XXI. Meet and Greet

528 35 2
                                    

"Sofia! Bangon na uy!"

"Mamaya na Undrya. Wala namang pasok eh.-_-"

"Maghapon ka lang bang ganyan? Lulubog na yung araw nakahiga kapa! Bangon na dali!"

Hindi parin ako nakinig at patuloy parin akong nakapikit.
Inaantok pa ako at isa pa wala ako sa mood gumising o imulat man lang ang mga mata ko kasi masyado ng mahapdi sa sobrang mulat na mulat sa katotohanan at kasinungalingan.

"Ayaw mo talaga? Bahala ka." She started rolling over my body,  and made me jumped off the bed in pain.
Binigyan ko sya ng 'what the hell look'.

"Pano kung ayaw ko?" Hamon ko sa kanya.

"Edi, sasabihin ko nalang kay papa CHARLES na hindi ka interesado sa birthday ng momsy niya."sabi niya at ini-emphasize talaga niya ang pangalan ni Charles at akmang aalis na sana sya kaya lang pinigilan ko agad ito.

"Wait what?"

"Sabi ko, sasabihin ko sa taong naghintay sayo sa labas na ayaw mo!"
Tapos tinalikuran lang ako. It takes a seconds bago ko maalala na sabado ngayon at ito yung sinasabing meet and greet sa pamilya ni Charles. Shit nakalimutan ko.

"Wait!" Pigil ko sa kanya na kasalukuyang nakapihit na sa doorknob.

"Bakit?"
Painosente nyang tanong.
Halata namang nang-aasar ang loka eh.tsk.

"Sabihin mo nagbibihis pa."
Sabay ngiti ng malapad sa kanya.

"Nagbibihis? Wala ka pa ngang ligo.  Dalian mo, wag masyadong paghintayin ang gwapong nilalang na yun, baka pag mainis, palakarin ka lang hanggang sa kanila. " singhal nito na may kasamang smirk at pang-aasar.

"Oo na po!"
Mas binilisan ko pa ang kilos ko nang di mainip si Charles. Bat ko nga ba nakalimutan yun? Pero, kinabahan ako. Bahala na, birthday lang naman. I'm sure walang mangyayari. Nandyan naman si Charles.

Afer a minute or maybe a seconds? Natapos narin ako. Naka casual tas heels at kunting make up lang ako. Lumabas na rin ako sa kwarto at naabutan ko sa sala aina Undrya at Charles na nag-uusap. Nung makita niya ako, ngumiti ito. Wah ang pormal ng suot nya. Pangmayaman ang look nya.

"Sorry for taking you so long." Tapos ngumiti ako.

"No, it's ok, success ba?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Anong success?

"Ha?" Lumingon ako kay Undrya na palihim na tumatawa. Ang gaga ano kayang pinagsasabi nito.

"Sabi kasi ni Undrya na, uhmm,  tumatae ka pa daw." Medyo nahiyang sabi ni Charles. Waah ano?

Nilingon ko si Undrya at ayun, nakahawak sa tyan niya sa sobrang tawa.
Tumawa nalang ako ng pakunwari. At sinakyan ang kagagahan ng pinsan ko.

"Hahaha. Ah eh, success, shall we?"
Bago kami nakalabas ng bahay binigyan ko muna ng pamatay look si Undrya. Humanda ka mamaya pag uwi ko. Grrrr.

Khatelyn's pov

"Ang kuya mo?"

"Saan pa? Ayun sinundo si soon-to-be-girlfriend niyang malandi. "

Aalis na sana ako para asikasuhin ang mga bisita ni Mama at tatalikuran ang nakakasukang pagmumukha nya pero napabalik ako nung hinigit niya ako.

"Our deal dear, don't forget about it." Bulong niya sa akin habang napakagat labi ako sa galit. May namumuong kasamaan sa mga mata niya, habang nakatuon ito sa akin.

"Wag masyadong atat Trish, mapapasayo din ang gusto mo."
Of course not! Hindi ko hahayaan na mapasakanya ang kuya ko! Not for a GRO type girl like her! 
Ipapahiram ko lang saglit sa kanya, at once na makuha ko na ang video, echapwera ko na sya. At hindi naman papatol sa kanya si kuya eh kahit man ay kasing landi niya ang Sofia na yun.
Cheap na malandi sya pero si Sofia, professional. Duh.!

"Good girl"nasilayan ko pa ang mapang-asar na ngiti niya bago sya naglakad papalayo.
And why on earth na isinama pa sya ng tito niya sa party, bakit di nalang si Kirby?
Sirang sira na nga ang mood ko nung malaman ko na invited si Sofia, mas lalo atang nasira dahil sa babaeng yun!
Magkaibigan kasi ang tito niyang bakla at si Mommy kaya invited sila. Hindi ko naman inakala na she's a crazy desperate woman, ilusyunada at walang pinagkaiba sa Sofia na yun.

Sofia's pov

Kinakabahan ako ngayon habang tinungo namin ang bahay nina Charles. Mainam akong nakatingin sa kanya habang nagmamaneho tapos lumingon ito bigla at ngumiti. Shit bay ba kasi ang gwapo niya pag hindi nakasalamin?
As in, masasabi ko talaga na ako ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. Ngayon lang ako naging contento at marami na ring nagbago nang dahil sa kanya. Feeling ko nga, na reincarnate ako at ibang Sofia na ang nandito ngayon.
Hay. Sana sya na. Sya na hanngang sa huli lord! Please ^____^

"Kinakabahan ka?" I was taken aback nung nagsalita sya.
Napalingon naman ako,

"Kunti. Pero keri lang. Hehe"

"Don't worry," tapos hinawakan nya ang kamay ko samantalang yung isang jamay niya ay nasa manubela.
"Nandito lang naman ako. "

Yung kilig na hindi ko pa naranasan noon? Ayun, naranasan ko na ngayon, bongga! Mas better pa sa ine-expect ko. Waaah.

Ginantihan ko lang sya ng matamis na ngiti at ibinaling ko na ang mga mata sa daan.

-------

Author's note:

I'm really sorry for the slow update due to some timeless reason. I hope you guys would understand me, especially now that the school started.

I would update this story every SATURDAY and SUNDAY or maybe if there is a vacant time, mag-uupdate po ako.

Sorry po talaga.
I hope na, willing parin kayo na basahin to.

Votes, comments, shares, follows, are accepted. Hehehe.
Salamat po. ^____^ ❤❤❤❤❤❤

-SiMissUglyDuckling

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now