This is Crazy (part 3)

3.1K 93 6
                                    

i would like to dedicate this chapter to the following, thanks for being patient sa napakaaaaa-bagal na update.

HeavenChaliceLove acasiovengie, angelrj, pazzoide03, Mymy1786, tresita, samjoy123


******

Lupaypay ang dalawang balikat ni Zeig nang tumingin sa ina, impit namang napa-hagikgik si Zienna. Alam ng dalaga na katulad nya ay ramdam na din ng kanilang Mama na hindi malabong ma-inlove ang Kuya nya kay Xein at obvious na sa kanilang attracted na si Zeig sa prinsesa ni Don Antonio.

At alam din ni Zienna na nahahalata na ng kanilang Mama ang ka-weirduhan ng Kuya nya pati na ang mga weird na kilos at statement ito. Umamin man o mag-deny sa kanya at sa kanilang Mama ang gwapo nyang Kuya sa kakaibang attraction nito sa kinakapatid nya ay buking na nila ito.

Naiiling naman ulit si Zeig, bukod sa buking na sya ng ina at kapatid na may kakaibang damdamin syang nabubuhay para kay Xein at alam na ng mga ito na front na lang nya ang inisin at mainis sa dalaga. Nailing sya sa idea na tama si Zienna, if ever, it will look like he take advantage of the situation at patay sya kay Don Antonio. Isa pa ay ang kinakapatid nyang si Brent ang kanyang magiging karibal pag nagkataon.

Nailing na namang muli si Zeig, at talagang naiisip na nyang karibal si Brent. Mag-kasing-edad sila ni Brent Escobar, pero maliban sa mga pagtitipon at salo-salo ng kanilang pamilya ay hindi sila talagang magkaibigan.

Magka-iba sila nang pinapasukang eskwelahan nuon ni Brent, naka-exclusive school for boys ito na sya rin sanang gusto ng kanyang Papa na si Don Gerardo na pasukan nya nuong sya ay nasa Elementary at High school ngunit mas gusto ni Zeig na makasalamuha ang opposite sex. Bukod sa taglay na chick boy itong si Zeig ay parang weird ang dating sa kanya ng exclusive schools for boys.

Nang mag-kolehiyo ay sabay sila ni Brent na pinapunta ng kanilang mga Papa sa States para magtapos ng Harvard Business. Nung una ay magkasama sila sa kwartong laan para sa mga estudyante ng Harvard. Pero iba ang trip ni Zeig kay Brent, parehas silang mayaman pero yung tipo ni Brent ang kina-career ang pagiging mayaman.

Sa kilos, pananalita at ugali ay mahahalata mo o ipinahahalata nito ang pagiging alta-sosyedad. Although Zeig act and speak properly pero hindi sa lahat nang panahon at pagkakataon. Depende sa mga kaharap at kausap, Zeig enjoyed the company of middle-class student rather than the rich and famous. Ang totoo ay pumasok pa syang bar tender sa isang club na malapit sa kanilang paaralan.

Isa sa mga pinag-diskusyunan nila ni Brent nuon. "Bakit ba kaylangan mo pang pumasok na bar tender, naghihirap na ba ang mga Hernalde para kailanganin mong maghanap-buhay dito sa States?" natatandaan ni Zeig na medyo insulting ang dating nang pagtatanong ni Brent nuon sa kanya.

Pero hindi nakipagtalo ang binata ng mga Hernalde sa nag-iisang anak ng mga Escobar, bukod sa kinakapatid nya si Brent ay malaki ang respeto ni Zeig sa mag-asawang Pepito at Martha, isa pa ay pinalaki sya at ang kanyang kapatid na si Zienna ng kanilang Mama na kahit na nga may gintong kutsara sa mga labi ay dapat silang manatiling maging down to earth. At huwag i-career ang pagiging anak mayaman.

"I just want to experience life, Brent." Iyon ang sagot ni Zeig sa kinakapatid.

"What life, serving drinks with a cheap pay?" Brent scoffs.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now