IV: Gyera V.101

681 55 10
                                    

Ezekil's Pov

Pagkatapos naming magpractice, napag-isipan kong magbaaketball na muna. Kasi matagal-tagal narin na hindi ako nakapagpawis eh.

Pagpasok ko sa court, may babaeng naka t-shirt tapos nakapalda ng school uniform, na naglalaro ng basketball mag-isa. Napamangha naman ako nang maka tres sya.

"Woah!" napamanghang sabi ko habang pumalakpak. Lumingon naman ito.

"One on one?" tanong ko.

"What's the price?" tanong niya rin habang dinidribble ang bola. 

"Libre for 1 month." Napataas naman ag kilay niya tapos ilang saglit saka niya inihagis ang bola patungo sa akin sabay sabing,

 "Game!!!"

9-8 ang score namin lead by her. Ang galing lang kasi ng babaeng 'to.

Habang dinidrible niya ang bola, nag-iisip ako kung paano ko maagaw sa kanya ang bola kaya lang nang umaksyon ako saka naman niya inihagis ang bola papuntang ring at nag shoot naman ito. Damn.

Nasapo ko ang mga palad ko sa mukha ko.

"Paano ba yan? Libre mo ko for 1 month." sabi nito.

Ngumiti lang ako at inabot ko ang kaliwang kamay sa kanya.

"Ezekil nga pala."

"Undrya." yah, I know her. She is the cousin of Sofia.

"May load ka ba?" tanong ko.
"Meron." tapos inabot niya sa akin ang cellphone nya. Tinext ko ang sarili ko para malaman ko ang number niya. Pagkatapos inabot ko ito pabalik sa kanya.

"Done! I'll call you every libre time." dinampot ko 'yong bag ko at nagbabay.
Nakakailang hakbang na ako bago siya nakapag salita.

"Huh? Wait!"

"Nice game Undrya.!"
Sigaw ko sa malayo.

Sofia's Pov

Pagkapasok ko pa lamang sa campus namin ay agad na akong sinalubong ng pinsan ko. magkaiba kasi kami ng schedule kaya mas maaga syang pumasok sa klase. 

"oh? Ba't ka ba nagtatakbo dyan?" tanong ko sa kanya nung patakbong lumapit sa akin.

Hingal ng hingal pa ito bago magsalita, "Alam mo na ba ang tsismis?" -____- right! kakapasok ko pa, tsismis na agad ang sumalubong sa akin.

"Ano naman yun? " sabi ko habang naglalakad patungo sa classroom. Tapos i-kinuwento nya sa akin ang mga naririrnig nyang tsismis, TUNGKOL SAAKIN At  KAY KIRBY.

"WHAT?"halos masalubong ang kilay ko matapos marinig ang lahat. 

"Muntik ko na ngang masuntok si Kirby nung marinig ko ang usapan nila ng mga barkada niya. pinagyayabang nga nya na nakuha ka na raw." mas lalo akong nangingitnit sa kinuwento ni Undrya. Ang lalaking yun! Mapapatay ko talaga yun. Imbis na papasok na ako sa classroom, dinala ako ng mga paa ko sa classroom nina Kirby dahil narin sa inis.

"Uy couz, saan ka pupunta?"nanginginig na sabi nito habang nakasunod sa akin halatang ninenerbyos.

"Maghahamon ng gyera!"

"Kanino? Kay Gabriela silang o kay Andres Bonifacio?"

"Kay KIRBY SCHNOVELIZ!" galit na sagot ko. Nasa labas pa ako ng classroom nila ay rinig ko na ang mga tawanan nito. Perfect! Wala pa ang instructor nila. Ngumiting mapilya ako nung pumasok sa silid nila at lahat ng mga kaklse nila pati narin sila ay gulat na nakatingin sa akin

"Hello lover boy." bati ko nung nakalapit na ako sa kanila sa kinauupuan nila malapit sa pisara.

"Sofia, what brings you here?"pagtatanong nya. Ngumiti lang ako at ramdam ko pa ang panginginig ni Undrya na nasa likuran ko lamang.

"I have something to give you."

"Ano yun?" pagkasabi nya nun, agad ko syang pinaulanan ng suntok sa mukha. 

"Ito!!" napahiga sya sa lakas ng pagsuntok ko kinadahilanan rin ng pagputok ng labi nya at yung kamao ko naman ay namumula. 

"Ang yabang mo rin no? Para malaman niyo," humarap ako sa mga kaibigan nya at kaklase.

"Sinungaling ang lalaking 'to!Lahat ng mga sinasabi nito tungkol sa may nangyari na daw sa amin, hindi yun totoo. Masyado ka lang atang confident sa sarili mo?" galit na sabi ko sa kanya. Napahawak naman  ito sa labi niya at nagkasalubong naman ang kilay nito. Yung mga kaklase nya rin ay nagbulong bulongan at tila'y hindi nakapaniwala sa ginawa ko kay Kirby lalo na ang mga kaibigan nito na hanggang ngayon ay gulat na gulat parin. 

"Sofia tama na yan!" Inawat naman ako ni Charles, magkaklase pala sila sa subject nila ngayon. Kinalma ko nalang ang sarili ko saka lumabas na kami ni Undrya.

"Pasensya ka na Mr. President, hindi lang kasi ako nakapagtimpi." pagpaumanhin ko.

"Gago naman kasi ang lalaking yun eh." singit naman ni Undrya na medyo nahimasmasan na sa nangyari.

"Sige na, pumasok na kayo at ako na ang bahala sa lalaking yun." utos nya sa amin at ngumiti ito sa akin. It feels like something special ang mga ngiti nya sa akin. Ginantihan ko rin ito ng ngiti bago umalis sa harap nya. 

Habang nasa hallway pa kami ni Undrya, hindi namin maiwasan na hindi mapag-usapan si Charles.

"Ang gwapo nya talaga no?" panimula nya.

"Hindi naman sa ganung gwapo, ma appeal nga lang." sabi ko kahit ang totoo nito ay nagwagwapohan talaga ako. 

"Aysus Sofia, ako ba ang niloloko mo? Kung makatingin ka nga sa kanya eh, there is something so special eh."

"Ano ba yang pinagsasabi mong something special?"pagtatanggol ko. Pero hindi ito naniwala sa akin kasi mas naniniwala raw sya sa nakikita nya. 

"Basta, O sya sige, pasok na ako. Bye" nagbuntong hininga nalang ako sa kabila ng pinagsasabi ni Undrya at saka pumasok narin sa klase. Late pa nga ako eh, buti nalang ay hindi ako napansin ng instructor namin nung pagpasok ko. Naku, kung ganun man ay maaring hindi na ako papasokin kasi if you are late for almost 20 minutes, mag-absent ka nalang sa klaseng yan. 

Charles Graham's pov

Nagtambay lang kami ng mga barkada ko slash mga officer ng SSC sa office namin matapos ng klase namin at isa pa nagmemeeting kami para sa mga panibagong patakaran sa university. Kaya nga lang, hindi rin naman namin maiwasang masingit sa usapan si Sofia lalo na't ka manghamangha ang ginawa niya kanina kay Kirby. Akalain mo naman, pinagkalat lang pala ni Kirby na may nangyari sa kanila at sa tingin ko rin naman ay hindi ganun kababa si Sofia para bumigay agad gaya ng mga iniisip ng iba. Matalino sya at matapang. Mas pinapairal niya ang utak kesa puso. 

"Ang tapang ni Ms. Sanchez kanina no? Nakahanap na talaga ng katapat ang mayabang  na Kirby na yun. Napakanobelista!." bulyaw ng secretary namin na si Alyssa na kaklase ko rin sa subject nayun nung sumugod si Sofia.

"OO nga eh, ang astig nya." sabi naman ni Ezekil. 

"Hay naku Sofia na naman. Gumawa nalang kaya tayo ng Campus Newspaper at sya lagi ang Headline natin. I'm sure mabenta yun. Daming nagkainteresado sa kanya eh."

"Hahaha. Good idea Brianna." sumang-ayon naman si Nikko kay Brianna tapos nag apir silang dalawa.

"Cut it down guys. Nasa meeting tayo, mas mabuti pang pag-usapan natin ang mga panibagong patakaran kaysa sa mga kung ano anong walang kwentang bagay." sita ko sabay narin sa pagputol ng usapan nila.

"Aysus, ayaw pag-usapan si crush oh." mahinang tukso ni Ezekil sa akin na katabi ko lamang ng upuan. Napailing nalang ako't nagkibit-balikat. 

***************

Dyan lang muna guys. ♥♥♥

sa mga gustong mag vote, vote lang. Sa mga gustong mag-iwan ng comment, comment lang din. Try nyo ding i-share sa iba para naman po ay maraming makakabasa sa kwentong to. Salamat po sa inyo. ^____^

ps. Okey po ba ang flow ng kwento?

Please coomment YES or NO. 



My Sassy Girl #Wattys2019Où les histoires vivent. Découvrez maintenant