Compromising The Deal

2.7K 97 41
                                    

@micheilockz, eto na yung promise ko sa'yong Jollibee scene anak. I mean, yung hiningi ko sa'yong Jollibee scene. Remember?" love you baby, thanks for the inspiration.

******

More than three months later . . .

Busy sa pagbabasa ng mga pipirmahang papeles si Xein nang tumunog ang kanyang private line. Tuloy sa pagbabasang sinagot ng dalaga ang tawag.

"Jollibee deliver," sabi ng nasa kabilang linya.

Napangiti nang matamis si Xein, kilala nya ang may-ari ng baritonong boses mula sa kabilang linya.

"At kelan ka pa nag-trabaho sa Jollibee?" sabi ng dalaga na parang kinikilig.

"It's almost lunch," sabi ni Zeig at alam ni Xein na nagpakawala ng kanyang killer smile ang binata kahit di nya ito nakikita. "And I have a feeling na busy ka at malamang na malipasan ka na naman nang gutom dahil late ka na namang kakain ng lunch or worse hindi ka na naman kakain." Kunwari ay galit ang tono ng boses ni Zeig pero lalo lang kinilig si Xein dahil alam nyang concern lang ang binata sa kanya.

"And you're going to deliver me food from Jollibee?" natatawang sabi ni Xein.

"Are you freaking kidding me? Gusto mong bago pa ako makapasok sa private office mo eh basag-basag na itong gwapo kong mukha." Biro ni Zeig.

Bigla namang nalungkot si Xein. Naalala nya ang pangako ng binata sa kanyang Papa na hindi ito makikipagkita sa kanya.

"I miss you," mahinang sabi ni Xein.

"I miss you more sweetheart," sabi naman ni Zeig. "But we need to be careful and patient." May assurance sa tinig ng binata.

"Hangaang kelan tayo mag-titiis?" nangilid na ang luha sa mga mata ni Xein.

"Shhhh," malambing na sabi ni Zeig. "Don't cry baby, mas lalo akong nahihirapan pag ganyan ka." Mas malambing ang boses ngayon ng binata.

"Hindi ko na kaya Zeig." Tuluyan nang napaiyak si Xein. "It's been more than three months."

"Shhh," sabi ulit ni Zeig. Pinigil ng binata ang malungkot at sa halip ay pilit na pinasigla ang tinig. "All the best things in life are worth the wait. And this is worth our wait. Patience honey." Malambing na pakiusap ng binata.

Walang sagot mula kay Xein, tanging ang pagsinghot lang ng dalaga ang maririnig sa kabilang linya.

"Hush baby, hush." Malambing ulit na utos ni Zeig sa kanya.

"I will see you today." Biglang sabi ni Xein." Wala akong pakialam kung magalit ang Papa. Aalis ako ng opisina at kakain tayong dalawa sa Jollibee." Parang batang nagma-maktol si Xein.

Bahagyang tumawa si Zeig, "Wala ka ring pakialam kung patayin ako ng Papa mo?" kunwari ay warning ni Zeig. "Ikaw rin," balik-lambing ulit ang boses ng binata. "Hindi pa tayo nakakasal byuda ka na agad, dahil lang sa tanghalian sa Jollibee."

"Puro ka naman biro eh," sinadya pa ni Xein na pahabain ang salitang 'eh'.

Lalo namang natawa si Zeig.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" bigla na namang nagbago ang mood ni Xein. Mula sa kinikilig na dalaga tapos ay biglang iyakin ngayon naman ay beast mode na bigla ang prinsesa ni Don Antonio.

Humalakhak ng tawa si Zeig.

"I hate you!" sabi ni Xein at ibinagsak ang telepono.

Pero saglit lang ay tumunog ulit iyon, galit pa rin si Xein nang sumagot ng 'hello.'

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now