Seriously 3

4.7K 140 17
                                    



"Tatlong araw simula ngayon ay tutulungan mong maghakot ng gamit si Xein." Paliwanag ni Don Antonio kay Zeig, nasa library sila ng mga Veranda at nakaupo si Don Antonio sa upuang nasa likod ng lamesa. Samantalang sina Xein at Zeig naman ay nakaupo sa upuang nakaharap sa mesa ng Don. Para silang nasa isang interview na dalawa para matanggap sa isang trabahong pinapasukan.

"Xein Margaret" baling ni Don Antonio sa kanyang anak "Simula sa lunes ay papasok ka na sa opisina ni Zeig at oras na lumipat ka sa condo nya ay sya na ang bahala sa'iyo. Bawal kang umuwi dito sa bahay, pwede mo akong tawagan sa telepono o dalawin pero hindi ka maaring matulog dito sa bahay." Tiningnan pa ng matiim ni Don Antonio ang anak at saka sinabing "Intiendez?"

Sutil na ngiti lamang ang isinagot ni Xein sa kanyang Papa pagkatapos ay tumingin sya kay Zeig at ngumisi dito. Hindi tatagal sa kanya ang binatang Hernalde at isinumpa nya na iyon sa kanyang sarili, matagal na ang isang linggo at babalik na syang muli sa kaharian ng kanyang Papa at magbubuhay prisesa na syang muli. Muling ngumisi si Xein kay Zeig, nang-iinis na ngisi lamang din ang isinagot sa kanya ng binata pagkatapos ay umirap ito sa kanya.

"Zeig, I already gave you a fair warning!" may pagbabanta sa tinig ni Don Antonio "Aalagaan at tuturuan mo ang kinakapatid ng iyong kapatid I will hold you responsible pag may masamang nangyari sa unica hija ko." Dagdag banta pa ni Don Antonio.

"No problem Tito." Confident na sagot ni Zeig ikinawit nya ang kanyang isang braso sa leeg ni Xein at bahagyang sinakal ito "Titino sa akin ang babaing ito!" May pagbabanta ang mga mata ni Zeig ng tumitig sya kay Xein. Nagduling-dulingan naman ang dalaga sabay dila sa kanya. Pasalyang binitiwan ni Zeig ang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang Papa.

Kabisado nya ang kasutilan ni Xein at alam nyang may pinaplano sa isip ang spoiled brat na dalaga ng kanyang Tito Antonio kaya hindi nag-eeffort si Xein na kontrahin ang gusto ng ama. Muling tiningnan ni Zeig si Xein habang tumatakbo sa kanyang isip ang mga salitang : 'Hindi ka uubra sa akin Xein Margaret Veranda!'

------

Araw ng Sabado ay maagang dumating si Zeig sa mansyon ng mga Veranda, alas nueve ng umaga ang usapan pero bago mag alas nueve ay nasa may pintuan na ng mga Veranda si Zeig at pinipindot na ang doorbell. Si Yaya Badette ang nagbukas ng pintuan para sa kanya, magalang syang binati ng Yaya.

"Ang Tito Antonio po Yaya?" Magalang na tanong ni Zeig, nananatili syang nakatayo sa labas ng pintuan.

"Maagang umalis si Don Antonio" nakangiting sagot naman ni Yaya Badette "May golf daw sya ngayon at ayaw nyang mahuli sa usapan ng mga kasama nyang maglalaro." Iginiya ni Yaya Badette papasok sa loob ng bahay si Zeig.

Palihim namang napangiti si Zeig habang pumapasok, isa sya sa mga nakakalaro ni Don Antonio ng golf at alam nya ang schedule na araw para sa kanilang laro at hindi ito ang araw na iyon. 'Siguro ay ayaw ng Tito na makita ang pag-alis ng kanyang unica hija, baka pag hindi sya umalis ay hindi na matuloy ang aming plano.' Sabi ng isip ni Zeig. Sa bandang huli ay nakaramdaman ng simpatya si Zeig sa matalik na kaibigan ng kanyang Papa. Alam nya kung gaano kamahal at kahalaga kay Don Antonio ang nag-iisang prinsesa nito. Kung hindi nga lamang ba talagang pasaway si Xein ay hindi papayagan ang Don na mawalay ang nag-iisang anak.

"Si Xein ho?" magalang ulit na tanong ni Zeig sa yaya nang maisara na nito ang pintuan.

"Nasa taas po sila ni Ma'am Zienna, nagaayos pa rin po sila ng mga gamit na dadalin ng alaga ko." Iminostra ni Yaya Badette ang isang kamay at sabay na silang naglakad papanik sa hagdan.

Kagabi ay dito sa bahay ng mga Veranda natulog ang kanyang kapatid na si Zienna, humingi daw ng tulong si Xein na magimpake ng mga gamit at hindi ito kayang tanggihan ng kanyang kapatid. Nang sabihin ni Zeig ang desisyon ni Don Antonio sa kanyang Mama at kay Zienna ay excited ang nakababata nyang kapatid. Pero may pagaalinlangan sa mukha ng kanyang ina. Alam nito ang ugali ng nagiisang anak ng mga Veranda kahit na gusto ng Mama nya si Xein dahil mabait naman daw ito at magalang, pero kabisado ng Mama nya ang taglay na kasutilan ni Xein at hindi lihim sa kanyang ina na para silang mga aso't pusa ni Xein.

"Paano kayong titira sa isang bubong eh mortal kayong magkaaway ni Xein?" natatandaan nyang sabi ng kanyang Mama.

"Huwag po kayong mag-alala 'Ma at kayang-kaya ko po ang prinsesa ng mga Veranda." Yun ang sagot ni Zeig sa ina para huwag na itong mag-alala.

Pero alam ni Zeig na hindi kumbinsido ang kanyang ina, hindi nawala ang agam-agam sa mukha ng biyudang Hernalde hanggang sa matapos ang kanilang hapunan.

Pagpasok sa kwarto ni Xein ay ganon na lang ang pagkabigla ng binatang si Zeig Hernalde.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now