You're Kidding, Right?

4.4K 133 29
                                    


Myra1493 salamat sa new cover anak.


******

Hindi makapaniwala si Zeig sa dami ng balikbayan boxes na nakikita ng kanyang mga mata. Siguro ay humigit kumulang isang dosena na ang naka-zealed na box at naglalagay pa ulit ng gamit ang kapatid nyang si Zienna sa panibago na namang kahon habang si Xein ay isa-isang pinipili ang nagkalat na blusa at pantalon sa ibabaw ng kama.

"Kuya!" nakangiting sabi ni Zienna kay Zeig, tumayo ang dalaga para salubungin nang yakap ang kanyang Kuya.

"What are those?" bulong ni Zeig sa tenga ng nakakabatang kapatid na ang tinutukoy ay maraming boxes na nakahilera ng wala sa ayos.

Bumitaw si Zienna sa pagkakayakap sa kanyang Kuya at nakangiting itinuro ang mga kahon "Those are Xein things!" kumindat pa sa kanya ang kapatid pagkatapos ay bumalik na ito sa pwesto nya kanina. Tumulong na ulit si Yaya Badette sa pagiimpake.

Nakatingin pa rin si Zeig sa hilera ng mga kahon habang dahan-dahang naglalakad papasok sa loob ng kwarto ni Xein. Naiilang na ngumiti and gwapong binata at hinarap ang spoiled brat na prinsesa ng mga Veranda.

"Ano yang mga boxes na yan?" nanatili ang ilang na ngiti sa labi ng gwapong binata habang nagtatanong kay Xein.

"My stuff!" hindi tumingin si Xein kay Zeig nang sumagot. Lumakad ang dalaga papunta sa kanyang walk-in dresser.

Mabilis na sumunod si Zeig sa dalaga, tuliro ang isip ng binata habang iginagala ang paningin sa loob ng walk-in dresser. Parang hindi nabawasan ang mga gamit ni Xein sa loob ng dresser considering the number of sealed boxes outside her walk-in closet. Naiiling na humugot nang malalim na hininga si Zeig, nang pukulin ng kanyang tanaw si Xein ay puno na ang braso ng dalaga sa dami ng evening gowns na napili nito at patuloy pa itong namimili.

"What are those?" litong tanong ni Zeig kay Xein.

Ibinaling ni Xein ang tingin kay Zeig sabay sabing "Gowns...evening dresses!" Tapos ay umirap ang dalaga at nagpatuloy sa pamimili.

"I know that those are gowns and evening dresses!" kumukumpas pa ang isang kamay ni Zeig habang nagsasalita "What I meant was...why are you bringing those dresses?"

"Because I might need one at wala akong perang pambili dahil ang sabi ng Papa ay hindi nya pa rin ibabalik ang allowance ko until I'm through with this punishment." Padabog na lumakad si Xein palabas ng kanyang walk-in cabinet sinadya pa nyang tabigin ang binatang si Zeig nang madaanan nya ito.

Kunot noong inilagay ni Zeig ang dalawang kamay sa kanyang bewang at naiinis na sinundan ng tingin si Xein. Pagkatapos ibaba ng dalaga ang mga napiling gowns ay bahagyang nag-isip ang dalaga, inilagay pa ni Xein ang isang daliri sa kanyang labi at tumingin sa ceiling ng sariling silid habang nag-iisip. Then suddenly Xein snaps her fingers.

"I need dinner clothing." Masiglang sabi ni Xein at mabilis na tinungong muli ang kanyang walk-in cabinet. Lumihis na si Zeig nang makitang tatabigin na naman syang muli ng dalaga.

Napuno na naman ulit ang isang braso ni Xein habang namimili ng mga damit na pwedeng isuot para sa isang formal at semi-formal na dinner. Hindi na nakatiis si Zeig at mabilis na inawat ang dalaga.

"You don't need that!" inagaw ni Zeig ang damit na napili ni Xein sa hangeran at ibinalik ang damit sa pagkaka-hanger, pagkatapos ay kinuha ng binata ang iba pang damit na nakasampay sa isang braso ni Xein at padarag na ibinalik ang mga iyon sa hangeran. Nang maubos ang damit ay mabilis na lumakad si Zeig papunta sa kama at kinuha ang lahat ng gowns na napili ni Xein kanina. "You don't need these either!" nanglalaki ang mga mata ni Zeig nang magsalita, pagkatapos ay dinala nya ang mga gowns sa walk-in dresser at pasalyang inilagay ang mga gowns sa loob ng cabinet.

"What do you think you're doing?" galit na sabi ni Zein, tinabig nya si Zeig at isa-isang pinulot ang kanyang mga gowns. "Do you know how much this thing worth?" mulagat din ang mga mata ni Xein ng magsalita at idinuldol sa mukha ni Zeig ang isang kulay brown na gown.

"I don't care!" pagalit na hinila ni Zeig ang brown na gown at muling ibinalibag ang damit sa loob ng cabinet. "Like I said you don't need those!"

"Of course I need this!" galit na kinuhang muli ni Xein ang brown na gown "Pa'no kung kinakailangan kong mag-judge sa isang beauty pageant or kailangan kong umattend ng party, ano isusuot ko aber?" muling minulagatan ni Xein ang binatang Hernalde.

Nagpakawala ng nang-aasar na ngiti si Zeig, muli nyang inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang at nailing na nagsalita "You are not going to judge anything and you are not going to any party." Nagbabanta ang tingin ni Zeig nang tumingin kay Xein.

"Excuse me, Mr. Butler!" nangaasar din ang pinakawalang ngiti ni Xein "Your job is to teach me how to run a company, it's not your place to decide what I do or where I go. That's above your pay grade Butler!" Umirap muli si Xein sa binata at isa-isa nyang pinulot ang nakasalyang gowns sa loob ng cabinet.

Parang nauubusan nang pasensyang lumabas ng kwarto si Zeig, hinabol naman sya ng kapatid na si Zienna. Mabilis ang naging paghakbang ni Zeig at nasa unang baitang na ng hagdan ang kanyang Kuya ng abutan ni Zienna.

"Kuya...san ka pupunta?" nagmamakaawa ang boses ni Zienna.

"Ayoko na!" iminulagat na muli ni Zeig ang kanyang mga mata "Isasauli ko na lang ang perang binigay ni Tito Antonio, mas gugustuhin ko pang masira na lang ang pangalan ng Papa kesa ang makasama ang maldita mong kinakapatid." naiinis na sabi ni Zeig kay Zienna.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now