XXVII. Everything in her Changed.

529 32 1
                                    

A/n:
Moment muna ito ni Khatelyn ha? Hehe pagbigyan muna natin sya.

❤❤❤

Khatelyn's point of view

Slapped!

Isang napakalakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko nung nakapasok na kami sa loob ng bahay.
Hindi ko sila pinigilan. Hinahayaan ko sila. Because, i deserved it. I deserved this punishment.

"You're so unbelievable!  Ganyan ba ang pagpapalaki ko sayo?"
Galit na sabi ni papa habang pinagtuturo niya ako. Nilingon ko si mama na umiiyak sa sulok ng sala namin.

"Ganyan ba ang isususkli mo sa amin ng mama mo, kahihiyan? Hindi ka nag iisip! Wala kang kwenta!" Sasampalin pa sana ako ni papa kaya lang pinigilan ito ni kuya. Tapos itinakwil nya ang kamay kuya.

"Ano? Tatakpan mo na naman ang kasalanan ng kapatid mo? Kaya hindi yan tumitino kasi lagi mong kinokonsenti!"

"Tama na ho! Imbis na tulungan nyo sya, mas lalo nyong pinadama na wala syang masasandalan ngayon. Ayan na nga e, wala na tayong magagawa. Tinanggap naman niya na kasalanan nya ang lahat. Hindi na po kailangang ipamukha. "

"Wag kang sumasambat sambat dyan! Anak lang kita, kaya wala kang karapatan na pigilan ako kung paano ko kayo dinidesiplina!"
Giit ni papa. Lumalabas na ang mga ugat nya sa leeg sa sobrang galit. I never seen him like this before.

Napakuyom naman ang kamao ni kuya tapos mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko,

"Yun nga e, nakakapagod maging anak mo! Minsan ginagawa mong punching bag. " tapos tumalikod na ito at tinungo ang hagdanan habang hatak-hatak ako.
I'm so gooddamn guilty! Di dahil sa nagawa ko sa pamilya ko, kundi sa nagawa ko kay kuya at Sofia. I never thought, they'll be here for me. Yung inakala kong sasalo sakin pagbumagsak ako, hindi sumalo. Mabuti nalang ay nag take over sina kuya sa posisyon nila.

"Kuya....," tawag ko.

"Hmmp?," huminto ito at hinarap ako saka naman binitawan ang kamay ko. 

My eyes start to water,  " I'm sorry for being so immature with the past few days. Natatakot lang ako na baka ibaling mo na ang lahat ng atensyon at pagmamahal mo sa kanya. Baka wala ng matira sakin. Baka habang buhay ka nyang aagawin sakin. Natatakot ako baka mawalan ako ng kakampi.Naging desperada ako. Natakot ako na baka ikwento ni Kirby ang nagyari samin. Natatakot ako kasi wala akong tiwala sa kanya. I'm so sorry kuya."
Sobbing my eyes out and out of nowhere nanlumo ako at agad naman akong niyakap ni kuya. My heart is hurting. Is this my punishment?

"Sssh. Bakit ka naman aagawan ni Sofia? Sasabihin lang natin na mahahati na ang atensyon ko pero yung pagmamahal? Pantay pantay lang. Pareho ko kayong mahal. At isa pa mali kasi ang iniisip mo kay Sofia. She has this evil appearance pero sa kalooblooban, hindi sya ganun."

"I'm so sorry kuya. I'm so freakin guilty. I'm sorry."  Niyakap niya ako ng mahigpit at mas lalo pang umiyak.
Now, i feel relief despite of everything. 
Hindi ko muna inisip ang lahat ng nangyari sakin.
Kinalma ko ang katawan at utak ko.
I need to rest to fix everything rightly.

"Sige na magpahinga ka na. Wag ka ng umiyak ha?"
Sabi niya tapos ginulo gulo nya ang buhok ko. Inilag ko naman ito

"Ano ba kuya. Yung buhok ko!"

"Haha. Shoo! Pasok na."

"Tss." Inirapan ko lang siya at pumasok na sa kwarto. Tinaboy ba naman ako? Si kuya talaga. Minsan sweet, minsan isnabero at suplado. Tsssk.

Malalim na hininga ang binuga ko nung makaupo na ako. Naalala ko na naman kasi ang kahihiyan na nangyari sakin. Nadumihan ko ang iniingatan na pangalan ng mga magulang ko. Yung apelido nila.
Nakakainis.
Gusto ko atang sabunutan sa galit si Trishna e. Kasalan niya to pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako. Kasi hindi ko makilala nglubusan si Sofia, at hindi ko masasabi kay kuya ang lahat ng dinamdam ko kung hindi ito nangyari.

Sa gitna ng pag-iisip ko, biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Dinampot ko ito at tiningnan. Nainis ako nung makita ko ang nakapop-up sa screen ng cellphone ko.

From: Trishna 

I'll be back, honey. >:)

Naasar ako sa text nya. Buhay pa pala sya? Makita ko lang sya, makakatikim sya sakin. Kaasar. After she have done to me? Cyber bullying? Goash gusto ata syang ipakulong. That wasn't right guys? Right?
Kung immature ako, mas immature sya!. Tsk.

Well, there's no need for me to hate.

Kakalapag ko palang ng phone ko sa study table, bigla naman itong nagvibrate. Akala ko si Trishna na naman. Hindi naman pala.

From: 090692*****

Hey it's me. Sofia. Gusto ko lang iparating sayo na na delete na sa facebook ang video. I guess, binablock na ang account ni Trishna. :)

Everything will be fine. Okay? Just rest there. Lovelots.

Napangiti ako sa text ni Sofia. I wasn't expecting a help from her. But she did.
Now i want her for my brother. Gusto kong bumawi. Gusto kong itama ang lahat.
Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid. Sa simula palang, sa panahong ipinanganak ako, mapanghusgang mundo na ang sumalubobg sakin.
I guess, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa bago kong paligid ngayon.  Kung saan, lalabas na ang mga taong walang ginawa kundi ang manghusga sa kapwa.

Ganyan ako. Dati. But now? Lesser than before, i guess?
Nagbabago din naman kasi ang tao. Well, mistakes will correct us. Will lead us to the right path.
Not all mistakes are bad. Tho.

Well, there's something in me really changed. I changed.

*****

Wala akong maisip. Haha tatapusin ko na talaga ito pero hindi ko alam kung paano.

Nasira yung flow ng story. Haha. Hindi ko alam kung bakit.
Hayss.

Correct me if there's a wrong typos ha?
^___^

Yun lang.

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon