IV. Romeo and Juliet

879 40 3
                                    

Nagkaroon ako ng injury dahil sa kagagawan ng Khatelyn nayun. Kahit hirap maglakad, pinilit ko parin ito, total hatid sundo naman ako ni Kirby sa bahay.

"Thanks."

"Wala yun, basta ikaw." Sabay haplos sa buhok ko.
Ugh! Parang kinutaw ang bituka ko sa ginawa nya. Kilig? Nah! Nakakasuka!Kiligin nalang ang ex-girlfriend nyang baliw!.

"Sige pasok na ako. Bye."
Sabay talikod sa kanya.
Pumasok na ako sa bahay at nagulat naman ako sa bigla biglang pagsulpot ni Undrya.

"Couz, lakas tama na ata sayo ang Kirby na yun ah?"

"Haha. Syempre ako pa?"
Tapos tawa.

"Baka naman ay ikaw yung mainlababo sa kanya. Naku, warning lang, matinik yang si Kirby ."

I just rolled my eyes on her tsaka nag crossed arm.

"Well, it's not part of my plan. I told you, I have my limits. "

"Haaay bilib na talaga ako sayo. Ikaw na. ^_^"
Sabi ni Undraya with matching palakpak pa.
Napansin ko naman ang suot niya.

"Hey are you wearing my dad's shirt?"napayuko naman siya at napatingin sa suot niyang damit.

" Kind of. " sabay talikod.

"Tomboy!"
At tumawa lang ito.

----
Palihim akong nagdasal na sana ay yayain ako ni Kirby. Alam kong nasa di kalayuan lang sa amin si Khatelyn. Nasa bench kami nagtatambay at pati narin sina Khate.

"Sabay na tayong mag lunch?" tanong nito sa akin.
I didn't hesitate.
"Sure na sure"masayang sabi ko. Actually hindi naman talaga ako masaya. Nababadtrip na ako sa kakadikit ni Kirby sa akin. Pero titiisin ko, makapaghiganti lang sa gagang yun!

Inalalayan ako ni Kirby papuntang canteen at bago man kami naka alis dun, sinadya ko talagang sulyapan si Khatelyn. At yun, boom! Halos magkadikit na ang mga kilay nito at nangingitngit na ang mukha nya.

Hahaha Eat your heart out dear! No one mess with me! >:)
Evil grin.

Matapos naming mag lunch, pumasok na kami sa kanya kanyang klase. World literature na naman.
Umupo ako sa bandang likuran katabi ang mga bakanteng upuan.
Habang nasa gitna na kami ng discussion, may lalaking umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Pasimpleng nilingon ko ito.
Umiwas agad ako kasi nahuli ko rin syang nakatingin sa akin.
Sya yung si Mr. Graham.Magkaklase pala kami nito?
Ngayon ko lang nalaman ah.

Tahimik akong nakinig sa discussion ng instructor namin pati narin ang iba, at saka lang sila nabuhayan nung minemention ng instructor ang role playing na magaganap Romeo and Juliet pa talaga.

"Ok, may napili na akong gaganap sa mga characters. " he paused.

"Charles Graham as Romeo. Sofia Sanchez as Juliet."
Pagkasabi ni sir nun, nanlaki ang mga mata ko at naiwang nakabukas ang bibig. Waaah bakit ganun?
Yung mga kaklase namin, sa amin nakatingin. Judgemental!

"Sir? May sosyalerang Juliet ba? " tanong ng isa kong klasmate na nakapagpatinag ng ulo ko.
Ano sabi nya????
Natawa naman ang iba. Ang babaeng yun! Kalbuhin ko talaga. Isa ito sa mga lintang kaibigan ni Khatelyn.

"Watch your mouth Celine. Walang mag oobject o mag cocomplain sa mga napili ko! Are we clear?"medyo galit nitong sabi.

"Clear!" Sigaw ng lahat. Sinamaan ko lang din ito ng tingin.

"Hayaan mo na sila. Baka naiingit lang kasi ikaw ang napiling Juliet." Ani ng katabi kong kanina pa napapanis ang laway sa sobrang tahimik.

