Dinner Party w/ the Escobar's (part 1)

2.6K 83 24
                                    


Mga kababayan!

May bago na naman po tayong hahawahan ng Zeig/Xein virus, ;)

jhel121004

Millicenteld  

naomemaebasto

LynMabuque

Thanks for adding this story on your reading list.

salamat po sa vote.

Welcome po sa inyong lahat at syempre po maraming-maraming salamat as always.


******

"Kailan mo ba balak na mag-retiro Kumpadre?" tanong ng kabiyak ni Don Pepito kay Don Antonio.

"Oo nga, Kumpadre," sang-ayon naman ni Don Pepito sa asawa. "Balita ko eh mahusay itong mamanugangin ko sa pagpapatakbo ng negosyo." Turo ni Don Pepito kay Xein na naka-upo sa pagitan nina Brent at ng kanyang Papa.

Birthday ni Don Pepito Escobar, gusto sana ng kanyang may-bahay na magkaruon ng magarbong birthday party pero tumanggi si Don Pepito. Simula nang mag-retiro bilang Presidente ng kanilang kumpanya ay mas gusto ng Don na intimate ang celebration tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

At may tatlong-taon nang ang pamilya Veranda at Hernaldo lamang ang kasamang nag-si-celebrate ng mga Escobar sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Don Pepito. Katulad ngayong gabi, masaya si Don Pepito na makasama ang dalawang pamilya na itinuturing na rin nyang pamilya. Walang kamalay-malay ang mag-anak na Escobar na may hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng kaibigan nyang si Don Antonio at dalawang anak ng namayapa nilang kaibigan na si Don Gerardo.

Okupado ng mag-asawang Escobar ang magkabilang kabisera ng eleganteng eight seaters na dining table na naka-gitna sa glamorong Dining Room ng mga Escobar. Sa kaliwang bahagi ni Don Pepito ay ang nag-iisang anak na si Brent, katabi ng binata si Xein at katabi naman ng dalaga ang Papa nyang si Don Antonio. Sa kanang bahagi naman ni Don Pepito ay ang mag-iinang Donya Patricia, Zeig at Zienna Hernalde. Magkatapat ng upuan sina Zeig at Xein.

"Mamanugangin?" nagtatakang sabi ni Zeig. Habang kunot-noo naman si Xein.

"Kumadre," baling ni Don Pepito kay Donya Patricia na halos katabi lamang nya, nakatapat ang inuupuan ng Donya sa binatang si Brent. "I'm surprised you failed to mention your kids our agreement." Nakangiting sabi pa rin ni Don Pepito.

"What agreement?" nagtatakang baling naman ni Xein sa kanyang Papa.

It's obvious that the agreement wasn't just between the Veranda's and Escobar's. Dahil nang magtanung si Zeig tungkol sa salitang "mamanugangin" ay bumaling si Don Pepito kay Donya Patricia. Meaning, there's agreement between the three fathers of these families.

"And you failed to mention it to Xein also, Kumpadre." Nakangiting baling naman ng may-bahay ni Don Pepito kay Don Antonio.

"What agreement?" sabay na sabi nila Zeig at Xein.

Nagulat naman ang pamilya Escobar sa reaksyon ng dalawa. Parang may galit sa boses nila Zeig at Xein. Tumikhim naman si Donya Patricia pagkatapos ay mabining dinampian ng table napkin ang kanyang bibig at nagsalita.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now