VIII. Ano ba to?

697 35 0
                                    

Gaya ng sinabi ko sa inyo, i'll update this story maybe everyday para po sa inyo at lalo na sa mga nag-aabang.
Pasensya na po kung may mga wrong typos at mga unwanted tagalogs(tsaarrr) xD kasi hindi pa po ako bihasang mag tagalog eh. ^____^

Quacks by,
SiMissUglyDucklig.

❤❤❤❤❤

"Really? Kyaaaa, naiingit tuloy ako sayo pinsan." Sabi nya habang nakayakap sa braso ko. Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi kasi naman mahimbing na itong natutulog kay pinagbukas ko nalang ang pagkwento.
Kwento kami ng kwento habang naglalakad papuntang school.

" Ganun na ba talaga siya ka hot nang pagkaiingitan mo? Mas hot pa kaya ang manliligaw mo." May bagong manliligaw kasi si Undrya, at sa tingin ko naman mabait yun saka may pandesal pa. XD

"Heh, walang kwenta yung manliligaw ko. Hindi naman kami magkakaforever eh kung sakaling sasagotin ko sya. "
Sabi nya tapos medyo nalungkot ito bigla at napabitaw sa pagyakap sa may braso ko.

"Bakit naman?" Seryosong tanong ko at huminto sa pagLalakad at hinintay ang sagot nya kaya lang hindi sya huminto. -__-
Hinabol ko naman ito.

"Uyy bakit nga?"
At this time she stopped at inis na humarap sa akin. Luh, anyare ni manang?

"Kasi naman magpapari na sya. Oh happy?"

"Hahaha. Magkakaboyfriend ka lang naman, magpapari pa. " kantyaw ko sa kanya kaya mas lalo syang nainis at nagmamadaling naglakad at iniwan ako.

"Hoy babe! Wag ng mapikon!"

"Ewan ko sayo!"

Charles Graham's pov

Isa sa mga gusto kong gawin bilang presidenti ng SSC sa university 'to ay ang palaguin ang kapayapaan, kaya lagi akong nakamonitor sa mga estudyante at maging sa buong campus. At hindi ko naman kayang gawin 'to mag-isa kaya naman, lagi kong kasama si Ezekil sa tuwing nililibot ko ang kasulok-sulokan ng campus, pag free time namin.

Aksidenting nahagilap ng mga mata ko si Sofia na masayang nakipagkwentohan sa mga kaklase nya sa labas ng classroom nila. Napangiti ako bigla habang pinagmamasdan sya.

"Pare, bakit hindi mo subukang manligaw kay Sofia, total wala ka namang girlfriend!?"
Pagtatanong ni nya sa akin kasi nahuli nya akong nakatingin kay Sofia.
Isa ako sa mga binansagang NGSB o No Girlfriend Since Birth dito sa campus namin. Sabi-sabi nga ng iba, torpe raw ako. Pero hindi naman ganun. May mga natitipohan naman ako kaya lang hindi sila yung babaeng talagang nagpapatibok ng puso ko. At isa pa wala rin akong time sa ganyang mga bagay dahil mas pinuno ko ang oras ko sa pagmomonitor sa campus namin.

"Sira ulo ka talaga Ezekil!"

"Bakit naman? Bagay kaya kayo. Kung makatitig nga sayo si Sofia eh, parang nakaglue. Nagawa mopang pangangahin." Nasapo ko nalang ang kamay sa mukha ko.

Sinungaling sa siguro ako kung hindi ko aaminning attracted ako sa kagandahan ni Sofia. Pero sa totoo lang, hindi ko tipo ang mga makabagong babae ngayon. Hanggat maari, gusto ko yung simpleng babae, yung ka level ko at mas gusto ko yung babae na simple manamit at hindi masyadong nagmamake-up, yung sapat na ang pulbos at kunting lip gloss.

Si Sofia ay opposite sa babaeng gusto ko. Kasi sya yung babaeng mahilig sa shorts, earings, heavy make-ups at liberated ito na pagkababae ngunit alam kong matino naman ito at hindi agad nagpapaloko sa mga lalaki.

Hindi naman sa jinujudge ko si Sofia o kinokompara sa iba, wala naman akong pake kong ganon sya kasi may freedom naman tayo kung paano natin ihahayag ang mga sarili natin.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, iba ang nararamdaman ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya at sa tuwing kausap ko siya, sumasaya ako. 
Tinawanan ko nalang ang mga sinasabi ni Ezekil sa akin tungkol kay Sofia.

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon