IX. Sabi ni Lola

602 39 4
                                    

"Aaaahhhhh!!!!!!" Sigawan there! Sigawan here! Sigawan everywhere. Andito pala kami ni Charles sa horror house. Imbis na magsisine kami eh, nahumaling kasi ako bigla nito nung nadaanan namin to nung papunta kami sa mall. Pinilit ko pa nga sya.

Nabibingi na nga ako sa mga sigawan ng iba eh. Kasi wala silang ibang ginawa kundi tilian at sigawan, at samantalang ako naman ay  nanginginig na nakahawak sa braso ni Charles. Nung una naiilangan ako sa tuwing nakahawak ako sa kanya pero ngayon, siguro dahil narin sa matinding takot kaya naglakas loob akong humawak ng mahigpit sa kanya.

"Andilimmmmm."
Bulyaw ko na medyo nanginginig ang boses.

"Wala naman sigurong horror house na napalibutan ng liwanag no?"

"Heh!" Sinapak ko itong mahina.

Tumawa naman ito. "Hahaha." 

"Waaaaahhhhhh!!!!" Halos mabingi ako sa pagsigaw ng babae na kasabay lang namin pumasok. Lagpas sa kabilang tainga ko ang sigaw na yun ha. Daig pa ang naka mic. Siguro kung hindi lang madilim dito, nilalamon na sya sa kilay kong nagkasalubong.

"Aaaahhhhhhhh" pangalawang tili nya. At dahil narin hindi ko na mapigilan ang sarili kaya pinagalitan ko na eto.

"Stop it will you? Ang arte mo naman!"

"Tss." She hissed.Naramdaman ko ang pag-alis nya sa tabi namin at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit kay Charles dahil biglang nagtindigan ang mga balahibo ko tapos may kusang humila sa akin papalayo sa kanya.

"Charlesssss." Maiyak na iyak kong sigaw nung naramdaman ko na nag-iisa nalang ako, sa isang madilim na lugar sa sulok ng bahay na 'to.

"Sofiaaaa!!!!" Rinig kong sigaw nya. Yung sigaw na galing Pa sa malayong lugar. Waaah. Ang dilim besh.

Kahit man ay kasing bangis ko si  Gabriela Silang, hindi ko parin maiwasan ang huwag matakot.
Halos naiihi na ako sa shorts ko sa sobrang takot na nararamdaman ko eh. Lintik nayun. Kung ano anong ingay nalang ang naririnig ko. So creepy.

Ni hindi na nga ako makahakbang sa takot. Hindi ko rin naman alam ang patungong lagusan eh.

"Charles.  Wag kang magbibiro oh." Naiyak na talaga ako.

"Pssst." Nasindak ako nung may sumitsit sa akin.

"Waaahhh. Please naman oh. Bugbugin ko talaga yang pagmumukha nyo." Sabi ko. Para akong engot dito, kinakausap ang hindi nakikita.

Lakad parin ako ng lakad. At ilang sandali, may malamig na kamay ang humawak sa akin. Napatingin ako sa kaliwang kamay ko.

"Waaaahhhhhhhhhhhhh!" Napatakbo ako ng mabilis nang makita kong, putol na kamay ang nakahawak. Kasi naman eh, sana nag sine nalang ako. Ayan, masyado naman kasing nagtapang tapangan. Yun naman pala matakutin. -_-

"Charles ano ba! Asan kana?" Huminto ako sa kakatakbo tapos napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader habang umiiyak sa takot.
Habang iyak ako ng iyak, naramdaman ko ang isang malamig na katawan na nakaharap sa akin ngayon, kaya hindi ako nag dadalawang isip na suntok-suntukin ito baka naman kasi, walang ulo na naman ang babalandara sa harap ko ngayon, at baka mamamatay ako bigla sa nerbyos.

Pinagsusuntok ko ito habang nakapikit with matching luha na nangingiligid sa mga mata ko at dun lang ako napatanto na si Charles pala ito.

"Sofia!"
Pigil nya sa mga suntok ko.

"Charles?!" Agad akong yumakap sa kanya.

"Ba't kaba ng iiwan. Huhuhu"

"Ssssh. Tahan na. "Sabay hagod sa likod ko para naman mahimasmasan ako. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko tapos inalalayan niya ako sa pagtayo.

"Alam mo ba, sabi ng lola ko, pag may tiwala ka sa taong kasama mo sa dilim, at kahit gano man ito kadilim, hinding hindi ka matatakot."

"Ows talaga?Tapos?" Sabi ko nung medyo ok na ako. Naglakad na kami patungog lagusan. Mabuti nalang ay nandito na si Charles, sus kung nagkataon, mukha akong ewan na bata na hindi binilhan ng pagkain na gusto nya habang namimili sila ng mommy nya sa  grocery store.

"Hindi ka na ba natatakot?" May pagka-alalang tanong nya. Tapos hinawakan nya Ng mahigpit ang kamay ko animo'y naninigurado na baka naman ay mauulit ang nagyari kanina.

Tumango ako, "Hindi na, andyan kana eh." Medyo nahiya ako ng konti sa sinabi ko.

"So, may tiwala ka sa akin?"

"Oo naman."

**********

Pabitin........
Mehehehehe.

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now