XVI. Akyat-ligaw

576 37 3
                                    

Charles' pov

Pagkapasok ko palang sa bahay, magkasalubong na kilay ng kapatid ko  ang sumalubong sakin. Nakauniporme pa ito at maaring kakarating lang niya galing sa school.

"Kuya! Nililigawan mo ba si Sofia?" Pagtatanong niya habang nakapamaywang habang nakaharap sa akin. Kalmadong umupo ako sa sofa at huminga ng malalim.

"Bakit mo naman natanong?"

"I saw you with her, kanina sa canteen. Now tell me, nililigawan mo ba siya? "galit niyang tanong.

"Oo." Namumula ang pisngi nya sa inis dahil sa narinig na sagot.

"What? Have you lost your mind!? She's my enemy, kuya!" Sigaw niya. Napatayo ako at biglang nag iba ang hitsura ko. From being so calm to being so upset.

"Ano ba Khatelyn! Kung may problema ka kay Sofia, wag mo kong idamay!"

"Yun nga eh! Kahit sabihin mo pa yan, matagal ka na naman nadadamay, if I know ginamit ka lang ni Sofia para paghigantihan ako!"

"Tumahimik ka! Hindi ganyan si Sofia. !" I insist. Hindi naman talaga ganyan si Sofia. Ramdam ko yun. Mahal ko siya at alam kong mahal nya na ako.

"You're so unfair! Kapatid mo 'ko, I'm just trying to protect you!" anytime, iiyak na siya. Pulang-pula na ang mga mata nito pati na ang mukha.
God, I hate seeing her crying. Admit it, we all hate hurting our siblings. We still love them after all but they also need to accept what make us happy.  

"Mahal ko sya!" Natahimik siya bigla.

Tapos nag smirked sya at sabay sabing, "Unbelievable! Don't talk to me ever!" then she walks away. Narinig ko pa ang maliit na paghikbi niya bago man siya nakalayo. Mabuti nalang ay wala ang mga magulang namin, malamang kanina na kami kinatay dahil nag-aaway na naman kami.
Mahirap 'to. Mahirap ipagkasundo ang dalawa. Alam kong hindi magpapatinag si Khatelyn dahil kinain na siya ng pride nya. Ano ba ang gagawin ko?
Mahal ko si Sofia, pero mahal ko ang kapatid ko.

Arfghhhhhh!!!!!!.

Sofia's pov

Today is Sunday. Nag-iisa ako sa kwarto ko. Kakaalis lang nina Mama at Undrya papuntang mall at hindi na ako sumama dahil wala akong gana, magpapasalon lang naman sila.
Nang mabagot ako sa kakabasa ng libro, nagpasya akong magbabad nalang sa bathtub.
Napapikit ako nung malublob ko na ang sarili sa napakalamig na tubig at ilang sandali pa lang ay may kumatok sa pintoan ng banyo ko.

"Sofia?"

"Tita? Nasa bathtub po ako." It's Undrya's mom.
Baka naman ay bibisitahin niya si Undrya.

"Bilisan mo dyan, may bisita ka." Nagulat ako dahil wala naman akong hinintay o inaasahan na bisita ngayon.

"Sino po?"

"Charles ang pangalan. Gwapo matipuno ang katawan at mukhang gentleman, tanggap na siya sa pamilya natin."
Napatawa naman ako sa mga sinasabi ni Tita. Haha. Tapos, bigla akong napaahon mula sa bathtub. Agad kong hinablot ang towel na nakasabit sa steel bar at ibinalot sa katawan ko.

"Ano po daw ang pakay?"
Binuksan ko ng maliit ang pinto at sinilip si tita.

Ngumiti naman ito."Aakyat ng ligaw."

Bigla naman akong nataranta.
"Please tell him tita na saglit lang. Magbabanlaw lang ako. " isinara ko na ang pinto at agad namang binuksan.

"Tita, favor please? Bigyan mo muna ng miryenda si Charles" bilin ko sa kanya.

"Sige, bilisan mo dyan, ha?."
Napasandal ako ng isara ko ang pinto. I can't believe this na dinadalaw ako ni Charles. I thought nabigla lang sya sa sinabi nyang, liligawan ako. But damn, his deadly serious. 
I can't help myself, sobrang excited ko talaga. First time ko pa kasi magkaroon ng akyat-ligaw eh. Hahaha.
Pagkatapos ay lumabas na ako at mabilis na nagbihis.
Napangiti ako nang tingnan ko ang sarili sa salamin. Simple lang ang suot ko ngayon. Disente at maganda.
Huminga na muna ako ng malalim bago nagpasyang lumabas sa kwarto. Baka mainip si Charles sa kakahintay sa akin at magbackout pa ito. Hehehe.

--------

Opppsssss. Short UD. Hehehehe.

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now