Stubborn Princess (part 4)

3.3K 111 17
                                    


Hindi alam ni Xein kung paanong kakainin ang nakahaing hapunan, nilagang talong at okra, inihaw na bangus at kamatis na may alamang at labanos na sinamahan pa ng sibuyas na lasuna.

"Kain na!" sabi ni Zeig kay Xein, ngiting-ngiti ang binata habang sumusubo ito gamit ang kamay.

Bahagyang napangiwi si Zein, inaalibadbaran sya sa style ni Zeig, may kutsara't tinidor naman kung bakit ang kamay nito ang gamit sa pagkain. Ang kinakapatid nyang si Zienna at si Donya Patricia ay may kutsara't tinidor na gamit pero si Zeig ay parang sinadya pang magkamay para lalo syang mawalan nang gana sa pagkain.

"Hindi ka ba kumakain ng ganitong ulam hija?" malumanay na tanong ni Donya Patricia kay Xein.

"Kakain po yan, Ma," maagap namang sagot ni Zeig, "Paborito ni Tito Antonio saka ni Papa ang mga ulam na yan." Kumindat pa si Zeig sa ina. "Kaya nga yan ang niluto ko, baka kasi nami-miss na ni Xein si Tito Antonio, at least sa ulam man lang makasama nya ang kanyang Papa." Sige sa pagsubo si Zeig kasabay nang nang-aasar na ngiti

"At least, sa ulam man lang makasama nya ang kanyang Papa." ginaya ng dalaga ang sinabi ni Zeig bumubulong si Xein at gumagalaw ang labi nya pero hindi naman talagang masyadong naunawaan ang sinasabi nito na kung tutuusin ay inuulit lang naman ang sinabi ni Zeig pero sa naiinis na paraan.

"Ang totoo nyan Ma, hindi naman talaga alam kainin ni Xein itong niluto ni Kuya." Paliwanag naman ni Zienna. "Pag ganito ang ulam sa mansyon ng mga Veranda kami lang ng Ninong ang kumakain, si Xein yung paborito nyang Kare-kare at Crispy Pata ang inuulam."

"Problema ba yun?" ipinagpag ni Zeig ang kamay sa tapat ng kanyang plato pagkatapos ay kinuha ang plato ni Xein, kinamay nya ang kanin at ulam pati na rin ang sawsawan at inilagay sa plato ng dalaga. Matapos ibaba ang plato sa harap ni Xein ay kinuha ni Zeig ang kutsara't tinidor at inilagay sa mga kamay ng dalaga. "Kain na! ikaw rin magugutom ka. Minsan ka pa lang kumain ngayong maghapon na ito."

Titiisin na sana ni Xein na magutom pero nang makita ang awa sa mga mata ni Donya Patricia pati na rin ng kanyang kinakapatid na si Zienna ay napilitan na ring sumubo si Xein. May panahon at oras nang pag-arte at ang turo nang kanyang Papa ay hindi kasama sa inaartehan ang pagkain, magtatampo daw ang grasya.

Higit lalo na at nasa ibang bahay siya at parang nakiki-kain lamang sya, dapat ay kainin nya ang kung anong naka-hain sa lamesa. Basta edible at kinakain naman talaga ng tao ay wala syang dahilan para hindi kainin iyon. Bukod sa kabastusan ay hindi tamang mamili sya, lalo pa't kumakain ang mga kasabay nya sa lamesa. Kahit hindi nya nakasanayan ang pagkaing nakahain ay dapat syang kumain kahit pakitang tao lamang. Unless, may allergy sya sa nakahaing pagkain pero syempre respeto sa nag-gayak ng pagkain at iyon nga para huwag daw nagtatampo ang grasya sabi ng kanyang Papa.

Litong pinanuod muna ni Zein si Ziena, para namang naiintindihan ni Zienna ang tumatakbo sa isip ni Xein. Kumilos sya para sumubo nang pagkain, ginaya naman ni Xein ang ginawa ng kinakapatid. Maliit na hiwa ng talong, okra, inihaw na bangus at sawsawan kasama ng kanin sa isang subo. Nang malasahan ni Xein ang pagkain ay hindi makapaniwala si Xein na nagustuhan nya ang lasa nito.

Sa ika-lawang subo ay bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ni Xein sabay nang pag-kibit ng kaliwa nyang balikat. 'It's good' sabi ng kanyang isip. Ilang sandali pa at magana nang kumakain si Xein, tuwang-tuwa naman si Donya Patricia at Zienna. Samantala si Zeig ay amused na amused sa maganang pagkain ni Xein.

Gustong matawa ni Zeig sa sarili, si Xein ang tipo ng babaeng kinaiinisan nya but this woman never seized to amuse her. Beinte-kwatro oras pa lamang nyang kasama ang dalaga pero madami na syang magagandang katangiang nadidiskubre dito.

Xein can easily annoy him there's no denying that fact, pero kayang-kaya rin syang bigyan nang amusement ng dalaga. And Zeig needs to admit, tama ang kapatid nyang si Zienna, maganda nga pala talaga si Xein. Hindi dahil sa nababalutan ito ng signature dress and shoes, o napipinturahan nang imported na make-up ang mukha nito at na-aadornohan ng mga magagandang alahas.

Kanina ay nanglilimahid ang prinsesa ni Don Antonio habang naglilinis ng kanyang unit ngunit kapansin-pansin na may taglay pa ring ganda si Xein. Kahit na nga losyang ito, at syempre not to mentioned, kahit pa nakahubad ito. Sinupil ni Zeig ang ngiti sa kanyang labi, he rephrase the words in his mind and said; 'mas maganda si Xein pag nakahubad,'considering, nakatalikod pa ang dalaga ha, partida na yun!

Hindi na napigil ni Zeig ang mapangiti dahil sa ala-ala nang walang saplot na katawan ni Xein at sa tumatakbo sa kanyang isip, ngumiti sya habang nakatingin kay Xein at hindi naka-alpas iyon sa malakas na pakiramdam ng kapatid nyang si Zienna at ng kanyang Mama na si Donya Patricia.

Nang tumikhim ang kanyang Mama ay mabilis na bumaling ang tingin ni Zeig sa ina. Nang makita ng binata ang warning look sa ina habang nanatili ang kanyang mga ngiti sa labi ay pumormal si Zeig. Alam nyang nahuli ng kanyang Mama ang sutil nyang ngiti habang nakatingin kay Xein, nang ibaling nya ang tingin sa kapatid na si Zienna ay sinasabi ng mga mata nitong 'Kuya ha.'

"Bangus pa more, Ma, Zienna?" naiilang na alok ni Zeig sa kanyang Mama at kapatid para disimulahin ang kanyang pagkapahiya. Irap lang ang sagot ng dalawa sa kanya.


******

That's all folks, apat na chapters po in one day, enjoy nyo po. i won't promise you kung kailan po ulit ang susunod na update. but there will be an update hindi nga lang po ako sigurado kung gaano katagal. but you've been patient, hope you will be more patient. he,he.

God Bless po and happy Halloween.

A.H. Augustus

******

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now