XXX. Please Wake up.

669 26 1
                                    

Happy birthday to you!

Kumanta kaming lahat sa harap nya at may kunting luha na nangingiligid sa mga mata namin.

Congrats, it's a boy!

Tapos tumingin ako sa batang mahimbing na natutulog sa mga braso ng nurse.

Hon, are you ok?

Suddenly, asked by him, my husband while looking at me so deeply.
Ngumiti ako saka ko kinuha ang bata sa braso ng nurse at dahan dahan akong naglakad papunta sa kabilang hospital bed.

Obviously,  nasa hospital ako.

Inihiga ko ang bata sa tabi niya.

"Charles Keith Graham." Mahinang sabi ko.

"Yan ang name ng anak ko, Khate." I added. Tapos niyakap ako ni Charles mula sa likod.

"He has her eyebrows." Bitaw nito.

Tapos, bigla namang pumagitna sa amin si Mrs. Graham.

"Hay naku! Mukha kayong nasa teleserye nyan. Siguro kung gising lang yang si Khate, mas lalong dramatic ang eksina nyo. Oh, sya, kain na tayo, nilalangaw na tung pagkain dito."

Pareho kaming napatawa ni Charles sa sinabi ni Mrs. Graham a.k.a Mama. ^_^

How many years na palang nag daan? I guess, 9 years? At hanggang ngayon ay tulog parin si Khate.
At hanggang ngayon, hinihintay parin namin ang paggising nya.
At 4 years narin kaming kasal ni Charles at heto, biniyayaan na kami ng isang anghel mismo sa araw na to.Si Undrya naman, ayun nasa China na kasama ang asawa nyang si Ezekil. Pasimple lang kasi itong si Ezekil may tama na pala sa pinsan ko. Hahaha. Well, they have two kids. Ang sipag lang kasi. Tapos si Mama at Papa, friends nlang sila. SPORTS daw kasi. Nagsasama lang sila pag nagrerequest ako. May kapatid pala ako sa ibang babae. Si Julie. 3 years old na sya last month.

Kung itatanong nyo kung ano ang nagyari kay Trishna?

Wayback 9 years ago.

"Hindi ka ba talaga tumitigil Trishna? Nababaliw ka na ba!?"

"Charles! Tama na!"

"Ano bang kailangan mo? Malalagot ka pag may nangyari sa kapatid ko!"

Walang isip na kinuwelyohan ni Charles si Trishna. Napahalik naman ito sa rehas sa lakas ng hila ni Charles sa kanya. Pero hindi man lang ito nasaktan sa ginawa, ngumisi lang ito na parang baliw. Para syang wala sa isip kasi hindi man lang sya umangal sa ginawa ni Charles sa kanya.

Pinigilan ko naman itong si Charles. Nasa kulungan na nga, kinukuwelyuhan pa. Tila'y lalaki ang kalaban nya. Naku!

"Charles! Tama na, please!" Hinila ko sya palayo sa rehas. Tapos pinakalma ko sya.
Nasilayan ko pa ang nakakaasar na ngiti ni Trishna. As far as i observed her, she's using drugs.

Napasugod kami dito matapos maihatid namin si Khatelyn sa hospital. Hindi na nga kami nakadalo sa graduation ceremony. Nakakainis naman kasi kung bakit biglang sumulpot pa itong si Trishna. Nangngingitngit kasi itong si Charles nang dahil sa nangyari. Ewan ko lang kung pinabayaan ko sya na mag-isa dito baka anong magawa nya.

"I'm sorry babe. "

"Nakakulong na si Trishna. Ipapaubaya na natin sya sa mga pulis." Kalmadong sabi ko sa kanya. Napaupo kami sa lobby dito sa police station habang pinapalamig muna namin ang mga ulo, may tumawag sa cellphone ko.

Undrya calling.....

"Hello? "

[Couz! Kailangan nyo ng pumunta dito!]
Sa boses palang nya ay parang may masamang balitang ipinapahiwatig nito.

"Ok. Pupunta na."
Sagot ko. Tapos sininyasan ko si Charles na aalis na kami.

Habang nasa gitna kami ng biyahe, napansin ko ang pananahimik ni Charles. Hindi ko pa sya nakikitang naggaganito.
Hindi ako sanay na hindi kinikibo nya. I know, nag-alala na sya sa kapatid nya. Kahit ako man. Kasi hindi biro ang pagkabunggo ni Trishna kay Khate. Napakalakas ito.
Hinayaan ko lang sya na manahimik. Tapos ang ginawa ko lamang ay hinawakan ang kamay niya.

Undrya's point of view ( i think it's my first pov?)

Nakakabingi na talaga dito sa hospital.
Nabibingi ako sa iyak ng mommy ni Khatelyn. Kanina pa kasi iyak ng iyka e.
Tapos biglang lumabas ang doctor galing sa emergency room. Kahit man ay nang hihina ang mga tuhod nya ay pilit nya paring tumayo.

"Mrs. Graham?"

"Yes doc? How's my daughter? " nag-alalang tanong nito.

" Maam, I'm sorry,but your daughter is in coma. Hindi namin alam kung kailan sya gigising. Her vitals are not stable. "

Oh no!

Sa pagkarinig niya ay mas lalo syang nanghina. Mabuti nalang ay nasalo sya ni Mommy.

"No! No! Hindi totoo yan! Hindi totoo yan."
Singhal nya habang pinagsuntok suntok nya ang doctor. Inawat naman sya ni Mommy.

Agad ko namang tinawagan sina Sofia na nasa prisento pa.
Pagkatapos ay pumunta na ako kina mama.

Hindi nga talaga natin malalaman kung hanggang kailan at saan lang ang buhay natin.Hindi naman kasi natin masasabi na, makakaligtas sya. Hanggang kailan sya matutulog? Paano kong bibigay sya, dahil pagod na pagod na sya? Her vitals are not stable. And there's more possibilities na may mangyayaring masama sa kanya. Haaays.

Nakikita ko pang nakangisi si Khate kahapon, pero ngayon heto, sa di inaasahang mangyayari, naka-comatose sya.

Tapos, lagi paring umiiyak ang mama nya. Nakasubsub lang ito sa katawan nya. Tanging iyak at walang katapusang beep ng machine ang naririnig ko dito sa loob. Nakakalungkot para mangyari sa kanya ito.

Ilang sandali dumating na sina Sofia.
Nilapitan ko sila. Tapos, bumulong sa kanya.

"She's in coma. " gulat na tumingin sa akin si Sofia. Tapos nilapitan nya si Charles at hinawakan ang kamay.

Hinagod hagod ni Charles ang likod ng mama nya tapos natigilan ito nung mag salita ang mama nya.

" You're sis-ster is in c-co-ma."Then she burst in tears again. Sobbing the pain inside her.

"Khate!! Please wake up!" Utal nya habang humihikbi ito. Nakakaiyak silang panuorin. Huhuhu.

Napasuntok ng malakas si Charles sa may dingding. Ang sakit nun.

End of flashback.

Sa kabila ng pangyayari, pilit tinatagan ang bawat damdamin namin. Napapatawad narin si Khate ng kanyang ama. Napagkaalaman din namin na nagdudrugs si Trishna at kaya pala ganun sya kung umakto. Narerehab parin sya. At basi sa naririnig kung balita, nagtangkang magpakamatay daw itong si Trishna. Siguro, ginugulo na sya ng konsensya nya.

Hays. Parang kahapon lang ang mga nangyari no? Napakapresko pa sa memorya namin.
Sa mga kalungkotan dulot sa nangyari sa amin, ay pilit naming binabaliwala. Araw araw naming dinadasal na sana,  gumising na si Khatelyn.

Namimiss na rin namin ang boses nya.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko sina Tita at Charles na masayang kumakain.

Mommy..

Kuya..

Daddy!

Akala ko ako lang ang nakarinig. Akala ko guniguni ko lang yun.

Sabay kaming napalingon sa kabilang higaan.

*****

I guess this is the end. Pero may epilogue pa.
Wait nalang guys ah?

And for your information,  this chapter was revised. Napag isipan ko kasi na mas maganda kung ganito hihi.
Nga pala! Salamat sa lahat na walang sawang pagsupporta sa akin. Sa mga stories ko. And i hope hindi kayo mag sasawa.

Salamat salamat po talaga.

Epilogue. Coming. 

Nagmamahal,
SiMissUglyDuckling

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now