XXV.The Video Scandal

620 31 10
                                    

Sofia's pov

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa main entrance ng building ay nakita ko agad ang grupo nina Khatelyn na nakaupo sa paborito nilang tambayan.

"Hay naku, ba't kaya may babaeng makapal ang mukha, no? Imagine, mahilig manggamit ng tao. Pagkatapos sa isa, may iba na naman. " sabi ng isang babaeng kilala ko lang sa mukha.

Hindi ko sila pinansin. Hindi ko alam kung ako ba o ibang tao ang tinutukoy nila. Huminga ako ng maluwag habang naglalakad at ilang hakbang nalang ay madadaanan ko na sila.
Palampas na ako sa mga ito nang marinig ko na naman ang sinasabi ng isa pa sa mga ito.

"Ang plastic no? Pero lumalabas din ang tunay na kulay. Playgirl. Bakit ba kasi pinatulan ng kapatid mo Khatelyn?"

Napahinto ako sa paglakad. Ako ba ang tinutukoy ng mga babaeng to?

Kalmadong lumingon ako sa kanila,
"Are you referring me? "

Tumaas ang kaliwang kilay ng babaeng unang nagsalita.

"Why? Guilty ka?"

I smile sarcastically, "Nope, Why would I?" Kapagkuwan ay tiningnan ko ang pangalawang babaeng nagsalita.

"Alam ko kasing kapatid ni Khate si Charles. Since boyfriend ko sya kaya iniisip ko na ako ang pinagtsitsismisan ninyo."

Tapos nagkatinginan silang lahat
Tahimik lang sila at biglang tumunog ang bell kaya nagmadaling umalis sila sa harap ko tapos tumuloy paakyat na ako sa ikalawang palapag ng building.

After kaming idismis ng instructor namin, lumabas na ako at nagtungo sa canteen kasi kanina pa naghintay si Charles.
Naalala ko na naman sina Khatelyn. Hindi ko alam kong, nasa bokabularyo ba nya ang salitang MOVE ON. Kasi sa napansin ko, lagi niyang binabalikan ang nangyari sa amin noon at isa pa galit parin sya sa akin.
Paano na kaya kung magkakatuluyan kami ni Charles?
Hayyys.

Nakita ko si Charles na nakaupo sa table sa loob ng canteen. Nakapag order na siguro sya kasi may pagkain na sa table namin.
Nginitian ko sya nung tumingin sya sakin.
Kaagad syang tumayo nung malapit na ako and he bent and kissed me on my cheek. I find it sweet and romantic. Waah.
Tapos sabay na kaming umupo.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Actually, kakarating ko palang din."

Tapos inabot nya sa akin ang moist cake at coke.

"Kain ka na. "

"Thank you."

"Ahm, Sofia. "
Sambit nya.

"Hmmm?"

"Kilala mo ba si Josh? Kasi nung party ni Mama, hinabol kita, nakita ko sumakay ka sa kotse nila." Sabi nya. Natigilan ako sa pagkain at inubos ko ang laman ng bibig ko.

"To tell you honestly, he's my ex suitor. Pero hindi ka naman kailangan mabahala kasi wala na kaming connection. He's my friend na. Nagpahatid lang ako sa pag-uwi nun kasi wala akong mapakiusapan sya lang ang kakilala ko."

"Ah, ganun ba? Pasensya kana sa nangyari ah?"

"Aysus wala yun. Ganyan kita ka mahal kahit man ay nasaktan ako sa ginawa mo."

"I'm gonna marry you Ms. Sanchez. "
Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ito. Kung pwede lang sanang tumili dito sa loob, kanina pa ako tumitili sa kilig. Wala akong pakialam sa mga pakialmerang taong nakapaligid sa amin. I don't care if anyone would spread negative rumors about me. The important is, Charles has a huge trust in me and I don't want to break it. It's goddamn precious you know. ^___^

Habang masaya kaming nag-uusap ni Charles, biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko nalang sana titingnan kasi alam kong notification lang ito, kaya lang pinilit ako ni Charles.
Tapos pagbukas ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Trishna Xoxo uploaded new video with Khatelyn Graham and Kirby Schnoveliz.

"Charles!!!"

----
Khatelyn's pov

"Can't make any move , huh? Well, i make my own move. Bitch!"

Mahinang basa ko sa text message na natanggap ko.

I'm not in a mood today para pansinin ko ang text na yun na kagabi ko pa natanggap. I keep on reaching Trishna pero hindi niya ako sinasagot sa tuwing tinatawagan ko sya.
Nakakainis.

Maaga akong pumunta sa school, hindi ko napansin ang mga tawag ng mga kaibigan ko kasi nakasilent ito kaya dun ko lang natingnan na marami na pala akong namissed na tawag.
Pagkapasok ko sa campus, lahat ng mga estudyanteng nadadaanan ko, tumitingin sakin. Nagbulungbulungan halos silang lahat at may ibang estudyante nga na ang sama ng tingin nila sa akin.

Tapos biglang nagring ang cellphone ko kaya dinampot ko ito at sinagot.

"Cherry? Bakit? "

"Oh my god, bess, tingnan mo sa fb dali, someone named Trishna Xoxo uploaded a video af yours with Kirby. Bess scandal nyo. Kalat na ito sa buong campus."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at natahimik. Napatingin ako sa buong paligid ko. Tapos biglang lumakas at dumami ang bulungbulungan. Kaya palakakaiba ang tingin nila sa akin. Shit!. Tumakbo ako ng malakas patungo sa girls bathroom. Dun ko binuhos ang lahat. Umiyak ng umiyak. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. For sure mapapatay ako ng mga parents ko.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Trishna.

"Yes dear?"bati nya sa kabilang linya.

"How there you! Ano bang ginagawa mo. Ha? Can you just accept the fact na hindi talaga magiging kayo ni Kuya? Fuck you Trishna, Fuck you!"

"Hahaha. Oh, abot na pala sayo ang magandang balita? Sikat ka na bess. Hahaha. Kaya nga eh, kaya nga nung hindi maging kami ng kuya mo, edi Inupload ko nalang. Hahaha bye bitch."

"Fuc-- *tooot* heloo? Hello? Fuck!"

Wala na. Hiyang hiya na ako. Wala na akong mukhang ihaharap. Pati narin sa kuya ko. Wala na. T.T
T_____T

Ayoko na.

********

Omoo. I think malapit na syang matapos. Ahahaha. Bdw. Ayan ah nag update na ako. As i said every Saturday kaya lang nakapag update ako kahapon. Hehehe.

Salamat po sa tuloy na pagsusuporta. LaByu po. ❤❤❤✌

Rate this story please. From 1(lowest) - 10(highest).

Guys!!! Badly need your feedback. Baka kasi lo, hindi nyo na gustuhan. Sa mga expert, i need your suggestions. ^___^

Aasahan ko yan guys. ^___^ ❤❤❤✌✌✌✌✌

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now