How to make her follow? (part 2)

3.9K 93 7
                                    


Minsan pang tinanaw ni Zeig si Xein bago nya pinatay ang ilaw at isinarado ang pintuan ng silid. Iiling-iling ulit si Zeig dahil sa mga kalokohang pumasok sa kanyang isipan kanina. Laman ng kanyang isip ang natutulog na si Xein habang inililigpit nya ang mga kalat nang pinagkainan nila sa sala.

Nang maka-ligpit ng kalat ay diretso sa shower si Zeig, pagkatapos mag-shower ay isa-isang i-tsinek ng binata ang kabuuan ng kanyang unit at nang masigurong naka-lock na ang main door at naka-unplug na ang kanyang mga nakasaksak na de-kuryenteng appliances ay sinindihan ni Zeig ang apat na corner dimlights sa sala at pagkatapos ay pinatay nya ang main light at nagtungo na sa kanyang silid para matulog.

Ngunit lumipas ang mga oras at pasado alas-dos na ng madaling araw ay hindi pa rin dalawin nang antok si Zeig, hindi sya makatulog sa isiping may kasama na syang naninirahan sa kanyang unit. May mga pagkakataon na may mga babaeng pumupunta sa unit nya at natutulog, mga girlfriends, well...not so serious girlfriends, pero mas madalas na pagkatapos ng isang saglit na kaligayahan ay uuwi na rin ang kung sino mang kasama nyang babae at bihira ang pagkakataon na may natutulog sa kanyang unit.

Actually...now that it has come to his mind, he realized na wala pa talagang natulog na babae sa unit nya na hindi nya kaano-ano. Tanging ang kapatid nyang si Zienna at ang pinsang buo nyang si Andi ang babaeng natutulog or pinapayagan nyang matulog, rather, sa kanyang unit.

Pero ngayon, hindi lang basta sya pumayag na matulog ang isang babae na hindi nya kaano-ano kundi pinayagan pa nyang tumira ito sa kanya. At hindi makatulog si Zeig sa isiping may kasama na sya sa loob ng sariling unit at ito ay ang nag-iisang prinsesa ni Don Antonio na best friend ng kanyang Papa.

Isa pang hindi makapag-patulog kay Zeig ay ang idea kung paanong sisimulan ang pagtuturo kay Xein. Kanina sa bahay ng kanyang mga magulang ay nagtanong sya nang tips sa kapatid kung papaano ba nyang mapapasunod ang isang Xein Veranda? Isang malakas na tawa lamang ang sagot sa kanya ng nag-iisa nyang kapatid pagkatapos ay sinabi nitong:

"Kung ang Ninong Antonio nga tumataas na ang alta presyon at lahat bibihara nyang mapasunod si Xein ikaw pa kaya? Hindi pa isinisilang ang lalakeng magpapa-sunod sa best friend ko, Kuya!" at naiinis si Zeig sa idea na yun, pero mas lalo pa syang nainis nang bahagyang tapikin ni Zienna ang kanyang balikat at isinunod nitong sinabi na, "Good luck!" sabay tawa ulit.

"E bakit ikaw, napapasunod mo at nagpapa-kumbaba si Xein sa'yo."

"Like I said, wala pang lalakeng magpapasunod sa kinakakapatid ko, mahina ba talagang IQ mo or bingi ka lang?"

Anong gagawin ko?" sabi ni Zeig pero mas parang sa sarili nya lang sinasabi ang mga salita habang parang nanghihina syang sumandal sa sala set na kinauupuan.

"Nagsisisi ka na ba at aaminin mo na ba sa akin na hindi mo talaga kaya ang nag-iisang prinsesa ng kaibigan kong si Antonio?" sabi naman ng kanyang ina na si Donya Patricia.

Hindi sumagot si Zeig, tumingin lamang sya sa kanyang Mama at alam ni Zeig na mababasa ng kanyang Mama ang pilit nyang itinatagong pagsisisi sa naging desisyon nya sa kasunduan nila ni Don Antonio. Iniiwas ni Zeig ang mga mata sa ina at huminga nang malalim.

Hinagod naman ng kapatid nyang si Zienna ang kanyang batok sabay sabing, "Kuya, what Xein need is a man who can intimidate her. Pero huwag ka namang bossy kasi lalong titigasan nun ang ulo nya. Basta ipakita mong hindi ka nya kaya pero iparamdam mo rin sa kanya na mahalaga sya at kailangan mo sya."

'Intimidate her but let her feel she's important and needed.' Sabi ng isip ni Zeig habang ina-alala ang usapan nila ng kanyang ina at kapatid kanina. Tumihaya nang higa si Zeig at ipinatong ang kaliwang braso sa kanyang noo at paulit-ulit na tumakbo sa isip nya ang mga salitang 'intimidate her but let her feel she's important and needed.' Naiiling na inalis ni Zeig ang brasong naka-patong sa kanyang noo at padarag na dumapa sa kanyang kama.

Yung mang-intimidate ng babae ay master nya, biruan nga nila ng best friend nyang si Ross na syang CEO nang kumpanyang minana nya ang pamamahala sa kanyang Papa ay para daw syang kumuha ng Phd. sa pagti-tame ng isang babae. Walang suplada o mayaman o magandang babae o kahit pa pagsamahin ang tatlong katangian sa iisang babae o mga babae ang umubra sa karisma ni Zeig Hernalde. Isang ngiti lang at aamo ang mga babae na parang tupa at magiging sunud-sunuran kay Zeig.

At aminado si Zeig na tama ang kanyang kaibigan, master nya ang mang-intimidate kahit pa ang pinaka-tigreng babae at confident syang kaya nyang i-tame si Xein at pasunurin para makatupad sya sa usapan nila ni Don Antonio. Pero yung iparamdam sa isang babae na importante at kailangan nya ang mga ito, especially, Xein Veranda yun ang hindi kayang gawin ni Zeig. Hindi dahil sa ayaw nya kundi dahil sa wala syang idea kung paano ba iparamdam sa isang babae na mahalaga ito at kailangan ito ng isang Zeig Hernalde?

Naiinis na kinuha ni Zeig ang isang unan at itinakip sa kanyang ulo na para bang kapag ginawa nya yun ay makakakuha sya nang sagot sa kanyang kinasadlakang pagsubok. Hanggang sa makatulog si Zeig ay walang nabuong plano o desisyon sa kanyang isip, kung papaano ba pasusunurin ang isang Xein Margaret Veranda?

#***#***#

My apologies po sa napaka-tagal na hindi pag-a-update, I was on vacation po after my last update. Went home last Aug 27 and I was busy with everything I have left at paumanhin po ulit kung nai-huli po sa listahan ng mga naiwan kong obligasyon ang pag-update. For what is worth, I had to set aside a very important matter po para makapag-update because I can't let y'all wait anymore.

Next time I am free po, I will accommodate my wonderful readers and followers. Pasensya na din po kung hindi ko kayo nahaharap na sagutin, I will try to make it up to you guys, soon!

I do really appreciate your tolerance with my delays and hope you will continue to support Zeig & Xein story. And I'm asking all of you who used to read this, please, will you continue to read my updates, kahit na po talaga namang inip na inip na kayo sa pag-hihintay.

I will catch up on my drafts and write the whole remaining parts once I'm done with my other activities, at magiging masidhi na po ulit ang updates, I will be asking more of your patience po my dear readers.

Please don't get angry or upset yet, salamat po nang marami & God bless po,

A.H. Augustus

#***#***#

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now