Difficult (part 3)

2.5K 76 16
                                    

Ten days of waiting, finally I manage to update. Why it took me another 10 days to update? I had to take care of my other on-going works as well, ilang buwan na rin po silang di na-update at sa 7 on-going ko po eh dalawa lang yung na-update ko, ganun po ako kabagal ngayon. Pasensya na po at ganid sa pag-published ng mga stories. You might think na hindi ko naman pala kaya bakit nag-published ako ng 7 on-going? I know, my fault, I'm sorry for that. Hindi ko naman po kasi akalaing mawawala yung aking enthusiasm sa pagsusulat. Dati po eh kahit ilang on-going yan araw-araw may update. May schedule ako which story to update for a day at wala pong sablay yun. Now, things are different, thus, my writing. Hindi na rin po ako katulad ng dati na sinusunod yung drafts na ginawa ko for a story. Like this one for example. Like I said, I write as I go po. At madalas po eh wala yung sanib ni A.H. Augstus sa akin. Hindi po ako makapasok sa mundo ng aking alter ego at nananatili ako sa mundo ng reyalidad. Mahirap pong explain, pero kung nagsusulat po kayo ay maunawaan ninyo ako. Mahirap pong ipilit, nawawala po yung haplos. Kaya naman  mabagal ang update at humihingi po ulit ako ng pasensya sa inyo at kaunti pang tyaga. Love y'all. :)


"It's quarter past two," galit na sabi ni Zeig kay Xein nang makita nyang ito ang nagbukas ng pintuan. Kunot na kunot ang noo ni Zeig at hindi kayang ipinta kahit nang namayapang Filipino painter na si Amorsolo ang pagmumukha ng binata.

Naka-upo sa kanyang lamesa si Zeig sa loob ng kaniyang private office kung saan ay kasama nyang umookupa ngayon si Xein habang tini-train nya ito. Kaninang bago mag-ala-una ng hapon ay gumayak na sya para pag dumating si Xein mula sa lunch nitong kasama ang kinakapatid nyang si Brent Escobar ay naka-ready na sya at aalis na lang sila papunta sa pabrika ng Gerardo's.

Pero pasado ala-una na ay wala pa rin si Xein, sinubukan nyang tawagan ito pero naka-patay ang cellphone ng dalaga. Gusto nya sanang tawagan si Brent kaso ay naisip nyang parang magmumukhang tsini-check nya ang mga ito kung nasaan na.

Quarter to two ay mas mainit na sa normal na init ang ulo ni Zeig, mas mainit kaysa kaninang nakita nya si Brent at nalamang mag-la-luch ito kasama si Xein, nadoble pa ang init ng ulo nya nang pasado ala-una na ay wala pa rin ang dalaga. I-dagdag pa ang 'cannot be reach' na cellphone nito at ngayon ngang mag-aalas-dos na ay triple na ang init ng ulo ng binata.

Ibinaling ni Zeig ang atensyon sa mga papeles ng Gerardo's, nung una ay hindi sya makapag-concentrate at ang katotohanang wala pa rin si Xein at ang isiping baka hindi lang lunch ang ginawa nito at ni Brent ay nagpapagulo sa kanyang isipan. Pero wala naman syang magagawa, mag-muryot man sya ay hindi rin nya malalaman kung asan ito at kung ano ba ang ginagawa nito habang kasama ang kanyang kinakapatid dahil nga sa hindi nya makontak ang cellphone ng dalaga.

Bago pa sya tuluyang ma-engrossed sa mga papeles ng opisina ay bumungad na si Xein sa pintuan ng kanilang private office. Nuong una ay pormal lamang ang mukha ni Zeig, pero nang tingnan nya ang oras sa kanyang relos ay kunot noo na nyang sinabing 'it's quarter past two.'

"I'm sorry," hindi sincere na hinging paumanhin ni Xein at dire-diretsong lumakad sa kanyang lamesa. "Hindi namin namalayan ni Brent ang oras," nakangiting sabi pa ni Xein habang naka-tingin sa kunot-noong si Zeig. "Kung hindi pa sya tinawagan ng kanyang Secretary malamang ay baka hindi na ako nakabalik---ay mali, baka hindi na kami parehas nakabalik sa trabaho ni Brent." Mas niluwangan pa ni Xein ang pagkaka-ngiti nang sabihin nya ang huling pangungusap.

"Alam mo palang may trabaho ka, bakit hindi ka bumalik sa tamang oras ng opisina?" galit na sabi ni Zeig. Tumayo sya mula sa kinauupuan at nagpatuloy na nagsalita. "At alam mo ring may appointment tayo nang ala-una. Isang oras ang byahe mula rito hanggang pabrika, anong oras pa tayo makakarating dun? At anong oras pa tayo makakayari sa tour? Needless to say...gagabihin na tayo nang uwi.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now