The Butler 3

5.1K 161 34
                                    

"Kung meron ka ba kakong nobya o kinakasama?" parang nauubusan na nang pasensyang sabi ni Don Antonio. "Alam kong hindi ka pa kasal dahil siguradong ako ang kukuhanin mong ninong pag kinasal ka, pero sa gwapo mong yan imposibleng wala kang kinakalantare." Nagbibirong sabi ni Don Antonio.

"Heh-heh!" naiilang na ngisi ni Zeig, "Kinakalantare ho Tito marami, pero yung seryosong kalantare, wala ho." Umiling pa nang sunod-sunod si Zeig.

"Good!" natutuwang sabi ni Don Antonio. "So, pwedeng tumira si Xein sa condo mo?" paniniguro ni Don Antonio.

"Tanong lang ho Tito..." itinaas pa ni Zeig ang kanyang kanang hintuturo kasabay ng pagbasa ng dila nya sa kanyang mga labi. "Bakit ho gusto nyong tumira si Xein sa isang condo na kasama ako?" sasagot na sana si Don Antonio pero inawat ito ni Zeig ng muling pagtaas ng kanyang hintuturo. "At pangalawa ho, paano ho natin makukumbinsi si Xein na tumira sa condo ko?"

"Ako ng bahala dun, pag pinalayas ko ang anak ko kunwari eh tyak na tyak na sa iyo ang tuloy nun." Kampanteng sagot ni Don Antonio.

"Mali ka dun Tito..." awat ni Zeig sa confidence ng kaibigan ng kanyang Papa. "Sa bahay ho namin tutuloy si Xein dahil sila ni Zienna ang best friend at hindi ako, so, one hundred percent na hindi sa condo ko uuwi si Xein." Ikinindat pa ni Zeig ang magandang mata. Ngumiti nang may katagumpayan si Zeig nang makitang napaisip si Don Antonio. Sinundan agad ni Zeig ang kanyang speech para dagdagan pa ang pag-aalinlangan ng Don. "Isa pa ho Tito, hindi ho magandang magkasama kami ng inyong dalaga sa iisang bubong pagtsitsismisan ho kami ng mga amigo at amiga ninyo. Kayo rin ho kahiya-hiya ang kaisa-isa nyong dalaga." Pananakot pa ni Zeig.

"Twenty first century na tayo hindi na bago ang babae at lalake na magkasama sa iisang bubong." Parang naramdaman ni Don Antonio ang pag-iwas ni Zeig sa kanyang kahilingan. "Isa pa tingin ko naman e hindi mo pakikialaman ang dalaga ko, may natitira ka pa naman sigurong respeto sa pagkakaibigan namin ng Papa mo." May pagbabanta ang tono ng boses ni Don Antonio. "Isa pa, pag ginalaw mo si Xein malilintikan ka sa akin Zeig, hindi ka makukulong... paglalamayan ka!"

Para namang nanginig sa takot si Zeig, napalunok sya pagkatapos ay nauutal na nagtanung, "k-kaylangan...h-ho...b-ba...talagang sa akin...tumira si Xein?" Parang nahihirapang magsalita si Zeig.

"Paano mo babantayan at tuturuan ang aking anak kung hindi sya titira sa iyo?" may awtoridad ang boses ni Don Antonio.

"E di ba ho..." lumunok muli si Zeig, "tuturuan ko lang naman si Xein kung pa'no magpatakbo ng negosyo bakit naman ho kaylangan nyo pang itira sa akin ang anak nyo?" magalang na reklamo ni Zeig kay Don Antonio.

"Dahil hindi lamang pagpapatakbo ng negosyo ang ituturo mo sa aking unica hija." Dominante si Don Antonio. "Tuturuan mo din sya kung paanong mamuhay ng mag-isa, maging responsable at independent. Kailangang matuto sya nang gawaing bahay tulad nang pagluluto at paglalaba, kaylangan nyang matuto kung paano asikasuhin at pangasiwaan ang isang tahanan, at syempre kailangang matuto si Xein kung paanong mag-alaga ng isang lalake." Kumindat pa si Don Antonio kay Zeig.

"Mawalang galang na Tito bakit naman ho naisip ninyong kaya kong ituro ang lahat ng sinabi nyo kay Xein?" Nagtataka talaga si Zeig, "bakit di na lang ho ninyo i-enroll ang inyong unica hija para matutunan ang pagluluto, paglalaba at pag-aasikaso sa bahay." Ngumiti ulit si Zeig nang ngising naiilang. "Saka bakit ho ba kaylangan pa ninyong turuan si Xein ng lahat ng gawaing bahay e mayaman naman kayo, kayang-kaya ho nyang kumuha ng katulong."

"Ako mayaman!" pabiglang sagot ni Don Antonio. "Pero walang kasiguraduhan kung hanggang kaylan ako magtatagal at kung hindi matututo si Xein kawawa ang anak ko. Hindi siguradong magtatagal ang kayamanan ko, paano kung lokohin lang sya ng iba kong kasosyo sa negosyo?" Nag-aalala ang tinig ni Don Antonio.

"Eh kaya nga ho natin sya tuturuan kung paanong mamalakad ng negosyo." Muling gumalaw ang kilay ni Zeig kasama nang papungay ng mata saka nagpatuloy na magpaliwanag sa kaibigan ng kanyang Papa, "pero yung titira ho sa akin si Xein at tuturuan nang gawaing bahay..." itinaas muli ni Zeig ang hintutro sabay ngisi nang naiilang. "Deal braker yun Tito."

"Kung hindi ka papayag wala akong choice kundi bawiin ang tulong ko." May pananakot ang tono ni Don Antonio. Ayaw nya sanang gawin ang ganun sa panganay ng kanyang matalik na kaibigan at hindi totoong babawiin nya ang kanyang tulong pero gipit na sya sa sitwasyon at sa problema nya sa kanyang dalaga at maswerteng gipit din si Zeig, kaunting kunwaring pananakot pa ay mapapapayag na nya ang binata.

"Tito naman... wala hong black-mail-an." Nagrereklamong sagot ni Zeig.

"Ayaw mo?" pinanindigan ni Don Antonio ang pananakot.

"E kung papayag ho si Xein..." kakamot-kamot sa ulo si Zeig at hindi maipinta ang mukha nito. "Payag na rin ho ako."

"Good!" nagpakawala ng banayad na evil laugh si Don Antonio.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now