VII. Kinilig si Juliet

659 43 8
                                    


Sofia Sanchez's Pov

Nagmamadaling nagtungo ako ngayon sa stage matapos ko matanggap ang text galing sa ka klase ko. May urgent meeting daw kami tungkol sa Role Playing namin. 

"Sofia!" tawag sa akin. Napalingon naman ako, 

"Charles. Bilis!" kaway ko sa kanya at nagtatakbo naman ito papalapit sa akin.

"Ano ba kasi ang meron? Di ba sa Beyernes pa ang praktis natin.?" Pagtatanong nya nung nasa tabi ko na sya. 

"Ewan ko lang. Wala namang sinabi. Basta ang alam ko urgent meeting daw kasi." sagot ko sa kanya na may halong hiya. Ewan ko ba, pagdating sa kanya ay natitiklop ako. Parang hinagisan ng hiya ang  makapal kong mukha. 

"Tara na." nabigla ako sa paghila niya sa kamay ko. Feels like there's a high voltage na dumaloy galing sa mga daliri nito na nakapagpawis sa akin ng matindi. Then, narealize nyang naiilangan ako sa ginawa nya' saka naman sya bumitaw. Nakarating na kami sa stage at kami nalang pala ang hinintay. 

"Sa wakas, nandito na rin si Romeo at Juliet. Akala ko nagtanan na kayo. hahaha"pabirong sabi ni Goerge sa amin. Sya ang gaganap kay Tbalt. Napailing nalang ako at nanlalamig na tumabi kay Aiza. 

"Anong meron?" tanong ko sa kanya. Sa halip na sagotin nya ang tanong ko, ay tumayo ito sa gitna.

"Sa mga nagtanong kung bakit tayo nandito, may i-announce lang ako. Next week na ang presentation ng play natin kasama ang ibang world literature students. May mga judges daw at may tatanghaling winner, best in juliet, best in romeo at Best supporting Actor. Kaya galingan natin. Kailangan nating mag double time."lahat kami ay napareact sa sinabi nya. Waaaaah? Akala ko ba ay compilation lang to? 'Bat naging contest? Tssssk.

"Hala, Balita ko si Khatelyn ang Juliet at si Kirby naman ang Romeo sa kabilang grupo."rinig kong sabi ng isang babae. 

"Oo nga no?"

Hindi pa nga nagsisimula ang contest marami na silang guessing kong sino ang mananalong Juliet at Romeo. Luh wala akong pakels. Isa pa, hindi ko naman pinangarap na maging Juliet eh. Mas gugustuhin ko pa ang maging nanny ni Juliet. 

Naka-kibit balikat nalang ako sa mga naririnig. Puro naman kasi comparahan ang naririnig ko dito. Kung sino daw ang mas bagay na Juliet at Romeo. Haayys, speaking of Khatelyn namiss ko tuloy sya. Minsan ko nalang kasi syang iniinis at inaasar.  Accidenteng nahuli ko si Charles na nakatingin sa akin. Kaharap ko lang kasi ang pwesto nila ng kaibigan nya. Tapos, agad itong umiwas ng tingin. 

Palihim naman akong nagmamasid sa kanya at dun ko lang napansin na MAY ROMEO BANG NAKASALAMIN? ^_______^

-------

"Waaah, matindi ang labanan nyo nan. Manunuod talaga ako.." galak na sabi ni Undrya matapos kung ikwento sa kanya ang mangyayari sa susunod na linggo.

"Wala naman talaga akong pakialam kung ang bangus na yun ang mananalo eh. Kahit man ay isampal ko sa mukha nya si Juliet, hindi ko yan kawalan."

"Sus ka pinsan, wag kang mag alala, malakas ang chermistry nyo ni papa Charles kesa sa dalawa. ayeee"mukhang bulate na kinilig pagkasabi ni Undrya. 

"Chemistry ka dyan. Tssk." inirapan ko nalang sya at nagpatuloy sa pagmememorize sa mga line ko habang sya naman ay nakataob sa kama.

Minsan dinadalaw ako ni Charles sa isipan. May something kasi sa mga ngiti niya. kahit man ay nerd syang tingnan, may pagkahotness naman ito, na nagpapakilig sa ibang babae.

Sa kalagitnaan ng pagmememorize ko ay may biglang kumatok sa pintoan. Nilingon ko si Undrya at nakita ko itong nakabulagta sa ibabaw ng kama at mahimbing na natutulog. Tumayo nalang ako at binuksan ko ito. 

Pagbukas ko agad sumalubong ang mukha ni Mommy. 

"May naghahanap sayo."simpleng sabi nya na medyo seryoso ang tono ng boses nito saka naman ako tinalikuran.

Nagtungo nalang ako sa labas ng bahay at medyo nagtaka ako kung bakit nandito si,

"Charles?"

"Hey." bati nito at lumapit sya sa akin. 

"Naiwan mo pala to kanina sa stage."Inabot nya sa akin ang makapal na libro. Reviewer ko.

"Naku nag-abala kapang pumunta dito. Sana pinagbukas mo nalang." nahihiyang sabi ko sa kanya kasabay ng pag-abot ko sa libro. 

"Ok lang yun, pauwi narin naman ako. Dinaan ko lang yan sayo. Baka kasi kailangan mo yan eh,, kasi araw araw kitang nakikitang dala yan."

"Salamat Charles."ngumiti nalang ako at gayun din sya. Waah, ano ba 'to, 'bat kung may kung ano anong nilalang ang palangoy langoy sa tiyan ko. -____-

"Walang anuman. ^_^. Sige mauna na ako sayo."

"Sige."

Tumalikod na sya at ilang hakbang pa lamang ay bumalik uli ito.

"Sofia! Libre  ka ba sa Sabado?" 

"Hah? Ah, Oo. Bakit?" 

"Nuod tayo ng sine, libre ko." Natahimik ako sa sinabi nya at tumano nalang ako. 

"Sge, kitakits bukas!" ngiting sabi nya habang naglakad papalayo. Hindi ko naman napigilian ang sarili, kaya napangiti ako ng malapad. Papasok na sana ako sa loob ng bahay kaya lang, nabigla ako sa pagsulpot-sulpot ni mommy. 

"Ba't hindi mo pinapasok yun?"

"Ma naman, para kayong multo dyan. -_-" mangugulat ba naman?

"Nagmamadali yung tao eh." palusot ko. 

Hindi ko naman inaasahan ang kasunod na sinabi nito,

"Type ko sya para sayo. Mukhang mabait naman."

"Maaaaa! Kung ano ano na yang pinagsasabi mo dyan eh." sabi ko sa kanya sabay walk out.

"Totoo naman yun eh!" rinig kong sabi ni Mommy bago ako tuluyang nakapasok sa kwarto. Pero, napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Bagay daw kami. Bigla naman akong kinilig at hindi ko alam kung bakit. Mas kinikilig pa ako kay Charles kesa kay kirby. ^___^ ♥

Haaaaayyyy, mabuti pang matulog nalang ako. Kung ano ano na kasi ang pumapasok sa kukuti ko eh. -__-

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now