"Sino ba naman ang di mainis, kababago ko lang dito, ganyan na agad ang pakikitungo nila." seryosong sagot ko sa kanya.

Tapos nilingon ko siya.
"Ganito ba kayo mag welcome ng bagong estudyante? So unique!" Dagdag ko pa. Nagkibit-balikat nalang syang tumingin sa akin.

"Pasensya na. Hindi namauulit. Nga pala Charles Graham. The SSC president." Pagpapakilala niya.

"Ikaw si Romeo?" Mahinang tanong ko sa kanya ng may halong pagkagulat.
Shemmmaaay.

"Oo" nahihiyang sabi niya.
Kaya naman pala, lagi syang nandun sa tuwing may kaguluhang nagaganap kasi siya pala ang school pres namin.
Hmmm.

Pagkatapos, patuloy parin sa pagsisiwalat si sir sa mga gaganap sa Romeo and Juliet at sa mga dapat at kailangang gawin namin at kung ito iprepresent namin.
Isa ito sa mga requirements ng course subject namin.

"Answerte mo ah! Si Mr. Pres pa talaga ang Romeo. Waaah dream ko nga na makapair sya. " hiyaw ni Undrya. Akalain mo naging babae pala ang lokang 'to. Akala ko kasi tomboy eh.

"Hmmmp. Ano namang ma swerte nun?"

"Kasi isa yun sa mga pinagkakarandapaan ng mga babae rito. "
"Ows? That nerdy looking guy? " parang di makapaniwalang tanong ko.

"Yup. Try mong titigan ang mukha nya for 1 hour. Hindi ka talaga magsasawa. Unlike that Kirby. Yeah I know he's kind of hot, no hurt feelings ha, but nakakasawa eh. "
Napailing na lang ako.

"Hindi ko rin naman type ang mga kagaya ni Kirby. "

Bigla namang inilapit ang mukha niya sa akin.
"Sino'ng type mo?" sabi nito.

Itinulak ko naman ang mukha nya. Nakakatakot eh. Hahaha

"Eh ikaw? Sino'ng type mo?"

"Bastketball. Haahaha" pabirong sabi nito. Gaga! Tomboy talaga kahit kailan.


Nasa covered court lang kami ngayon para manuod ng try out ng volleyball. Nga pala, isa sa mga players dito si Khatelyn. Matingnan na nga kung marunong ba. Actually marunong naman ako kaya lang ayokong sumali.

"Hindi ata nakaaligid sayo ang boylet mo?" Tanong ni Undrya sa akin.

"I don't know." Sagot ko naman.

"Speaking of your boylet, ayan na oh! Paparating na." Nakita kong papalapit na si Kirby sa amin at sakto rin ang labas ni Khatelyn galing sa locker room ng gym. Waaah. Perfect!
Sumama agad ang tingin niya sa akin nang makita niyang magkasama na naman kami. Naiinis na nga. Hahaha.

"Hello there Kirby. " ngiting bati ko sa kanya.

"Manunuod pala kayo?" Tanong niya.

"Oo ikaw?Siguro papanoorin mo ang ex mo no?" Medyo Kunwari tampo-tampo mode. Kumagat naman ito.
Umupo ito sa tabi ko at mahinang pinisil ang pisngi ko.

"Sus, sino naman sya para panoorin ko? Gusto lang kitang makita kaya." Siniko naman ako ni Undrya at sininyasan na tingnan ko raw si Khatelyn.
Ang sama na talaga ng tingin niya sa amin. Bwahahaha.
Mas dinikit ko pa ang sarili kay Kirby.

"Aysus bolero." biro ko. Bolero naman talaga sya. Isa pa chicks boy. Pweee.

"Hay naku ayan na naman ang kalandian.!" Rinig kong sigaw ni Celine yung gustong magpakalbo sa akin?.

"Oo nga grabe."
Aakmang sugurin na sana ni Undrya ang mga yun kaya lang pinigilan ko ito.

"Chill lang." Pigil ko. Nahimasmasan naman siya. At ilang sandali nag simula na ang try out.

********

Pasensya napo kung may mga wrong typos.
keep on reading guys. ^___^

Pa follow nalang po. Para masaya^___^

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now