This is Crazy (part 2)

3.5K 89 8
                                    


Nagpakawala ulit ng isang malalim na buntong-hininga si Zeig nang wala na si Zienna sa kanyang tabi. Tinuyo nya ng kitchen towell ang basang lababo pagkatapos ay pinunasan nya ang mga kamay. His mind is occupied with what Zienna said at aminin man nya o hindi, Xein is really starting to attracts him. And her sister is right, if he entertain his so called strange feelings towards Xein, patay talaga sya kay Don Antonio.

Galit na inihagis ni Zeig sa laundry basket ang mga kitchen towels, isinandal ng binata ang kanyang katawan sa lababo at isinandig ang magkabila nyang palad sa gilid ng tiles.

'I shouldn't keep my guard down against Xein,' sabi nya sa kanyang isip. Nilingon nya ang dalaga, masigla pa rin itong nagku-kwento sa kanyang Mama na ngayon ay kasama na ang kapatid nyang si Zienna. Pinakinggan ng binata ang sinasabi ni Xein at narinig nyang ang huling eskwelahang pinasukan nito ang topic. Kung ano ang dahilan at nakipag-away na naman ang prinsesa ng mga Veranda.

"Alam ko naman Tita na mali po ako na pagsabihan ng whore yung classmate ko---"pinutol ng kapatid nyang si Zienna ang pagsasalita ni Xein "Excuse me, you told me everything and I remember may kasamang 'F' word yung whore." Nakangiti si Zienna.

"Oh dear," sabi naman ni Donya Patricia sabay lagay pa ng kanyang kanang palad sa dibdib. Halata ang disappointment sa mukha ng kanilang Mama pero ang ipinagtataka ni Zeig ay kung bakit parang may sympathy sa mukha ng kanyang Mama para kay Xein.

"I know Tita," pagpapatuloy ni Xein. "I was really rude and I am acting like I am not a daughter of Antonio Veranda---"

"You're acting like isa kang butangera at walang breeding." Putol ulit ni Zienna sa kinakapatid.

"But you did that and you said those harsh words para ipagtanggol ang Papa mo, right?" sabi naman ni Donya Patricia.

"Yes po," nakayukong sagot naman ni Xein. Pinagsalikop ng dalaga ang kanyang mga palad at sabay na iginalaw ang magkabila nyang hinlalaki in a circular motion. "Pero hindi naman alam yun ng Papa, ang alam nya lang basta ako nakipag-away." May lungkot sa tinig ni Xein.

"Hindi mo ba sinabi kay Kumpadre na sya ang dahilan?" hinagod ni Donya Patricia ang likod ni Xein. "Hindi mo ba sinabi sa Papa mo na kaya ka nakipag-away dahil ininsulto nung kaklase mo ang iyong Papa?"

"Sinabi ko po yata?" hindi siguradong sagot ni Xein kay Donya Patricia.

"Oh, eh, anong sabi ni Kumpadre?" tanong ni Donya Patricia halata ang kuryosidad mula dito.

"Sabi po ng Papa, eh totoo naman daw po na ginamit nya ang influence nya sa school. Tama naman daw yung classmate ko." Pinilit ngumiti ni Xein pero halata ang pagdaramdam sa tinig ng dalaga.

Nakaramdam naman nang awa si Zeig kay Xein, madalas itong ipagtanggol sa kanya ng kapatid nyang si Zienna at alam nya ang lahat ng kwento kung bakit nakikipag-away si Xein. Pero ngayong narinig nya mismo sa bibig ng dalaga ang pagtatanggol sa ama nito ay hindi maiwasan ni Zeig na hangaan ang loyalty nito kay Don Antonio regardless of the consequences.

"Maski na!" nang magsalita si Donya Patricia ay pinalis ni Zeig ang nararamdamang awa kay Xein. "Walang karapatang insultuhin ng kaklase mo ang Papa mo." Hinawakan ng Donya ang kamay ni Xein, "hindi mo kasalan na maimpluwensyang tao ang Papa mo hija. At kung ako ang tatanungin mo, tama lang na ipinagtanggol mo si Kumpadre." Nagpakawala pa si Donya Patricia nang comforting smile kay Xein na ikinasiya naman ni Zeig. Mukha nga yatang gusto nga talaga ng kanilang Mama si Xein.

"Tama ba Mama?" biglang sabi ni Zienna, "kunsintihin ba ang kinakapatid ko," Natatawang dugtong pa ng dalaga.

"Hindi ko kinukunsinti ang kinakapatid mo." Pinalis ni donya Patricia ang kanyang comforting smile at binigyan nang warning look ang anak na dalaga. "Pabor ako na ipinagtanggol nya ang kanyang Papa, ang hindi lang ako pabor---" hinarap muli ni Donya Patricia si Xein, "Bakit naman sinabi mo pa yung F whore?"

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon