Difficult (part 4)

2.3K 81 16
                                    

******

Hello angels, RemahEbajay Mymy1786   Phantomladydeege   Maryannh   angelrj   NelsonGarcia294   WennieManticayan

Maraming-maraming Slamat po sa lahat ng support sa story nila Zeig at Xein. thank you din sa patience ninyo. I am hoping this worth your wait thus the nexr chapter.

Thank you po ulit! ;)

Now with the chapter:


******

Dahil late nang nakarating sa pabrika ay late na ring natapos ang kanilang tour. Hindi na nag-hapunan pa sina Zeig at Xein dahil nag-hahabol sila ng oras. Sayang ang minutong uubusin sa pagkain ng hapunan.

Mag-aalas-nueve na nang gabi nang baybayin nila ang daan pauwi sa condo ni Zeig. Duon na ang tuloy nila dahil wala na rin namang tao sa opisina. Bukas na lang gagawa nang report si Xein tungkol sa tour nila sa pabrika.

"Hindi ba tayo kakain?" tanong ni Xein.

"Sa bahay na lang." mabilis na sagot ni Zeig.

"Eh, wala namang lutong pagkain sa condo mo, magluluto pa tayo anong oras na?" reklamo naman ni Xein.

"I need to send you home, may lakad pa ako." Sagot naman ni Zeig.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ulit ni Xein.

"None of your business," sagot naman ni Zeig.

Pagkatapos ay parehas na silang nanahimik. Xein is wondering kung ano ang lakad ni Zeig, habang si Zeig naman ay okupado ang isip sa kung ano ang mangyayari sa pag-gi-girl hunting nya mamaya. It's been a while at excited na syang mai-uwi si Xein, diniinan ng binata ang pedal ng kotse kaya mas bumilis ang takbo ng sasakyan. Halata ang pagmamadali sa binata.

Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Xein nang maramdaman ang bumilis na pagpapatakbo ni Zeig. 'may date ba?' tanong sa isip ng dalaga.

"Hindi ka ba nagugutom?" biglang tanong ulit ni Xein, simpleng paraan para malaman nya kung may date ba si Zeig, depende sa magiging sagot nito.

"I'm fine." Sigurado ang sagot ni Zeig.

Sumimangot lang si Xein, okupado naman si Zeig sa pagmamaneho. Ilang saglit pa ay nagtanung ulit si Xein.

"Are you sure you're not hungry?" nilingon ni Xein si Zeig, seryosong-seryoso ito sa pagmamaneho.

"I'm fine!" mabilis na sagot ulit ni Zeig, ang totoo ay nagugutom na sya dahil hindi sya nag-lunch kanina. Pero kaya nyang tiisin ang gutom, mamaya lang ay hindi lang sa pagkain sya mabubusog. Bahagyang ngumiti si Zeig sa tinatakbo ng kanyang isip sabay nang mabilis na sulyap sa kanyang pagkalalaki.

Nagtataka naman si Xein sa ikinikilos ni Zeig, bago pa sya makapagtanung ulit para mangulit ay narinig nyang kumulo ang tyan ni Zeig.

"Hindi ka gutom ha?" nang-aasar na sabi ni Xein.

Hindi naman umimik si Zeig, seryoso pa rin sya sa pagmamaneho nang kumulo na naman ang kanyang tyan. This time ay mas malakas ang ugong na nagsisimua sa kanyang sikmura kaysa kanina.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now