Stubborn Princess (part 3)

3.1K 107 3
                                    


"Alright, stop whining and don't act like I'm maltreating your best friend slash kinakapatid." Halata ang disappointment sa boses ni Zeig habang nagpapaliwanag sa kapatid na si Zienna.

Nang tumingin si Zeig sa kanilang Mama ay dismayadong, "Come on!" ang sinambit ni Zeig dahil kitang-kita nya ang pagka-awa ng kanyang Mama sa prinsesa ng kaibigan nitong si Don Antonio.

"Is that how me and your dead father thought you to treat a lady?" disappointed na sabi ni Donya Patricia.

"And she's not just a lady, Ma!" Segunda naman ni Zienna, "kinakapatid ko sya at anak ng best friend ni Papa."

"Oh please," halos pabulong na sabi ni Zeig sa sanib pwersang kampihan ng nakababatang kapatid nya na si Zienna at ng kanyang Mama.

Lumapit si Donya Patricia kay Xein para tulungan itong tumayo, samantalang kinuha naman ni Zienna ang basahan sa kamay ng kinakapatid at parang mas matanda itong sinabi sa kanyang kuya, "I can't believe you're doing this!"

"Okay, alright." Halos pabulong na sambit ulit ni Zeig, "it's not what you think it is, this is what Tito Antonio wants." Paliwanag ni Zeig sa kanyang Mama at kapatid.

"Antonio wants his only child to clean floors?" disappointed pa rin si Donya Patricia.

"Ninong Antonio wants Xein to be your maid?" segunda naman ni Zienna.

"No!" mabilis na sagot ni Zeig tapos ay nagbago ang isip nya dahil parang ganun nga ang gusto ni Don Antonio, "Yes!" biglang sabi ulit ni Zeig nang ma-realize na parang katulong nga si Xein ay biglang bawi ulit si Zeig, "No!"

"Ano ba talaga, yes or no?" makulit na sabi ni Zienna.

"Yes, this is what Tito Antonio wants ang matuto si Xein nang gawaing bahay," paliwanag ni Zeig. "And no, she's not a maid, yes, it looks like she's a maid because she do things what maid does, but hello..." kunot ang noo ni Zeig. "You both cook and do the dishes and manage the house but that doesn't mean you're a maid." Zeig scoffs as he rolled his eyes.

"Nagluluto kami ng kapatid mo, naghuhugas ng plato at oo, inaayos namin ang bahay tulad nang pagpapalit ng kurtina o pagre-rearange ng mga gamit pero hindi namin ginagawa ang ganitong klase ng trabahong pinapagawa mo kay Xein." Galit ngunit malumanay na sabi ng Mama ni Zeig, "Look at her!" may diin sa pagsasalita ng Donya at iminostra pa ni Donya Patricia ang isang kamay sa dalagang si Xein na mukhang nanglilimahid na kumpara sa mala-prinsesang Xein."Kung buhay ang Papa mo at makikita nila ni Antonio ang itsura ngayon ni Xein malilintikan ka Zeig Gerard!"

"Kung buhay po ang Papa, Ma, wala ang babaing yan dito kaya hindi rin po ako malilintikan." Dinaan sa biro ni Zeig ang pangangatwiran.

Mabilis na humakbang si Donya Patricia at hinampas ng kanyang abaniko ang kanang braso ng anak, "sasagot ka pa!" kunwari ay galit pa ring sabi ni Donya Patricia kay Zeig.

"Ang sakit na nga ng balakang ko," reklamo ni Xein kay Zienna pero parang pati na rin kay Donya Patricia dahil sinadyang lakasan ni Xein ang pagsasalita. "Tapos yung mga daliri ko parang hindi ko na maigalaw," umaarte pang dagdag ni Xein, totoo namang masakit na talaga ang katawan nya pati ang mga kamay nya dahil hindi naman sya sanay sa gawaing bahay pero sinadya talaga ni Xein na maging exaggerated. Sinadya pa nyang igalaw ang mga daliri at maarteng sinabi ang: "Ouch!"

Bigla namang lumapit ulit si Donya Patricia kay Xein samantalang si Zienna naman ay pinukol nang irap ang kanyang kuya.

"Ako pa talaga?" hindi makapaniwala si Zeig.

"Ano ba ang nangyari dito sa unit mo Kuya, bakit ba nagkaganito?" tanong ni Zienna sa nakakatandang kapatid.

"Glad that you've ask," bigla ang kislap ng mga mata ni Zeig sabay pitik ng kanyang daliri. "Yang magaling mong kinakapatid ang may kasalan!" itinuro pa ni Zeig si Xein. "Dumating ako kaninang umaga umuusok itong buong unit ko dahil yang magaling na Prinsesa ni Tito Antonio ay nag-salang ng kaserola sa kalan tapos iniwan." Mayabang na nagpaliwanag si Zeig na para bang kakampihan sya ng kanyang Mama at kapatid at hahayaan ng mga ito na ituloy ni Xein ang kanyang ginagawa.

"Eh, bakit hindi ka tumawag ng maintenance para maglinis?" laglag ang panga ni Zeig sa tanong ng kanyang Mama. Lalo pa syang natulala nang ayunan ni Zienna ang kanilang Mama, "oo, nga! Di ba kasama sa condo fees ninyo yun?"

"Yun nga ang sabi ko kay kuya Zeig, Tita Patrice, Zienna," ginatungan pa talaga ni Xein ang mag-inang Patricia at Zienna. "Eh sabi ni Kuya Zeig, andito naman daw ako bakit pa nya ipagagawa sa maintenance." Pinilit talaga ni Xein na mangilid ang kanyang luha para mas effective sa mag-inang Hernalde ang kanyang pagpapaawa.

Gustong i-ngudngod ni Zeig si Xein, dapat pala nag-artista na lang ang malditang prinsesa ni Don Antonio. May teary eyed pa itong pa-effect habang nagpapaawa, at talagang matigas na matigas na 'Kuya Zeig' ang tawag sa kanya ngayon nang malditang Prinsesa.

"Nakuuu! Zeig Gerard!" nang-gigil na idinuro pa ng kanyang Mama ang abaniko sa kanya. "Tumawag ka nga ng maintenance Zienna," utos ni Donya Patricia sa anak na babae, nang tumalima si Zienna ay inakay na ni Donya Patricia ang nag-iiyak-iyakan ng si Xein papunta sa inookupang silid nito para pagpahingahin.

Huminto sa pagpasok ng silid si Xein at nag-puppy face pa sya kay Donya Patricia sabay sabing: "Tita Patrice, magluluto pa daw po ako ng hapunan sabi ni Kuya Zeig." Tumingin pa si Xein kay Zeig na parang takot na takot.

"Zeig Gerardo!" sabi ng kanyang Mama, senyales na talagang disappointed ito sa kanya dahil naging Gerardo na ang Gerard nyang pangalan. "Ikaw ang magluluto nang hapunan!"

"Ha!" laglag ulit ang panga ni Zeig, "Bakit ako!"

"Alangan namang ako eh mas magaling kang magluto sa akin," nang-aasar na sabi ni Zienna. "Alangan naman ding si Mama ang paglutuin mo, mahiya ka naman kuya bisita mo si Mama. At kahit nasa mansyon pa tayo...RESPECT!"

Alanganing itinuro ni Zeig si Xein pero umarte na naman ito at hinagod ang balakang sabay sabi ulit nang 'ouch', wala nang nagawa pa si Zeig, iiling-iling na lang ang binata habang pasimple syang pumikit at pinaikot ang kanyang eyeballs.

"Ma, si kuya oh, he's rolling his eyes." Sutil na sumbong ni Zienna sa kanilang Mama.

"ZEIG GERARDO!"

"Yes, Ma, magluluto na." mabilis na sabi naman ni Zeig at bubulong-bulong na binuksan ang fridge.


Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now