Homecoming

2.8K 80 26
                                    


"Unbelievable!" sabi ni Don Antonio. Mabilis na ginawang sandali lang ni Don Antonio ang katahimikang bumabalot sa kabuuan ng theater room ng mga Escobar pagkatapos na i-off ni Don Pepito ang natapos na video ng mag-anak na Zeig mula sa Australia. "I can't believe it," sabi pa ni ulit Don Antonio. "All this time, may contact kayo sa kanila. All this time you knew." Sabi ni Don Antonio sa lahat.

"Walang alam si Misis at si Kumadreng Patrice sa plano at mga nangyari, "sabi naman ni Don Pepito. "And for what is worth, wala kaming alam nina Zeinna at Brent na nasa Australia pala ang mga bata. We thought nasa Massachusetts ang mag-asawa."

"Is that should make me feel less angry and disappointed?" Sagot naman ni Don Antonio.

"Susmaryosep ka naman, Kumpadre!" sabi naman ng may-bahay ni Don Pepito. "Mayayari na ang kwento ng mga anak natin hanggang ngayon ba naman angry at disappointed ka pa rin?"

"Sya nga naman, Kumpadre." Sang-ayon naman ni Donya Patricia sa may-bahay ni Don Pepito. "Sang-makmak ng twists and turns na ang naganap, aba, eh, kung libro lang ang kwento ng mga anak natin mauubusan na ang author sa iba pang twist ng istorya dahil hanggang ngayon ay angry Antonio ka pa rin."

"Kung libro!" asik naman ni Don Antonio sa dalawang ginang. "Kaso totoong-buhay ito at hindi libro, at sa totoong-buhay hindi basta-basta ang pagpapatawad. Lalo pa nga at nalaman kong kasabwat hindi lang itong magaling kong Kumpadre, pati itong inaanak ko at ang supposed to be ay mamanugangin ko. Ga'no naman kasakit para sa akin na hindi lang ang anak ko at si Zeig ang luminlang sa akin."

"Naman, Ninong." Sabat ni Zienna. "sabi mo kanina napatawad mo na ang Kuya at si Xein."

"Kelan ko sinabi yun?" asik ulit ni Don Antonio.

"Tama, naalala ko Tito," sabat naman ni Brent. "Before Papa turned the video on, sabi nya surprise iyon. At sabi ni Tita Patrice pagbigyan mo ang Papa dahil guilty---blah,blah,blah, then you said dahil sa hinayupak na si Zeig. Tapos you also said, wala ng epekto yung mga salitang iyon to ease your longing with Xein. Tapos sabi mo napatawad ko na rin sila."

"Oo nga, natatandaan ko yun." Sabi naman ni Don Pepito.

"Hummptt . . ." sabi lang ni Don Antonio. Pilit pa ring nagmamatigas ang Don.

"Now I know where Mom got her stubbornness."

Biglang napalingon ang lahat sa pinagmulan ng tinig. Nakatayo si Page sa pintuan ng theater room kasama sina Zeig at Xein.

"Page!" mabilis na tumayo si Zienna kasunod si Brent at niyakap ang kanilang pamangkin. Hindi na nagawang batiin pa nina Zienna at Brent sina Zeig at Xein dahil mabilis na nilang inilapit ang kilik-kilik na si Page sa mga magulang. "They're here!" sabay pang sabi nina Brent at Zienna.

Mabilis na sinalubong ni Don Pepito ang apong si Page, nagpakilala si Don Pepito sa bata kasunod ay ipinakilala naman nya ang kanyang may-bahay at si Donya Patricia. Sunod-sunod na halik naman ang ginawa ng dalawang Donya sa pisngi ng kanilang apo. Walang nagawa sina Zeig at Xein kundi ang sumunod na rin at tuluyan ng pumasok sa loob ng theater room. Hindi pa rin sila pansin ng lahat, naka-focus ang mga ito sa anak nilang si Page.

"Parang ako yata ang tunay na Lolo." Sabi ni Don Antonio sabay kuha kay Page. "I'm your GrandPa Tony, iho mio." Sabi ng Don sa apo habang kinukuha si Page at hinahalikan sa magkabilang pisngi.

"Your goatee tickles GrandPa Tony," sabi naman ni Page habang humahagikgik.

"Sabi sa inyo eh," baling ni Zienna sa kanyang Kuya at kay Xein. "Kung nung kapapanganak nyo pa lang kay Page umuwi na kayo di sana hindi na natagalan pa ang eksenang ito." Pa-kikay na sabi pa ni Zienna.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن