I. Her new school

2.1K 51 5
                                    

My Sassy Girl
Written by: missuglyduckling/SiMissUglyDuckling
Date started: April 27, 2017
Date Finished: July 14, 2017

Ps.
Ano man ang pagkakahalintulad ng mga pangalan at lugar, maaring ang mga ito po ay incidente lamang.

Sofia Sanchez

One week! It's been one week matapos kaming lumipat ng bahay. And it's been 3 days na ako na nandito sa school nato. Sa ibang school na naman ako mag aaral. At ang nakakainis pa, sa probinsya pa talaga.
Malayo sa mga malls. O sa mga lugar na pwede kong mapag-aliwan. Matapos mag divorce sina mommy at daddy, bumalik na kami dito sa lugar kong saan lumaki si mommy, sa San Aldefonso.
At ngayon, magaadjust na naman ako sa bago kong tirahan, lalo na sa paaralan.
Kung kailan pa, magfofourth year na ako saka pa talaga kami lumipat.
My old school was Ateneo De Manila University ang now sa San Aldefonso State University? HOW CHEAP!
I missed a lot of things in Ateneo, the air-conditioned classrooms, ang super lawak na football field, my cheering squad members ( of course I was the cheer leader), yung mga super hot boys! At yung mga kalolokohan namin ng mga ka super-friends ko.
I also do bad things. I'm not like the other girls na mahinhin, masinop sa pag-aaral, simple, mabait.
I only do extra curricular things at dun ako nakafocus, hindi sa pag-aaral ko. Playgirl ako. Yes! Nagtwotwo-time ako. No! Three time. Well, ganyan ako. At hindi ko yan maipagkaila kasi mostly sa school namin, ganyan ang mga babae. Para lang kaming nagpapataasan ng puntos.
At dito! You'll see everyone holding books kahit nga naglalakad eh, may dala-dalang aklat saka nag-aaral. Edi wow! Sila na ang sobrang sipag sa pag-aaral.
Hindi ako komportable na magsuot ng uniporme dito, kasi nasanay na ako sa casual clothes. Ayan tuloy! Hindi ko man lang maramdaman ang pagiging kikay ko.

Minsan nga naisip ko, sana nagpaiwan nalang ako kay daddy, kahit papaano hindi ko na kailangang umalis sa school ko. Tapos mas comportable pa ako sa titirahan ko.
Kaya lang si mommy yung nasusunod. Nakakainis.

Sa tingin ko naman, mababait ang mga kaklase ko kaya lang hindi parin sila lumalapit sa akin. Wala akong makakausap pag nasa classroom ako mabuti nalang sa labas meron. I have my first cousin here, si Undrya Sy. Half korean, and teh maganda sya kesa sa akin, kaya lang medyo tomboy.

Sabay na kaming umuwi ni Undrya total pareho lang naman ang tinitirahan namin. Naglalakad lang kami pauwi hindi tulad nung nasa Maynila pa ako, may sarili akong driver at hatid sundo ako sa school. Ang dami ko talagang i-aadjust. Napapagod na nga ako eh.

"Kumusta ang araw mo? May kaibigan ka na ba?" Tanong ni Undrya sa akin.

"Wala pa eh."

"Hah? Hindi ka ba lumalapit sa kanila? Baka naman ang suplasuplada mo? "

"Hindi ko alam kung makakatagal pa ba ako sa lugar nato. I'm so bored!".

Natawa naman si Undrya. "Naku! Masanay ka na Sofia, wag mong itulad ang San Aldefonso sa dati mong lugar, marunong kang makisama sa kanila Sofia."

"Whatever! The sudden change is just.... just killing me! "

"Grabe ka naman. Sa simula lang yun, tatagal magiging ok din yan".

Tumingin ako ng deritso sa mga mata nya then rolled my eyes on her. Honestly, na culture shock talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Minsan nga, para akong namamatay sa sobrang boring. Nakakabingi yung katahimikan dito.

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now