Compromising the deal (part 2)

2.3K 67 12
                                    




******

Magandang gabi sa inyong lahat, or depende sa oras ng binabasa ninyo ito. Basta maganda tayong lahat. Lol.

Dalawang chapter's po ang update ko ngayon (compromising the deal part 2 & 3). There's no point na bitinin ko pa po kayo at paghintayin ng another update for part 3 dahil bitin din naman po yung part 3, he,he.

Kidding!

Gusto ko na lang kasing ma-i-post na lahat ng parts ng 'compromising the deal' chapter para maka-move on na po tayo sa susunod na chapter ng ating kwento.

Hope you'll enjoy these two part update, (',)

*******

"Ano pong hinahanap nyo Don Antonio, Sir?" tanong ni Yaya Badet nang mabungaran sa loob ng silid ng kanyang alaga ang Don.

"I'm looking for some papers," sagot naman ni Don Antonio sa yaya. Hindi nya nilingon ang may edad na ring taga-pagalaga ni Xein at patuloy na hinalungkat ang dating study table ni Xein sa loob ng kwarto nito.

"Ano hong papeles?" tanong ulit ni Yaya Badet.

"Papeles sa opisina---"

Hindi pa natatapos magsalita si Don Antonio ay nagsalita na ulit si Yaya Badet, "eh bakit ho dito kayo sa kwarto ni Senyorita Xein naghahanap? Mabilis na tanong ni Yaya. "Bakit hindi po sa opisina nya?"

"May gagawin ka dito Yaya?" naiiritang tanong ni Don Antonio sa makulit na Yaya.

"Ilalagay ko lang ho itong mga damit ni Senyorita sa cabinet---"

"Do it." utos ni Don Antonio at i-minostra pa ang isang kamay na parang pinapaalis na si Yaya sa kanyang harapan.

Nag-aalala namang sumunod si Yaya Badet. Bago pumasok sa walk-in cabinet ng alaga ang yaya ay nilingon nya ulit si Don Antonio. Aware si Yaya Badet sa mga sulat at usapan sa telepono ng kanyang alaga at ng nag-iisang binata ng mga Hernalde. At alam din ng yaya na isa sa mga drawer ng dating study table ni Xein ay ang kahon na lalagyan ng mga sulat na iniipon ng kanyang alaga mula kay Zeig.

Umusal ng dalangin si Yaya na sana ay makita na ni Don Antonio ang hinahanap na papeles bago pa matuklasan ng matandang amo ang mga sulat ni Zeig. Biglang naisip ni Yaya na tulungan na nya kayang mag-hanap si Don Antonio para kung saka-sakali ay maiiwas nya ang Don sa kahon ng sulat.

Mabilis na lumabas ng walk-in cabinet si Yaya Badet pero bago pa nya nai-suggest sa among si Don Antonio ang offer na tulong sa paghahanap ay napatda na ang yaya. Hawak na ng Don ang isang sulat na galing kay Zeig at binabasa na iyon ng kanyang amo.

"Don Antonio . . ." nag-aalalang sabi ni Yaya. Para syang itinulos sa kinatatayuang pintuan ng walk-in cabinet ng kanyang alaga.


OOOOPPSSS!

----------::::::::::----------::::::::::----------::::::::::----------

Isa po munang patalastas:

This story you're reading (Her Butler . . . His Princess) is a part & Book 3 of the series called KILIG, LUHA at SAYA ng UMIIBIG.

Sa seryeng ito ay nais ipakita ng may akda na ang tunay na pag-ibig ay masalimuot. Dahil lahat ng mga bagay na may halaga sa mundong ito ay kailangang paghirapan at hindi nahihingi o ipinamimigay lamang. At ang tunay na umiibig ay handang magsakripsyo o kaya naman ay maghintay para sa kanyang minamahal.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now