XVII. Panliligaw

588 44 3
                                    

Paglabas ko sa kwarto ko, nakita ko si Charles na nakaupo sa sofa habang kausap nito si Tita. Nang papalapit na ako sa kanila , bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
'Uy Charles nandito ka pala?' 'Hi, buti nandito ka?' 'Manliligaw ka ba talaga?'
Wala akong ibang maisip eh, mukha yata akong na mental block sa sobrang kaba ni pangalan ko 'di ko na matandaan.
Nakatalikod si Charles sa akin kaya di niya ako napansin. His wearing dirty white polo tucked in black pants. He seemed very formal. Naalala ko tuloy kung paano nanligaw si papa kay mama.
Busy ang dalawa sa pagkukukwentuhan kaya tumikhim ako para mapansin nila.
Sabay na napalingon silang dalawa.

"Good afternoon Sofia! ^__^" tumayo ito at bumati sakin. Inabot niya sakin ang hawak na isang dosenang rosas. Waaah. Gusto kong maiyak, ganito pala ang feeling na may manligaw sayo ng pormal? Waah.

"Hehe Salamat. "Malakas ang tibok ng puso ko habang nakaharap sa kanya. Ilang segundo kaming nagkatinginan bago man pumagitna sa amin si Tita.

"Hay naku kayong mga bata, tinginan lang ba ang gagawin nyo maghapon? "
Nabalik-diwa kami at pareho napahiya sa isa't isa. Napakamot ako sa ulo't gayun man sya.

"Sya maiwan ko na kayo." Umalis na si Tita ay umupo na naman kami na magkaharap. Ngumiti siya sa akin.

"Nakaistorbo ba ako?" Tanong nya sa akin.

"No. Not at all. Naiinip nga ako dito sa bahay kasi wala si Undrya. Bakit ka nga ba napasugod? "

"Sorry, ha? Hindi ako nakapagsabi na pupunta ako rito. Gusto ko lang naman kasi i-surprise ka. Hindi ko rin alam ang number mo."
Pinigilan kong mapangiti o kiligin man lang. "Hindi mo naman kasi hinihingi."

"Ibibigay mo ba sakin kung sakali?"

"Why not?"
Agad niyang dinampot ang cellphone na nasa bulsa niya.
Muntik na akong mapahagalpak ng tawa tapos idinicta ko ang number ko sa kanya.

"Tungkol sa sinabi ko sayo doon sa canteen, baka di mo paniwalaan, totoo yun ah?"
Naalala ko na naman si Khatelyn when he mentioned the word Canteen.

"Si Khatelyn? Ano na?"
Biglang sumeryoso ang mukha nito at malalim na paghinga ang binitiwan.

"Hindi ko pa nasuyo. Wag kang mag-alala hindi naman ako papayag na makialam satin ang kapatid ko."
Kahit man ay kabado ako, pinakita ko parin sa kanya na matatag ako. Hindi rin naman ako papayag na makialam samin ang pusit na yun. Ba't ba kasi hindi pa siya nakamove on?

"Sige."

"Basta pagginulo ka niya sabihin mo sakin ah? Magsumbong ka?" Parang nanay ko lang sya na naghabilin sakin na pag may nanakit sakin sa school isusumbong ko sa kanya. Haha.
Napahanga na talaga ako kay Charles. He really knocks me out effortlessly. 

"Salamat Charles." Malapad na ngiti ang gumuhit sa mukha ko.

Ilang oras kaming nagkwentohan at mas lalo pa naming nakilala ang isa't isa. Hanngang sa naabutan kami ni Mama at Undrya na masayang naghaharutan sa sala. Dyok, nalalambingan pala. Haha.

"Ehem. Hindi mo naman sinabing may bisita ka anak."

"Ma!"
Agad akong tumakbo patungo sa kanya at yumakap. Sabay bulong ..

"Ma behave please?"
Napatawa lang siya at kumalas sa pagkayakap at nilapitan si Charles.  Pormal na tumayo si Charles at naglamano kay Mama. Dumikit naman sa akin si Undrya at bumulong.

"I told yah, patient lang kasi, diba? Walang masama kung umasa."
Inis na siniko ko ito.

"Manahimik ka."

"Brutal mo."

"Alam ko." Sabay dilat ng pabiro.
Hinayaan ko lang si Mama na ineinterview si Charles. Sininyasan ko naman sya na sa kusina muna ako.

"Ang sarap ng pakiramdam.!"

"Ng may nanliligaw?" Dugtong ni Undrya na kasalukuyang naghuhugas sa mga gulay.
Nilapitan ko ito.

"Oo. " ngiting mukhang nanalo sa luto ang ibinigay ko sa kanya.

"Swerte mo."

"Ikaw naman ah, may manliligaw ka kaya."

"Na pari? Hay, ayoko ng umasa, sa huli dyos parin naman kasi ang pipiliin niya. Ayoko namang maging hadlang eh." Medyo nalungkot na sabi niya. Hindi ko rin maiwasan na malungkot para sa kanya. Minsan nga lang siya magmahal pero sa maling tao pa.
Pinat ko siya sa balikat at niyakap ko narin.

"Si Ezekiel naman ang ibig sabihin ko." bulong ko sa kanya. Kumalas naman ito sa pagkayakap. 

"Pinsan!" singhal nito tapos namumula naman ang mga pisngi niya.

Napatawa lang ako at saka namin pinutol ang ka dramahan namin at nagluto na kami ng pananghalian.

Charles' pov

"Kilala ko ang Mama mo, naging magkablockmates kami sa kolehiyo. "

"Talaga po?" Tadhana nga naman oh. Hehe.
Kanina pa talaga ako ininterview ng mama ni Sofia. Mabait pala sya, at ngayon ko lang nalaman na hiwalay pala ang mga magulang niya.

"Kaya iho, wag mong pabayaan ang anak ko. Nag-iisa lang yan. "
Bilin niya sa akin. Ngumiti lang ako at tumango.

"Hindi ko po kayo ididisappoint tita. Promise po yan. Aalagaan ko po si Sofia." Sabi ko sa kanya. At tinawag na kami ni Sofia para kumain. Sa totoo lang kanina pa talaga ako kinakabahan ag mukhang naiihi na natatae na di ko alam. First time ko rin kasi na gumawa ng ganito. 

Sumunod nako kay Tita patungo sa kusina.
Tapos inalalayan ako ni Sofia na makaupo. Nasa tabi ko siya at kaharap ko ang Mama ni Undrya at siya. Samantala naman ang mama ni Sofia ay nasa Gitna nakaupo.
Sa simula, tahimik pa kami kumakian mabuti nalang ay madaldal ang?Mama ni Sofia.

Matapos ng madugong interview at pananghalian, napagpasya ako na umuwi na. Hinatid ako ni Sofia hanggang sa labas ng bahay nila.

Sofia's pov

"Charles salamat ah?"

"Ako dapat magpasalamat kasi ang babait ng pamilya mo at ang sarap pa ng niluluto mo." Naganahan naman ang mga bitoka ko sa sinabi niya.
Pero mas lalo akong ginaganhan sa kadugtong na sinabi niya,

"Pwede na maging Mrs. Graham." Ngiting sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at dahan dahan ring napangiti na medyo nahiya. Haha. Kung makikita niyo lang ang mukha ko, aba'y iwan. Di niyo maexplain talaga.

"Haha. Talaga?" Biro ko.

"Yes, My Sassy Girl." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Kinilig naman ako.

"Ayee. Ang tweet me nemen." 
Waaah so jeje so eww.
Hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili kaya ayan tuloy mukha akong jeje kung magsalita hahaha.
Tumawa naman ito. At nagpaalam narin siya. Hinintay ko pa na makalayo na siya bago ako pumasok sa bahay at nagsisigaw ng malakas.

"Waaaaahhhhhhh!"

"Ano ba yan?" Inis na sabi ni Undrya.

"Ano pa ba, edi kinilig ang lola mo." sambat naman ng Mama niya.

"Haay bayaan niyo yan tara na ng magmukha siyang baliw dyan."
At yun iniwan nila ako sa sala na nakangiting mukhang baliw na aso ay hindi mapakali sa sobrang kilig. Higit pa talaga sa nanalo sa lotto ang nararamdaman ko ngayon.

"Thank you lord!"

******

Hey mga bebss.
Sana magustohan niyo to. Hehehe

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon