Tiger Xein

2.9K 89 21
                                    


"I can't believe you did that!" hindi maitago ang galit sa mga mata ni Xein nang puntahan sa private office nito ang kanyang Papa para sitahin.

Mangha naman si Don Antonio sa reaction ng kanyang nag-iisang anak. Simula nang kunin ng Don sa condo ni Zeig ang dalaga ay nagsimula na itong pumasok sa Antonio's para pag-aralan naman ni Xein ang pasikot-sikot at takbo ng kanilang kompanya.

May dalawang-linggo nang pumapasok ang dalaga at mahusay nitong nagagampanan ang nakalaang pwesto na para sa kanya lamang. Ang taga-pagmana ng Antonio's manufacturing at ang iiwanang posisyon ni Don Antonio Veranda sa nalalapit na pag-ri-retiro ito.

"What did I do?" nagtatakang tanong ni Don Antonio sa kanyang prinsesa. Itinigil ng Don ang pag-pirma sa mga papeles na nasa kanyang harapan.

"You hurt Zeig, binugbog mo sya at pinagbantaan." Naiiyak nang sabi ni Xein.

"Princess . . ." hindi malaman ni Don Antonio ang sasabihin sa anak. Hindi dahil sa guilty sya sa ginawang pananakit kay Zeig at pagbabanta rito kundi dahil sa nakikita nyang damdamin ng kanyang nag-iisang prinsesa.

"Why did you do it, Papa?" may galit na namang bumalatay sa mukha ni Xein kahit na nga tumutulo ang kanyang luha.

"I only did what I think will be best for you." Matatag na sagot naman ni Don Antonio.

"What is best for me?" hindi napigilan ni Xein ang mapahikbi, parang nauubusan ng lakas ang dalaga na naupo sa upuang nasa harap ng lamesa ng kanyang Papa.

Mabilis namang tumayo si Don Antonio mula sa kinauupuan at lumapit sa anak. Hinagod-hagod ng Don ang likod ng kanyang unica hija.

"Xein, my princess, try to understand." Naghihirap ang loob na sabi ng Don.

"Oh, I understand Papa," galit ulit na ibinaling ni Xein ang tingin sa kanyang ama. Pinahid nya ang mga luha. "You are manipulating my life."

"Manipul---" bahagyang lumaki ang pagkakadilat ng mga mata ni Don Antonio. "What do you mean I am manipulating your life?" May bahagyang authority na ang boses ng Don. Mula sa bahagyang pagkakayuko kanina para banayad na hagurin ang likod ng kanyang prinsesa habang umiiyak ito ay umunat nang tayo ang Don. Diretso ang kanyang tingin sa mukha ng nagdaramdam na unica hija. "I was doing and will always be doing my job as a father and that is to protect you."

"Protect me?" tumayo na rin si Xein sa pagkaka-upo at matapang na hinarap ang ama. "Is letting me live with Zeig is what you call protection?" nanunumbat ang tinig ni Xein. "You forced me to stay with him, Papa. Sa kanyang condo, for months, is that what you called protecting your own daughter?" tumulo na naman ang luha ni Xein pero andun pa rin ang galit sa mga mata ng dalaga at ang panunumbat sa tono ng boses nito.

"I trusted Zeig." Matatag namang sagot ni Don Antonio.

"Oh, you trusted Zeig!" sarcastic na sagot naman ulit ni Xein. "You trusted him and he betrayed your trust is that it? kasalanan pa ni Zeig Papa? Ipinagduldulan mo ako sa kanya pagkata---"

"I trusted him to train you!" dumadagundong ang boses ni Don Antonio, dahilan para mapahinto sa pagsasalita si Xein. "Hindi kita ipinagduldulan sa kanya, sinong tarantadong ama ang ipagduduldulan ang anak sa isang lalake?" namumula na ang mukha ng Don sa galit. "We made a deal, I trusted him and he betrayed my trust. Kung ipinagduldulan kita sa kanya di hindi sana nabangas ang mukha ng lalakeng iyon."

"So, should I thank you then?" Xein scoffs, "you let me live with him Papa. I bet you wouldn't argue with me when I say I am beautiful at hindi santo si Zeig." Nangilid na naman ang luha ng dalaga, magkahalong inis at pagdaramdaman ang nararamdaman ni Xein para sa kanyang Papa ngayon. "Do you honestly believe he will honor your deal? Ganu'n ba kapangit ang tingin ninyo sa akin?" disappointed na dagdag pa ng dalaga.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon