X. Sabi ni Lola Part 2

598 40 1
                                    

"So kung may tiwala ka sa akin, pwede ba kitang suyuin?"

"Hah?" Nabigla ako sa sinabi niya.
Suyuin?Ha? Anu daw?

Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Kasi hindi kana natatakot dahil nandito ako, diba kinuwento ko sa 'yo ang sabi ni lola?Ibig sabihin niyang may tiwala ka sa akin."

At dun ako naliwanagan saka naman ako nakaramdam ng pang-aapoy sa mukha, siguro kung hindi lang madilim ang paligid namin, malamang nasaksihan na nya ang pamumula ko.

"Hehehe. " Nahihiya kong tawa tapos napabilis na ako sa paglakad.

"Hala sige mang-iwan ka may momo dyan." Pagkasabi nya nun, napabalik ako sa kanya at sinapak ko sya.

"Asar ka talaga!" Inis kong sabi. Pero ayon tinawanan niya lang ako.

Unti unti na kaming naging close ni Charles at nawawala na yung pagkailang at hiya ko sa kanya. Nagawa ko na syang birobiroin at minsan nga lagi ko syang nasasapok.

Pagkatapos naming nakalabas, nag meryenda na muna kami dahil sa pagod na dinaranas namin sa loob. Pati mga bulate ko nakaramdam na ng gutom.

Napatitig ako kay Charles na nag-oorder ng pagkain namin dun sa kabilang stall.

Dub dub dub.

 Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang may kahabol ito sa loob. Hindi ko maiintindihan kasi parang may something na aura na biglang pataas ng pataas at tila'y nagliliyab na ang puso ko sa loob.
Umiwas agad ako ng tingin nung nahuli nya ako. Lagi nalang akong nahuhuli. Siguro kung kasalan ang tumingin sa kanya, malamang hinatulan na ako ng panghabang buhay na pagkabilanggo sa puso nya.

Hah?
Hanu daw?
Ginulo-gulo ko nalang ang buhok ko, kung anu-ano na kasi ang pumapasok dito eh.

"Alam ko namang gwapo ako. Kaya wag mo na akong titigan ng marahas."
Nabalik-diwa ako nung magsalita sya. Kanina pa pala sya na nasa harapan ko.

"Feeler. Hindi naman ikaw yung tinitigan ko." Palusot ko pa kahit obvious naman na sa kanya ako nakatingin.

"Sino naman yun?"

"Yung mama sa likod mo oh!" Turo ko sa lalaking nasa 50 ata ang edad na kasalukuyang kumakain ng footlong sa kabilang table sa bandang likuran ni Charles.

"Aysus. Palusot ka pa. Eh bat ka naman nang blush?"

"Hindi naman ah?" Kunyari asar asaran na sabi ko.

"Hindi daw. Sige na nga kumain ka na. Baka makurot ko pa yang pisngi mo. "
Ngiting sabi nya sa akin. Napatakip naman ako sa pisngi ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Kain na." Utos nya. At ayun kumain na kami tapos may kunting kwentohan.

Tapos naalala ko naman si Undrya.

"Ah Charles, may tanong pala ako..."

"Ano 'yon?" sagot niya.

"Nabanggit ba sa' yo ni Ezekil ang pinsan ko?" nag-isip siya saglit saka sumagot.

"Nope. Why?"

"Nothing." then I smiled.

-----

Khatelyn's pov

Napasilip ako sa bintana nung marinig ko ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Si kuya. -_-

"Si Charles na ba yan?" Tanong ni mama sa akin na kagagaling lang sa kusina.

"Opo." Sagot ko tapos ibinalik ko na sa tv ang mga mata ko.

"Pagkapasok nya, sabihin mo na kakain na tayo. " tapos tumalikod na ito at natungo na sa kusina para ihanda ang  hapagkainan. Inis akong nanunuod ng tv.
Bakit? Kasi alam 'kong galing si Kuya sa babaeng yun. Akala siguro nya hindi ko alam na type nya si Sofia. Hindi naman ako ganun ka chismosa pag dating sa kuya ko eh. Whoever he likes, wala akong paki, but kung sa babaeng yun lamang?? No freaking way!

*crack*
Tunog ng pagbukas ng pinto.
Hindi ako lumingon at hinintay ko sya na siya mismo ang haharap sa akin.

"Khate si Mama. " Tanong nya sa akin sabay upo sa tabi ko.

"Nasa kusina. Kakain na raw. "
Medyo galit kong sabi habang nakatuon sa tv ang mga mata ko.

"Galit kaba?" Napataas ang boses nya sa pagtanong nun.
Hindi ba obvious????

"Ba't naman ako magagalit?"

"Bat nga ba Khate? Dahil ba ay naging close ko na ngayon si Sofia?" Nagtaasan ang boses namin sa loob ng sala at kina dahilanan ng paglabas ni mama mula sa kusina.
Nakakunot-noo itong lumapit sa amin habang nakapamaywang.

"Nag-aaway na naman ba kayo?"

"Iwan ko dyan kay Kuya."

"Charles? Ano?" Tanong ni mama sa kanya. Malalim na hinga ang binitawan nya bago nagsalita.

"Wala lang po kunting pagtatalo lang."

"Ayusin nyo yan. Baka maabutan kayo ng papa nyo mahihighblood na naman yun!" sabay talikod sa amin.
Sinamaan ko lang ng tingin si kuya.

"Don't be so over confident kuya, baka isa ka lang sa mga ginamit ni Sofia para inisin ako?" Might be true or not. But I'm goddamn sure, na ako ang pakay nya sa pakikipag-close nya sa kapatid ko. And I'm not going to spoil her with that lalo na kuya ko ang gagamitin nya.

"Hindi ganun si Sofia, Khate. Mabuti syang tao."panindigan nya.

"Blah blah. Whatever!" inirapan ko lang sya at nagwalk out just to cut down our sigawan conversation.
So blind kuya. Hindi ba niya naisip na baka nag santasantahan lang ang babaeng yun sa harapan nya? May lahing demonyo kaya yun.!
Well Sofia, hindi naman kita papayagan na gamitin mo lang si kuya. Humanda ka lang.
>:(
Evil smirk!

******
Maganda ba?
Ipagpatuloy ko ba o hindi?
Comment down please
   |
   |
  V

My Sassy Girl #Wattys2019Où les histoires vivent. Découvrez maintenant