XXIII. Cause Angels Brought me here.

535 39 5
                                    

Kahit man ay pagod na pagod pa ako, sibukan ko paring gumising ng maaga para ihatid si mama sa airport.  Ngayon kasi  ang alis nya.

"Anyare sa mata mo? Umiyak ka ba magdamag? Inaway kaba ni Papa Charles? O ni Khatelyn?"
Sunod na sunod na tanong Undrya sakin habang nasa backseat kami ng van.

"Kulang lang po sa tulog."

"Kulang?" Inilapit pa nya ang mukha niya sa mukha ko at diinang iniispeksyon.
"Wag mo nga akong lokohin. Dumaan din ako sa mga ganyan no?"

"Alam mo naman pala, dami mo pang tanong."

Dumikit pa ito sakin at yumakap sa braso ko.

"Magkwento ka. Cge na, Sofia! My dear couz, please?"
Napatingin ako sa kanya tapos inilipat ko na naman sa screen ng cellphone ko na may nakalagay na 28 missed calls galing kay Charles.

Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari ka gabi habang nasa biyahe pa kami. Habang kinuwento ko iyon, naiiyak na naman ako. Kainis. Ayoko ng umiyak nakakapagod na.

"Tapos? Di man lang kayo nag usap? "

Tumango ako, "Oo hindi ko sinasagot mga calls nya. "

"Bat naman?!" Medyo napalakas ang boses nya kaya napalingon sina mama na nauna na samin maglakad papasok sa airport.

"Hinaan mo nga ang boses mo. Tss. Kasi naman hindi ko pa sya kayang kausapin, naiiyak ako pag naalala ko yun eh. "

"Sofia na iyakin ka na pala ngayon? Anyare sa pagiging amazona mo at matinik sa mga boys? Ba't tiklop ka pagdating sa Papa Charles na yan ha?"

Natahimik ako.
"Iwan ko." Yan nalang ang sinagot ko sa kanya. Ayoko na kasing pahabain pa ang usapan namin, baka mauuwi lang ito sa iyakan. Ang hapdi na kaya ng mga mata ko. Hindi naman ako masasaktan kung hindi ko sya mahal diba? Iwan ko ba, bakit masakit sa part ko na kinampihan niya si Khatelyn. Natural, kakampihan niya yun kasi kapatid nya. Pero bakit nasaktan ako? Masyado na kasi akong nag-eexpect sa mga bagay bagay eh. Nakalimutan ko ata na nakakadisappoint pala ito paminsan.

Nasa loob na kami at papasok na si Mama sa gate 3. Hanggang dito lang kami at di kami pwedeng pumasok sa loob.

"You'll gonna take care of yourself ha? Habang wala ako. Pagbutihan mo ang pag-aaral mo. "
Bilin ni mama sa akin.

"Yes mom, ikaw rin ingat ka. Mamimiss kita. " niyakap ko sya kahit man ay may nakaharang samin. I'm gonna missed her so much.

"Hay naku mamaya na ang iyakan baka maiwan ka pa, ate. "
Sabi ng mama ni Undrya samin.
Nag-akapan kaming lahat at kunting iyakan rin.

"Mamimiss ko kayo." She said as we parted our ways.

See you soon mama. T_T
Hope that she can overcome the pain and can heal her wounds.

----

"Nahmumukmuk ka na naman. Nagmumukha ka nang manang nyan."sita sa akin ni Undrya.

"Ok lang. Gusto ko lang damdamin ang sakit."

"Ang drama mo naman. Alam mo bagay ka sa drama club. "
Sagot naman nya habang nginuyanguya ang pagkain sa bibig. Patuloy ko parin hindi ginalaw ang pagkain at tinitigan ko lang ito hanggang sa magteleport papunta sa tyan ko.
Kaya lang pati yung buto ng karne, natusok sa puso ko.

"Couz, si Charles." Tinuro nya ito gamit ang nguso nya at nilingon ko ito. Nakita ko na papasok ito sa canteen kasama ang kaibigan niyang si Ezekil.

"Tara na. "

"Hindi pa tayo tapos ah."

"Basta." Kinuha ko yung bag ko at pasimple akong naglakad palabas  ng hindi nila namamalayan. Sumunod nalang si Undrya sakin. Makakalabas na sana kami sa canteen kaya lang, may tumawag at bumanggit sa pangalan ko.

"Sofia! "

Oh my Jessa, really?
Hindi ko sana ito papansinin kaya lang umulit ito sa pagtawag sakin.

"Sofia! Uy!"
Nilingon ko ang kaklase ko  na nakataas ang kilay.
At wrong timing pa kasi, yung table nya ay nasa tabi ng table nina Charles. Tapos, ayun, nagkatinginan kami ni Charles.

"Nakita tayo. " ani ni Undrya.

Nung patayo na si Charles at papunta na ito samin agad akong lumabas at tumakbo papalayo sa canteen. At naiwan ko si Undrya. Sorry couz.

Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Umupo ako habang inamoy ang simoy ng hangin.

Haays. Bat ko ba sya pinagtataguan? Wala naman syang kasalanan e. It his responsibility para protectahan ang kapatid nya. Hindi niya ako kargo. Hindi.
Ilang minuto akong nakaupo sa rooftop.
Totally spacing out.

"Nahanap rin kita."
Napatayo ako at nakita ko si Charles sa pintuan.

"Ahm. Bakit mo pala ako hinahanap?" Sabi ko tapos sabay talikod sa kanya para iwasan ang mga titig niya.

"Sofia, I'm sorry. Hindi ko naman sinadya yun. Nabigla lang ako." Pag-eexplain niya habang nanatili parin ito sa kinatatayuan nya.

"Wala yun. Hindi mo naman kasalan e."
Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
Napaisip ako. Pano kaya kung magkatuluyan kami? Tapos hindi pa ayos ang tungkol sa min ni Khatelyn. Nahihiya narin ako sa mga parents ni Charles nang dahil sa nangyari. Ang gulo na ng isip ko.

Dahil sa kakaisip ko, nakalimutan ko na nasa likod ko pa pala sya. Doon ko lang sya naalala ulit nung bigla syang yumakap sa akin mula sa likod.

"If you could see what i see, you're the answer to my prayers.." then he hugged me tight habang kumakanta.

"And if you could feel, the tenderness i feel,"

"Charles. " mahina kong sambit at tapos napapikit ako. He made me feel that I am safe in his arms.

"You would know it would be clear,."

Tapos isubsob niya ang mukha sa batok ko at bumulong,"The angels brougth me here. Mahal kita Sofia."

Tapos napaiyak ako ng sobra. Nanatili lang kami sa posisyon namin.

Feni-feel ko talaga ang mga yakap niya. Napakaromantic naman kasi may pakanta-kanta pa sya.

Isa lang ang sumagi sa isip ko.

Why would we try?

Mahal nya ako, mahal ko naman sya.
It would be perfect, i guess?

❤❤❤❤❤❤❤

As i promised. Eto na!!!! Hehe.
Salamat po sa supporta guys.
Sa Saturday na po talaga ang susunod na update. Be patient lang po tayo ah. Hehe.
If you'd like to vote and  comment, go on guys.
At follow nyo na rin ako and i will follow back, fast as i could. Try nyo na rin na i-share nyo ito sa inyong mga friends, cladsmates or some relatives na hilig sa wattpad.
Yun lang po. Thanks ulit.
Labyu all. ❤✌✌❤❤

-simissuglyduckling

Ps. Lets buy mayang's first album.
M A Y M A Y.
#loveherTOINKS.❤❤

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon