XXVI. A talk with a friend

586 33 6
                                    

Sofia's pov

Kakarating palang namin ni Undrya sa school, humiwalay agad ako ng landas sa kanya dahil kailangan ko ng mag cr, naiihi na ako at kunti nalang ay puputok na ang pantog ko.

Ang sarap lang sa feeling na nailabas mo na ang kanina pa gustong lalabas, nagmukha akong engot na kinilig habang umiihi ako.

Tapos, aalis na sana ako sa CR, kaya lang napahinto ako nung may narinig akong hikbi mula sa ahuling cubicle.
Hindi naman ako usisira, kaya lang parang pamilyar ang boses nayun.
Mahina lang ang hikbi nito kaya di ko agad napansin.

Tao kaya? O baka may nagmumulto?
Wa nakakabakla, kasi nagsitindigan ang mga balahibo ko.

Patuloy parin ang paghikbi at babae ang nagmamay-ari ng boses na yun. Nung nasa harap na ako ng pinto sa pinakahuling cubicle, mahina ko itong kinatok.

"Hello, may tao ba dyan?" Pero walang sumagot.

"Hello?"

"Leave me alone!" Hininga palang nya, ay kilalang kilala ko na. Kung hindi ako nagkamali, si Khate ang nasa loob.

"Khate?" Kahit man ay tama ang hinala ko, sinu-sure ko parin ito kung sya ba talaga. Alam ko na kung ano ang dahilan ng paghikbi niya ngayon. Nang dahil ito sa kumalat na video nya kahapon.

"Kailangan mo ba ng kausap?"
Tanong ko sa kanya pero pilit nya parin akong pinagtatabuyan. Nasa loob parin sya ng cubicle. Kahit man ay may pintong nakaharang samin, kitang kita ko ang expression ng mukha nya ngayon habang nag uusap kami.

"No! I don't need you. I don't even need your help!"

"Pero Khate hindi naman ako ang kalaban mo dito, wag ka naman sanang magalit. Nandito naman kami ng kuya mo para tulungan ka."

"Wow ha? Pumapapel ka na naman. Wag mo na kasing ipagsiksikan ang sarili mo sa amin. And what? may magagawa ka sa nangyari ngayon? Fuck you Sofia. At isa pa hindi ko kailangan ng tulong ni kuya! "
Kahit man ay galit na galit na  pagkakasabi nya, hindi niya parin maitatago sa boses nya ang takot at lungkot na nararamdaman ngayon. She needs help kahit naman ay hindi nya tatanggapin, tutulongan parin namin sya. Mahal ko si Charles. Kapatid nya si Khate kaya kailangan ko syang tulongan. Hindi sa nagpapapel ako, pero kailangan talaga. Kasi ang laki ng problema nya. Kalat na sa buong campus ang scandal nina Kirby. Sana nga naging bugbugan o ano pa ang scandal na yun, pero hindi eh, SEX SCANDAL po sya.  Nalaman ko rin na nag drop na si Kirby nang dahil sa nangyari. Pinapunta sya ng mga magulang sa Amerika para layuan ang mga rumors at kahihiyan na kumakalat sa buong campus at maging sa lugar nato. 
Si Trishna naman, hindi napumapasok. Ewan ko kung nasan sya ngayon. Hindi masagot sagot ng isipan ko kung bakit tinitira ni Trishna si Khate kasi ang pagkakaalala ko, magkaibigan sila. Kaya nga pinagtutulungan nila ako nung sa party ng mama ni Khate.

"Khate, wag mo sanang mamasamain pero hindi lang naman ikaw ang naapektuhan. Pati kuya mo. Pero hindi nya magawang magalit sayo sa panahong nasasaktan ka, kasi di bale na sya ang masaktan wag lang ikaw. Kaya nga lagi ka nyang pinoprotektahan at inilalayo sa mga kapahamakan pero Khate, sana naman makita mo kung sino ang kakampi mo ngayon. Sana naman ngayon ay pagkakatiwalaan mo ako."
Nakiramdam ako sa loob. Nawala ang hikbi na kanina ko pa naririnig. At ilang sandali,  bumukas ang maliit na pinto ng cubicle at lumabas si Khate na nagmumugto ang mga mata. May lungkot at takot, takot sa mga magulang niya na namumuo sa aura nya.

Ilang sandali kaming nagkatinginan, at bigla syang yumakap sakin at humagolgol ng malakas.

--

"Salamat Sofia ah. Kung hindi dahil sayo, ewan ko lang kung ano ang gagawin ko. Wala na kasi akong matakbuhan eh. Sa dinami dami ba ng matatakbuhan ko, i don't expext na sa enemy ko pala. " ngumiti sya ng mapait. Tapos tumingin sya sa kalangitan, pumikit at parang nagdadasal. Nasa rooftop kami. Dinala ko sya dito para magpahangin at mahimasmasan sya. Hindi na nga kami pumasok e, kasi kailangan nya ng kausap at time para mag- isip sa mga bagay bagay na nangyayari sa kanya ngayon.

Ang matapang na Khatelyn na kilala ko, ay nanghihina pala. May kahinaan at yun ang pamilya nya. 

"Hindi naman sa lahat ng oras e, kalaban mo ko. Gaya ng sabi ko kakampi mo ko Khate."

"Natatakot ako baka anong gawin ng mga magulang ko sa akin. Sinira ko ang apelido nila, yung reputasyon nila. Natatakot ako Sofia. "

"You don't have to, harapin mo lahat ng consequences, take it as punishment but do not punished yourself, Khate."
Sabi ko tapos gumuhit sa labi nya ang matamis pero mapait na ngiti at bigla ring nawala nung naging seryoso na ang mukha nya.

"Nakakatawa talaga, parang long time friend ko ata ang kausap ko ngayon. Mukhang kabisado mo na ako e. Sorry talaga Sofia sa nagawa ko. Kaya ko lang kasi nagawang ipagdikdikan ang sarili ko kay Kirby dahil narin sa may nangyari na samin at natatakot ako baka i kwento niya ang mga past experience nya at ang mga pinaggagawa namin.  Ang alam kasi ng lahat e, matino ako. Pero hindi naman pala. Sana nga mabura lang ng eraser ang lahat ng to, pero hindi kaya e. Sarili ko lang ang makakapag tama ng lahat kaya hindi ko alam kung paano. Hindi ko naman kasi alam, na aabot sa ganito ang lahat.  " malungkot na saysay nya. 
Huminga sya ng malalim at nagkakibit-balikat na tila nakapatong sakanya ang problema ng bansa at pilit sinulusyunan.

"Kaya mo yan. Ikaw pa. Ang tapang mo kaya. " i cheer her up. Sobrang down na kasi sya ngayon.

Yung inaasam ko na magkaayos kami, tila natupad na. Masaya ako sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko para kay Khatelyn.

"Tara na nga sa baba, umuwi ka muna, ang drama na natin e, tinext ko narin ang kuya mo sabi nya ihahatid ka raw nya. Magaabsent nalang daw sya para masamahan ka. "
Tumayo na ako at pati narin sya. Parehas naming tinalikuran ang kalangitan at tinahak namin ang mapanghusgang daang pababa.
Hinawakan ko lang ang kamay ni Khate at hinatid ko sya sa sasakyan ni Charles.
Tanaw namin ang pagkaalala ni Charles sa loob ng kotse at nung makita nya kami, lumabas sya at lumapit saka yumakap sa kanya.
Seeing them both in a good condition despite of the bad situation they have, is so priceless.

"Thank you babe. Mauna na kami ah?"
He said as he kissed the top of my nose, as usual.

"Sige, ingat kayo." I replied with a sweet smile.

Nagbabye na silang dalawa at tumalikod na ako't naglakad palayo sa sasakyan nila.
Ilang hakbang palang ay tinawag ulit ako ni Khatelyn at nung paglingon ko nakita ko syang tumakbo papunta sakin at yumakap ng mahigpit habang umiyak. Hindi ko alam kung bakit.

"Thank you so much. Thank you for everything.  "
Tapos kumalas sya.

"Sus, wala yun. Sige na.  Nandyan na naman ang mga mata at bibig nila o. " nilibot nya ang mga mata nya at dun nya nakita na marami na palang umaaligid samin na kanina pa nagbulungbulongan.

"Sige na nga. Baka di ako makapagpigil, mapatay ko sila. " biro nya sabay takbo sa kotse.

Kung kanina lang, sobrang hihina nya, pero ngayon ang tatapang na, bumalik na ang matapang na  Khatelyn.

Napatingin ako sa paligid ko. Mga tao nga naman o, hindi talaga tumitigil sa kakachismis. Sana nga mabulok yang mga bibig nila.
Haaays.
O, Sofia, ganyan ang buhay.
That Trishna, kala mo kung sinong malinis. Tsssk.

-*******-

O, ayan, nagkabati na sila. Waaaah. Hindi naman sa lahat ng oras masama ang isang tao. Minsan rin nagbabago sila kapag kailangan na talaga. At hindi mo nalang mapapansin na nagbago ka na pala dahil sa sitwaysong meron ka.

Kahit gaano pa kasama ang tao, may puso rin sya . Tao rin yun. Nasasaktan.

❤✌ anaway readers, salamat talaga sa supporta ah. Hehehe

Vote  ❤  comment  ❤  share  ❤  follow  ❤

Thank you po.

-simissuglyduckling

My Sassy Girl #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon