XIV. And the winner is....

589 41 6
                                    

"Waaaaahhhh! Kayo na talaga!"

"Heh! Manahimik ka nga! Kanina ka pa eh."
Punong puno na ako sa mga kaklase ko sa panunukso nila sa akin.

Naging Best In Juliet lang naman ako.

"Sabi ko na nga ba, may chemistry kayo." Sabat naman ni Undrya na kakarating lang at nakisali narin sa usapan.

"Ughhh! Whatevah!" Inirapan ko nalang silang lahat. Wala akong magawa sa mga bibig nila.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, masaya ba dahil naging Best In Juliet ako? O masaya ako dahil may chemistry daw kami ni Charles at naging hot item na kami sa campus?
I don't know, I'm so confused kung ano ang nararamdaman ko kay Charles.

"Couz, you know what, botong-boto ako kay Charles. Kung sakaling manligaw sya sayo, sagutin mo ha. Ikaw na siguro ang pinakaswerteng babae dito. "

"Talaga?Nahhh... Hindin naman mangyayari yun. Sa tingin mo ba, type nya ang mga kagaya ko? Liberated, social? Sa mga kagaya niya, I know,type niya ang mga simpleng babae at hindi ang mga kagaya ko." Sabi ko sa kanya na medyo may excitement sa simula pero napalitan din ng pagkalungkot sa huli. Absolutely, I'm not his type.

"Try lang nating magbabasakali."

"Anong gusto mo? Ako yung manligaw? May pa try-try kapa jang nalalaman."
"What I'm saying is, try nating umasa.Yun."
Nasampal ko nalang sa noo ko ang mga palad ko.

"Aasa na naman. Tapos sa huli ano?"

"Ewan ko sayo dami mong daldal jan." Sabi nya at nauna ng naglakad. Sumunod naman ako tapos biglang may tumawag sakin kaya napahinto ako.

"Sofia!"
Napalingon ako at nakita ko si Kirby na papalapit ito sa akin.

"What now Kirby?" Pagtataray ko. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang mga ginagawa niya sakin noon kaya, ganito ang pakikitungo ko sa kanya.
Kalmado itong naglakad ng malapitan saakin.

"Just wanna congratulate lang sana. " sabi niya sabay ngiti.

"I'm sorry about everything. " dagdag pa niya. Nagbuntong hininga nalang ako't nakakibit balikat.

"Ok lang yun. Sige uuwi na kami."
Tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanya saka naman hinabol si Undrya.
Ewan ko ba, hindi ko magawang kalimutan ang mga nangyari. Talagang naiinsulto ako sa mga pinaggagawa niya noon.
Hindi ko naman kasi ninais na mabastos at mamaliit sa mga taong nakapalibot sa akin. Kaya nga hate ko ang mga taong ganyan.

"Anong pakay nun?" Tanong ni Undrya nung naabotan ko na sya sa gate ng school namin.

"Nagcongratulate lang." Labas sa ilong kung sabi.

"Ows? Yun lang?"
Tumango na lang ako sa halip na sumagot pa. Pagkatapos ay sumakay na kami sa van na sumundo samin papauwi.

Charles' pov

Kahit busy ako sa pakikipag-uusap kahit kanino, hindi ko maiwasan na palaging sulyapan si Sofia na hindi lang kalayuan sa amin, na kasalukuyang kausap ni Undrya. I could hardly get off my eyes on her. She was so simply irresistible.
Gusto ko pa talaga syang makilala ng lubusan kaya lang hindi ko pa alam ang ang susunod kong gagawin.

"Matagal-tagal na rin naman tayong magkakilala kaya hindi ka na makakapagkaila ng nararadaman mo. Alam ko namang lakas tama ka kay Sofia." Saad ni Ezekil na bigla lang sumulpot sa tabi ko. Seryoso ko syang tiningnan.

"Ewan ko nga ba Ezekil. Hindi ko naman sana type ang mga kagaya niya kaya lang..."
Bigla naman nya akong sinapak sa balikat. "Hay sa wakas umamin narin. Ano'ng gusto mo, tulungan kita sa panliligaw sa kanya?"

"Of course not! Hayaan mo akong dumiskarte."

"Diskarte? Baka kapag magpagong-pagongan ka, maunahan ka na naman ni Kirby. Tingin ko'y pumapapel na naman siya sa kanya. Tingnan mo, oh!" Tinuro niya si Sofia na kausap na ngayon si Kirby. Damn man! Kaagad namang umakyat ang dugo ko saking ulo. Ang lakas talaga ng loob ni Kirby na lumapit pa kay Sofia pagkatapos sa mga ginawa nito sa kanya.
Lalo kong diniin ang tingin kay Sofia, baka ano na naman ang gawin ni Kirby sa kanya. Ilang sandali pa ang lumipas, tinalikuran na ito ni Sofia at nakahinga naman ako ng maluwag. Sa totoo lang, nakakaramdan ako ng selos pag may ibang lalaking umaaligid sa kanya kahit hindi naman talaga tama. Hindi ko pa siya pag-aari pero parang inangkin ko na siya. Ganito na talaga ang epekto ni Sofia sa akin.
Napahawak ako sa labi ko. That kiss. Hinding hindi ko talaga makakalimutan. ^____^. My First Kiss.

" Alokin mo ng date si Sofia bro, tapos sama ako at isama mo rin ang pinsan niya."suggest nito. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya. 

"Teka! Type mo ba ang pinsan niya?" imbis na sagutin niya ako, tinapik niya ako't tinalikuran tsaka nag babye. Weird. 

--------
hey guysssss.... pasensya po kung ngayon lang nakapag update. Tapos short update pa talaga. Hehehe.
Magpapahinga pa po ako galing sa biyahe. Medyo knockdown pa po kasi. Pinilit ko pa nga ang sarili makapag update lang. ^___^
Ito lang muna guys ah? Baka may mabago sa Chapter na 'to sa susunod na mga araw. Inform ko nalang kayo. Hehehehe
Lablots.
:* ❤❤❤❤

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now