin at may lumapit narin.

"Pre wag mo namang pilitin pag-ayaw." Sabi ng lalaki na lumapit sa kanya.  I think, nasa higher year na ito.

"Wag kang makialam!" tinuro-turo niya ito at patuloy parin sya sa paghahatak sa akin palabas ng campus.

"Fuck Kirby! What the hell are you trying to do?"
Pinagsusuntok ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko.
Pero hindi niya parin ito binitawan, sa halip mas nilakasan nya pa ang paghatak sa akin, hanggang sa nakalabas na kami.

"Kirby!  Ano ba!"

Booogssssshh.

Napapikit ako bigla. Ilang sandali nakita ko si Kirby na nakahandusay sa gilid ng kalsada, putok na putok ang mga labi nito.
Inangat ko yung ulo ko at nakita ko si Charles na nakakuyom ang mga kamao nito.

*****
Short update.
May problema lang po kaya hindi maka isip ng mabuti. ^___^

My Sassy Girl #Wattys2019Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα