XXIV. Officially Yours

550 29 1
                                    

"I love you too Charles. "

"So ibig sabihin ba nyan tayo na?"

Kumalas ako sa pagyakap at hinarap sya tapos nginitian ko ng napakatamis.

"Yes!"

At nagtalon-talon sya sa saya na parang nanalo sa lotto. Ang saya niyang tingnan.

"Sofia! I love you!"
Sumigaw sya sa kawalan. Hindi naman sya maririnig ng tao sa baba kasi nasa rooftop kami.

"I love you too Charles!"
Sigaw ko rin ng napakalakas at ilang sandali kaming nagkatinginan tapos nagyakapan na naman. Ang sarap lang sa feeling.

"You won't regret this, Babe."
Nasindak man ako sa tinawag niya sa akin pero kinilig naman ako ng bonggang bongga.

"I know. " at niyakap ko sya ng mahigpit ng mahigpit.  

Ilang sandali, ay marahang inilapit ni Charles ang mukha nya sa akin. I knew he was going to kiss me, kaya ko ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng mga labi nito sa akin. First, my forehead, bago bumaba sa tungku ng ilong ko, hanggang umabot ito sa mga labi ko. It was a very light kiss. Halos hindi nga ito lumapat. That very light kiss brought me a thousand sensation through my whole being. It's not like a kiss from romantic pocketbooks and magazines na nabasa ko, but it was the most memorable kiss I've ever had. It is so unique.

Ganito pala ang feeling 'pag ang taong mahal mo ang magsasabi sayo sa nararamdaman niya, napaka sentimental. Hindi ko akalain na ang mga kagaya ni Charles ay ganito. He never fail to amuse me. He always do what he thinks the best for him and so to myself.
He is irreplaceable. For real, the ideal person that I've been telling to my classmates 10 years ago, definitely fits him.
He is the one. I'm goddamn sure.

--

Charles' pov

Tahimik lang kami habang kumakain at sa wakas binasag rin ito ni Mama.

"Iho, diba sabi mo, may sasabihin ka sa'min? Ano yun?"
Napatigil ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. Tapos ibinaling ko saglit sa kapatid ko at balik narin kay Mama.

I clear my throat. "Kami na po ni Sofia."

"Talaga? Pero iho, hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa party ko. She almost ruined my birthday. "

"Ma! It's not her fault. May pagka amazona man ang babaeng yun, pero alam ko, hindi niya kasalanan o ginusto ang mangyari yun, matalino at magalang si Sofia, she knew where to place herself. Baka naman hindi nga talaga si Sofia ang unang sumugod?." Tumingin ako kay Khatelyn na halos magkasalubong na ang mga kilay na nakatingin sa akin.

"So you're saying, it's my goddamn fault? Na ako ang sumugod sa kanya? "

"I didn't mention your name, Khate. Hmf
Why? Are you guilty?"

"Am i?"

"Yes! At isa pa, why did you bring that friend of yours sa comfort room?"

"Umiihi kami. Duh! Wala namang atraso si Trishna kay Sofia ah. Kaya wag mo syang idamay. " At this time napalakas na ang boses na namin.

"Bakit dinamay ko ba sya?"

"Oo, kasi iniisip mo na pinagtutulungan namin ang pangit mong girlfriend! "

"Watch your mouth Khate!"

"What if I don't?  Its my mouth and I can say whatever i want to say! You can't stop me. "

"Sa ibang bagay oo. Pero pag si Sofia na ang pinagsasalitaan mo ng masama, makakapigil ako. She's not even doing something bad to you."
Napansin kong mahigpit na itong nakahawak sa kutsara't tinidor nya't ibig sabihin nyan ay inis na inis na ito.

"Baka nakalimutan mo ang ginawa nya sakin nuon?" Malakas ang pagkasabi nya at hindi na namin napansin si Mama.

"God! Move on. Stop being so immature. Nagmomove on na nga yun tao, tapos pilit mo pang ibinabalik. "

"Ako immature? Baka sya. Hindi mo lang kasi alam na ilan ang lalaki ng babaeng yan."

"Stop!"

"Ayoko!"

"Enough!! Ano ba kayo? Hindi naman kayo ganyan dati ah? What's up with you? " galit na sabi ni Mama. Kitang kita na ang kanyang mga ugat sa leeg sa sobrang lakas ng boses nya. Pareho kaming napatahimik ni Khate at nagkatinginan lang ng masama.
Hindi ko alam kong paano ko susuyuin anv kapatid ko. Ang tigas na kasi ng ulo. May sarili na syang pinaniwalaan.

"I'm done!" Sabi niya at padabog itong umalis sa hapagkainan.

"Ayusin mo yun. Wag mong hintayin na malaman yan ng papa nyo."
Napayuko ako.

"Yes ma. "

******

Short UD muna. Don't worry mag uupdate pa ako bukas. ^___^ kasi mahal ko kayo e. Hehehe.

Oryt. Yan na muna ah?
Tomorrow ulit.
LayBu all.

-simissuglyduckling ❤❤✌✌

My Sassy Girl #Wattys2019Where stories live. Discover now