Seriously 2

4.9K 147 34
                                    


Dedicated to ermiemendoza salamat po sa iyong pagsuporta sa story nina Zeig at Xein. Though you are very discreet, you kept on supporting my updates through votes. Thank you so much sweetie. God bless your generosity and i would really love to hear from you. (only if you want to comment hehe)

and now, with the update.

******

"You've got to be kidding me!" shock na shock si Xein sa sinabi ng kanyang Papa "Ako!" iminulagat pa nya ang kanyang mata sabay turo sa sarili "Ako, si Xein Margaret Veranda...prinsesa ni Don Antonio Veranda, mamamasukan kay Zeig Hernalde?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Xein sa kanyang Papa. Tapos na sila sa kanilang hapunan at nasa library na sila ng ama para pag-usapan ang pagbabati nilang mag-ama.

"At titira ka sa condominium ni Zeig." Dugtong ni Don Antonio "Zeig will take care of you."

"Ako!" hindi pa rin makapaniwala si Xein.

"Hindi... si Yaya Badette!" Parang naiiritang sagot ni Don Antonio sa anak. "May iba pa ba akong anak at kausap Xein? Tayo lang namang dalawa ang naguusap at ang topic ay ang pagtanggap ko sa apology mo at kung ano ang dapat mong gawin so you could have that another chance you asked for." Dagdag litanya pa ni Don Antonio.

"Okay." Huminga ng malalim si Xein sabay talikod sa ama, pero saglit lamang ay muli nyang hinarap si Don Antonio at pagkatapos ay iwinasiwas nya ng bahagya ang isang kamay habang nagsasalita "Explain to me like I'm three years old..." bahagya pang sumingkit ang mga mata ni Xein na nakatingin sa kanyang Papa na nakaupo sa couch "Ano nga po ulit ang gusto nyong mangyari?"

"You will live with Zeig Hernalde." May paninindigan sa salita ng kanyang Papa "Magtatrabaho ka sa kanyang kompanya at tuturuan ka ni Zeig ng gawaing bahay."

"At kelan pa po naging home economics teacher si Kuya Zeig?" parang gustong masuka ni Xein sa pagtawag ng kuya kay Zeig.

Mortal silang magkaaway ng kapatid ng kanyang best friend at hindi nya alam kung bakit pero habang tumatagal ay papainit ng papainit ang dugo nilang pareho sa isat-isa, nagiging civil lang sila pag kaharap ang pamilya nila at ang tawag na Kuya ay respeto lang ni Xein sa mga magulang ni Zeig at sa kanyang Papa at walang kinalaman ito o wala syang karespe-respeto kay Zeig.

Ang totoo pag silang dalawa lamang ni Zeig ang magkaharap ay malutong na "Zeig Gerard Hernalde" o kaya ay "Mr. Butler" ang tawag nya sa binata dahil sa madalas itong taga bantay sa kanila ni Zienna nuong mga bata pa sila. At pag sila-sila lang nina Zienna ang magkakasama or worst kapag sila lang dalawa ni Zeig ang magkasama o silang dalawa lang ang naguusap ay daig pa nila ang mga aso't pusa at ang mga eksena nila ay laging parang may pinaghahalong balat sa tinalupan.

"That's my condition Xein Margaret!" matigas na sabi ni Don Antonio sa kanyang anak na dalaga "Take it or leave it." Pagbabanta pa ng Don.

"Papa naman..." nagpapadyak muli si Xein "Wala na bang ibang kondisyon?" nagmamakaawa na si Xein.

"Wala na!" minulagatan ni Don Antonio ang anak "Sabi ko sa'yo last chance mo na yung huling University na pinasukan mo, ngayon wala kang ng choice, magtatrabaho ka kay Zeig Hernalde! Titira ka sa condo nya at susundin mo ang lahat ng sasabihin ng panganay na anak ng kompadre ko." Utos ni Don Antonio kay Xein.

Parang nanglalatang naupo si Xein sa couch, "Ngayon ako naniniwalang hindi nyo ako talaga mahal Papa." Nagdaramdam na sabi ni Xein.

"Tigilan mo ako ng drama mo Xein Margaret, hindi eepekto sa akin yan kahit umatungal ka pa." Matindi ang paninindigan ni Don Antonio.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now