XII. One Favor

554 44 7
                                    

"C-Charless" mabilis akong nagtago sa likod ni Charles nung tumayo muli si Kirby at masamang tumingin sa akin. Hinila ko si Charles papalayo sa kanya.

"Back off Kirby! Baka gusto mong ipapupulis kita?" galit kong sabi sa kanya habang sya naman ay nakapahid lang sa labi nyang nagdudugo.

"Babalikan kita Sofia!"
Banta nya sa akin at tumingin sya kay Charles ng masama  bago man ito tumalikod.

"Go to hell Jerk!" Sigaw ko.

"Are you okay?" Tanong ko kay Charles nung humarap na ako sa kanya.

"Ako dapat mag tanong sayo nyan, ok ka lang ba? Hindi ka ba  nya binastos? "
Ngumiti lang ako kahit medyo natatakot pa sa nangyari.

"Ok lang naman. Masyado lang syang desperado talaga. "
Sagot ko habang nakatingin sa ibang dereksyon.

"Bayaan mo, hindi ako papayag na gagambalain ka ng Kirby na yun."
seryosong sabi ni Charles na matan na nakatingin sa akin.
At hindi sa maipaliwanag na dahilan, namumula ang pisngi ko tas napatalikod ako agad dahil bigla akong tinubuan ng hiya.

--

"Ba't ang gaganda nila! Ang gagaling pa. " halos maiyak na sabi ni Aiza habang nanunuod sa nagprepresent na ibang grupo sa Romeo at Juliet. Kami ang panghuli, kaya sa tuwing may prepresenta, kinakabahan kami at kulang nalang ay magbabackout na.

"Wala ka bang tiwala sa mga artista mo derek?" pabiro na sabi ko sabay pout habang nasa kinaroonan naman ni Charles ang mga mata ko.

"Meron naman. Kaya lang... waaahhh"
Patuloy parin ito sa pagkaalala. Patapos na ang nasa stage na grupo nina Khatelyn at Kirby at kami na ang susunod nito.

"Teka Sofia! One favor please." Humarap sya sa akin at ipinatong ang kamay nya sa balikat ko.

"What?"

"Dapat yung kissing scene nyo ni  Romeo, gawin nyong totoo. " natahimik ako bigla sa gulat at medyo hindi pa nagsink-in ang pinagsasabi nya. Napanganga ako sa sinabi ni Aiza. What the? Seryoso?

"Sige na." Pagpupumilit nya sa akin. Hindi ko alam kung papayag ba ako sa kanya kasi ang usapan namin sa pisngi nalang hahalik si Charles sa akin.
Matagal akong nagsalita at nag-iisip tapos napatango nalang ako kasi masyadong nagpapakonsensya ang mukha ni Aiza habang nakaharap sa akin at nung pumayag ako, nagmamadali itong tumakbo at nagtungo kay Charles para ibalita ang bagong ganap sa play namin. I feel so nervous at this time. Hindi ko alam kung kaya ko, kasi never pa akong nakahalik sa labi ng isang lalaki. Yeah, i might be a liberated person gaya ng iniisip ng iba pero hindi ako ganon ka bobo para sa isang ungot lang,  bibigay agad. I want to give my first to the person who really deserves. 

Hindi ako mapakali sa backstage na naghihintay matatapos sina Khatelyn. Nakita kong papalapit sa kinaroroonan ko si Charles kaya mas lalo akong kinabahan. 

"A little bit  nervous?" tanong niya. 

"Kind of. Nakalimutan ko na ata mga lines ko eh. Naku!" Nasapo ko nalang ang noo ko.

"Don't be. Kaya mo yan."
Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti at bumaba rin sa may labi nya. Naalala ko na naman ang sinabi ni Aiza.

"Uhmm, Charles? "

"Hmmm?"
Mataman siyang tumingin sa mga mata ko.

"About what Aiza said, sure ka ba?" Medyo bumalik yung pagkailang ko sa kanya dahil sa gustong ipagawa ni Aiza samin.

"Medyo, basta, ako na ang bahala." Sabay wink.
Ilang sandali tinapok na kami ni Aiza dahil kami na ang susunod na mag prepresent, mas lalo naman akong kinabahan nung nakita kong ang dami palang nanunuod.
Nilingon ko muna si Charles na nasa kabilang sulok ng stage. His red lips took over my eyes.
Paano kung gagawin niya talaga? I mean, I've never been kissed a guy before. -___-

***********

Ano ipagpatuloy ko pa ba? Mukha di nyo ata nagustuhan eh....  -____-

Comment Yes or No.

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now