XX. The Broken Family

541 37 1
                                    

Masakit ba ang love?

Rinig kong tanong ng katabi ko sa katabi niya sa klase.
At kanina pa ang mga yan. Ayaw atang tumigil kahit nagdidiscuss ang prof namin. May sarili silang mundo.

Tumatagal ba ang love?
Yan ang mga tanong nila. Thesis daw kasi! Yan ang topic nila? May sense pa ba ang topic na yan? Parang ang badoy. Hindi bagay sa course nila. Sana nag major nalang sila ng Matchmaking kung may ganun man. Tssssssk.

Ayoko naman ding maging pakialamera kaya binaliwala ko lang sila. Mayamaya dinismis narin kami. 2pm pa naman pero kailangan ko ng umuwi. May pag-uusapan daw kami ni mommy. Hindi narin ako magpapahatid kay Charles kasi masyadong busy sa pagiging presidente niya. Ayoko namang agawan ng attention ang responsibilidad niya bilang pangulo sa SSC. Si Undrya naman, mamaya pang hapon ang labas niya kaya mauuna nalang ako, ayoko namang maghintay ng matagal eh. Sinundo naman ako ng van kaya no worries. ^__^

Nasa baba na ako ng building at papalabas na ako sa campus. Pagkalabas ko, nagulat ako sa nakita ko. Napahinto ako sa paglakad at masayang pinagmasdan ang mukha niya.

"Daddy?" Maiyak-iyak  na tumakbo ako papalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. God I badly missed him.

"Looked at you my baby girl. I missed you so much."
Mas lalo kung hinigpitan ang pagkayakap ko and sobbing my eyes out.

"I missed you too daddy."

Bumitaw ako sa pagyakap, "What brings you here? Alam ba ni mommy to?" Ngiting sabi ko.

"Nope. Hindi niya alam. Namiss kita kaya binisita kita dito." Medyo nalungkot ako. Alam kong hindi ganon kadali ibalik ang pamilyang meron kami dahil sa hiwalay na sila, officially.

"Si mommy namimiss mo rin ba?"

"Ikaw lang pinunta ko rito. Nothing else." Nadismaya naman ako sa sagot niya. Hangad ko na magkabalikan sila pero parang malabo na.
Minsan naisip ko, pano kung mangyari sakin to? Masakit.  Alam kong masakit talaga. Kahit man ay natatakot ako na matulad kay mama pero, hindi ito rason para atrasan ko si Charles. Minahal ko na sya ng todo at ikamamatay ko siguro pag mawala siya? Maybe. Hinayaan ko lang naman si Charles na kilalanin ako ng lubusan at kilalanin sya bago kami pupunta sa stage ng mag-jowa. Ayoko ring biglain namin ang sarili baka isa samin ay panandalian lang ang nararamdaman. Hindi ito impossible, kung walang ganyan, may maghihiwalaya pa ba? Di ba?

"Hon! " nabalik-diwa ako nung may boses ng isang babae na narinig ko mula sa likuran ni daddy. Napataas ang kilay ko nung lumapit siya kay daddy tapos itinali niya ang mga braso nito sa braso ng daddy ko.
Teka. Don't tell me,
Napatingin ako kay daddy.

"Your tita Marife, my girlfriend. "
Lumipat ang tingin ko sa babae animo'y ininspeksyon kahit saan saan.
Malaking question mark ang gumuhit sa mukha ko. Mas bata pa kay mama, maputi siya, makinis ang balat, halatang galing sa mayamang pamilya at higit sa lahat, pinagkait sa tila ang suot nito sa sobrang ikli.

Pinilit kong ngumiti sa harap nila. Hindi naman pala si mama ang may problema kaya sila naghiwalaya, hindi naman pala.

"We have to go Sofia."
Saad ni daddy sa akin sabay pat sa balikat ko.

"Ha-a,  ah o-okey" paputol putol kong sabi.
Tapos tumalikod na sila sa akin at sumakay sa kotse saka umalis.
Nang hina ang buong katawan ko sa nasaksihan. Kay daming pumapasok sa isip ko ngayon. Naawa ako kay mama. Naawa ako sa sarili ko. Gusto kong magalit kay papa pero, hindi ko magawa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay mama o hindi? 
Iwan ko. Gulong gulo na ang isip ko.

Nakarating na ako sa bahay, pagkapasok ko palang sa sala ay naabutan ko na si Mommy na nakaupo sa sala, malungkot ang mukha nito habang pinagmasdan ang larawan naming tatlo ni Daddy.
Biglang kumirot ang dibdib ko, hindi ko na kaya na nasasaktan si Mommy.  Di bale ng ako yung masaktan wag lang sya.
Tumikhim ako para mapansin nya. Agad nyang binitawan ang hawak nya at nag-ayos.

"Ma." Nagmano ako sa kanya at hindi naman sya tumingin sa akin ng deretso, halatang umiiwas sya ng tingin.

"Kanina ka pa?"

"Opo. Ma, ano bang nangyari ba't ka umiiyak?'' After kong banggitin ang salitang umiyak, tumingin sya sa akin at maya maya'y yumakap ito ng mahigpit at humagolgol.
Alam ko na.

"Ma, I'm sorry. Wala akong nagawa."

"It's not your fault. Hindi ko lang matanggap. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. " patuloy parin ang pag-iyak nya.

"I saw them earlier. Hindi ko natiis, nasaktan talaga ako ng sobra. " kwento ko sa kanya.
Bumitaw naman sya sa pagkayakap at umupo sa sofa.
Tumabi naman ako.
Tiningnan ko lang si Mommy. Naawa na talaga ako sa kanya. She badly need rest, break and need to get away from this depression.

"Matagal ko namang alam yun eh. Hindi ko lang pinaniwalaan. Hindi ko naman inakala na sasampalin pala ako ng katotohanan ngayon . " tapos huminga sya ng malalim bago nagpatuloy,

"Pupunta ako sa Amerika. Doon na tayo titira. "

"Ma, yung pag-aaral ko." Si Charles, ayokong iwan si Charles.

"Hindi naman kita pipilitin, alam kong nandito ang puso mo, hihintayin kita doon. Kailangan ko lang talagang lumayo sa masasakit na alaala ko dito. "

Ngumiti ako ng mapait. Gusto ko mang sumama at nasa tabi lang nya pero, ayoko ring mang-iwan.

"Salamat ma." Yumakap ako sa kanya ng mahigpit gayon man sya.

------

Hayssss. 5 days na nasa hospital sorry if di nakapag update agad. Babawi lang po ako.

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon