XXII. Oh My, Sofia

538 35 14
                                    

The idea of attending his mama's birthday is so bad. Hindi pa ako ready na makita ang parents nya at isa pa first time ko to. Sabi ko naman sa inyo diba, ngayon lang ako nagkaroon ng seryosong manliligaw.

"Wag nalang kaya akong tumuloy.? Naiihi na ako sa sobrang kaba e."

"Sofia, andito na tayo. Don't worry ok?"
Sagot nya habang nakaharap sa akin at nakahawak sa pisngi ko ang kanang kamay niya.
Totoo talaga, naiihi na ewan, ako ngayon. Kinabahan ako sobra, perys time kong makakarap ang mga parents nya at isa pa, nandito rin si Khatelyn. I know how much she hates me at isa pa alam kong masisira ang gabi niya pag makikita ako.

"Wag mo kong iwan mag isa ah?"
Sabi ko sa kanya ng may paninigurado.

"I won't. " Sagot nya sabay ngiti.

Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nila.
Pagbukas palang ng pintuan ay sinalubong na kami ng napaka engranding decorasyon at napaka eleganting mga bisita.

Dinala ako ni Charles sa mga parents nya na busy ito sa pakikipag-usap sa mga bisita.
Nanlamig ako nung kaharap ko na ang mga likuran nito at tapos nilapitan ito ni Charles saka naman ito umikot at sakto ang harap saakin. 

"Hello po, uhm, ha-happy birthday po tita." Kinalma ko lang ang boses ko at ngumiti sa mama ni Charles. Tapos tumabi si Charles sa akin at umakbay.

"Thank you iha. You must be Sofia. Well, magaling talagang pumili itong si Charles. "

"Ma, naman, nagmana lang po ako kay papa. Hehe."

"Haha, i see. Well, i have to leave the two of you, kasi may aasikasuhin pa ako, let's talk later iha. Charles, wag mong pabayaan si Sofia. "

Tumango naman si Charles,  "yes ma."

Tapos dinala ako ni Charles sa isang table na pangdalawahan lang. That was a little bit tough. Puff. Hindi naman pala ganun kasuplada ang mama nito, i wonder, san kaya nagmana si Khatelyn? Speaking of her, hindi ko pa sya nakita rito ah. San kaya yun?

Kumain na muna kami tapos nakinig sa mga nagmemessage sa mama ni Charles.
Napagpasyahan kong umihi na muna, kasi kanina pa ako ihing ihi.

"Charles, saan ang cr nyo? Naiihi na ako. "

"Dumeretso ka lang sa pintuang yun," tinuro niya ang pintuang malapit sa nilagyan ng cake.

" tapos lumiko ka ng pakaliwa. " dagdag pa nya.

"Ah ok. "

Tinungo ko ang cr gamit ang binigay na direksyon ni Charles. Hindi naman sya mahirap tuntunin  kasi hindi naman ganun kalaki ang bahay nila. Kumbaga sakto lang.

Nung nakaihi na ako. Hindi na muna ako lumabas tapos inayos ko muna ang hitsura ko. Pagkatapos, lalabas na sana ako kaya lang nung humarap na ako sa pintuan, bumalandra bigla ang mukha ni Khatelyn.

"Hey,"

"Don't hey me. Wala na talagang kasing kapal ang mukha mo no? Pumunta ka pa talaga dito."

"Hindi ko man gusto ang pumunta, kaya lang nirerespeto ko si Charles." Me with a soft-calmed voice.

"Respeto? Meron ka pala non? Akala ko kasi wala e. "

"Kung wala kang kailangan sakin, well you excuse me?" Aakmang aalis na sana ako kaya lang hinarangan ako ng isang babaeng na kakarating lang at medyo pamilyar sa akin ang mukha.  Saan ko ba sya nakita?

"Nagmamadali ka ata?"
I can smell something bad here, ayokong gumawa ng eksena dito. Not in this house, not in the eyes of Charles' parents.

"Oo nga e, nagmamadali ako. Excuse me ah?" Mahinahon na sabi ko. Pero hindi parin nila ako pinadaan. Tapos tinulak ako ni Khatelyn, kadahilanan ng pagtumba ko.

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now