What Now? (part 2)

2.6K 64 5
                                    

Dalawang chapters po ang update natin for today. Part 2 & 3 of 'what now?' chapters. thank y'all very much for the support and for the noise you've made sa nakaraang update. Ranking pa rin po tayo, #32 sa chicklit. hope you will all continue to support Zeig & Xein. Maraming salamat po ulit. God bless you all.

Welcome po natin ang bago na naman po nating makakasama sa kwentong ito, jhemaRenonGambol,

At si tineheart21, Thank you po sa votes.

LibayPosadas & PatriciaJaynaLopez, salamat po sa pag-add ng story na ito sa inyong RL.

Sa mga hindi ko po na-mentioned, alam nyo na po kung sino-sino kayo. Maraming-maraming salamat po.


******

"Where's Xein?" tanong ni Zienna sa kanyang Kuya nang magtagpo sila sa elevator papanhik sa kanilang opisina.

"She's gone." Walang ganang sagot ni Zeig sa nakababatang kapatid. At sa halip na tumingin kay Zienna ay ang suot na wrist watch ang minataan ng binata na para bang naiinip ito sa pagbubukas ng elevator.

"What do you mean she's gone?" kunot noong sabi ni Zienna, "Can you elaborate a little more."

Inis na nilingon ni Zeig ang kapatid, pero sa halip na sumagot ay inirapan nya lang ito. Bago pa makapagsalita ulit si Zienna ay bumukas na ang elevator. Halos sabay silang magkapatid na pumasok at bago pa sumara ulit ang elevator ay nakahabol namang makasabay si Ross.

"Where's Xein?" nakangiting tanong ni Ross sa magkapatid na Hernalde.

Tumingin si Zienna sa kanyang kuya na kasalukuyan namang nagru-roll ng kanyang eye balls. Siguro ay dahil sa iisa ang tanong niya at ni Ross dito and her Kuya thinks it's either stupid or funny.

"She's gone." Si Zienna ang sumagot kay Ross.

"Gone to where?" makulit namang tanong ni Ross, pinagpalit-palit ng binatang CEO ang tingin sa magkapatid na Presidente. Iminostra nya ang isang kamay at ikinibit ang dalawang balikat. It's Ross' notion to the sibling that he's waiting for an answer.

"I just told your best friend here to elaborate what does Xein's gone mean?" Sagot ni Zienna kay Ross sabay turo sa kanyang Kuya.

"And?" curious na tanong ulit ni Ross. Nakamostra pa rin ang kanyang kamay at muli nyang iginalaw ang dalawang balikat.

"The elevator opened," sagot ni Zienna. "Then before it closes you came in and you asked the same question I did."

"And I saw him rolled his eyes," nanunudyong itinuro ni Ross ang best friend na si Zeig.

Bago pa makapag-react si Zeig ay bumukas na ulit ang elevator, walang imik na lumakad palabas ang binatang Presidente ng Gerardo's at dire-diretsong pumasok sa kanyang private office.

"And the elevator opened again." Bumuntong-hininga pa si Zienna pagkatapos magsalita.

"Now, we can't corner your brother anymore." Disappointed namang sabi ni Ross. Sabay silang naglakad ni Zienna palabas ng elevator at sabay ding huminto sa tapat ng nakasaradong opisina ni Zeig. "What do you think really happened? Dugtong na sabi ni Ross sabay tingin kay Zienna. "Three days ago Zeig seemed to be not with himself, after lunch pa ang flight nya to Bacolod pero pagkatapos nyang magbigay ng instructions sa akin he went out and he never came back."

"Then three days later, just last night, he came back from Bacolod." Sagot ni Zienna kay Ross pero parang sa sarili lang nya sinasabi ang mga salita. Nakatingin ang dalagang Hernalde sa nakasaradong private office ng kanyang Kuya habang nagsasalita.

"And now Xein is gone." Dugtong ni Ross sa sentence ni Zienna at parang sa sarili lang din nya sinasabi ang mga salita habang nakatingin din sa nakasaradong opisina ni Zeig.

"You think?" sabay na sabi nina Zienna at Ross habang kunot-noo silang nagkatinginan. And then instantly, nagbago ang kanilang mga expressions. Both of them remembered na ng araw na pumasok at biglang nawala si Zeig sa opisina kahit na nga after lunch pa ang flight nito papuntang Bacolod ay ang araw din na late nang pumasok si Xein.

And they're both acting weird and not with themselves, natatandaan pa nilang ilang beses nilang nahuling tulala si Xein sa gitna ng board meeting.

"Something happened." Sigurado si Zienna sa kanyang theories.

"Yeah," sabi naman ni Ross, hinagod-hagod pa nya ang kanyang baba habang nag-iisip at kunot-nuo ulit na binalikan ng tanaw ang saradong private office ni Zeig. "And whatever happened, it went all wrong." Dagdag ni Ross.

"I think you should talk to him." Mabilis na sabi naman ni Zienna.

"Me, bakit ako?" mulagat ang mga mata ni Ross ng bumaling kay Zienna, itinuro pa nya ang sarili.

"Because you're kuya's best friend." Mabilis ulit na sagot ni Zienna.

"Oh," nangingiting sagot ni Ross. "And you Miss Co-chairwoman are Xein's best friend." Pinalis ni Ross ang ngiti sa mga labi at seryosong tumitig kay Zienna. "I will talk to him," turo ni Ross sa saradong office ni Zeig, "if you promise you will talk to Xein." Sabay baling ng kanyang turo kay Zienna.

"If you promise you will forward your conversation with my kuya to me." Sagot ni Zienna.

"With a guarantee that you will trade you and your best friend Xein's secret with that information." Paninigurado ni Ross.

"Deal!" masayang itinaas ni Zienna ang kanang palad para makipagkamay.

"Done!" sagot naman ni Ross at nakipagkamay kay Zienna tanda ng pagsasarado ng kanilang usapan.

"Are you done!" kunot-nuong sabi ni Zeig sa dalawa, nakatayo na ito sa labas ng kanyang opisina at may hawak na folder. "The board are waiting for us already!" inis na dugtong ni Zeig.

Natatawang lumakad nang mabilis sina Zienna at Ross papunta sa conference room, iminostra pa ng dalawa ang kanya-kanyang hintuturo at middle finger sa kanilang mga mata tapos ay kay Zeig. Giving Zeig a warning that both Zienna and Ross will watch his every move at hindi sila titigil na dalawa hangga't hindi sila nakakakuha ng sagot sa tanong na 'Where's Xein?'

Nailing na lamang si Zeig, he rests his palm na walang hawak na folder beside his waist and took a deep breath. 'Kunsumido na ako kay Xein, kukunsumihin pa ako ng makulit kong kapatid at best friend.' Sabi ng binata sa sarili. 'Oh, Xein,' bigkas nya sa pangalan ng dalaga sa kanyang isip, tumingala si Zeig at saglit na ipinikit ang kayang mga mata. 'I just hope your best friend Zienna and my best friend Ross can help me with what we are going through right now.' Muling napailing si Zeig, nagpakawala sya ulit ng isa pang mas malalim na buntong hininga para kalmahin ang sarili, nang ihakbang ni Zeig ang mga paa patungong conference ay confident na ang gwapong binata na anduon na ulit ang kanyang President mood.

At natapos nga ang board meeting na hindi mahahalatang may pinagdaanan ang gwapo at nag-iisang binata ng mga Hernalde.


******

Take note po, dalawang chapters po ang update. Salamat po ulit.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant