Crazier (part 2)

2.6K 75 25
                                    

Crazier (part 2)

Pabiling-biling sa higaan si Xein, nanduong yakapin nya ang malaking unan sa kanyang tagiliran at maya-maya ay ibabaling naman nya ang katawan sa kabila at yayakapin muli ang isa pang unan.

Kapagkuwan naman ay titihaya sya at itatakip ang isang unan sa kanyang mga mata, ngunit ilang sandali lang ay gagalaw na naman sya at uulitin lang ang kanyang kilos.

Naiinis na sinipat ni Xein ang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Luminous ang numero ng alarm clock kaya kahit na patay ang ilaw sa kanyang silid na inookupa ay kitang-kita nyang pasado alas-tres na ng madaling-araw.

Hindi pa rin sya dalawin ng antok, pagdating kanina ay diretso sya sa banyo. She took a quick hot shower at pagkatapos na linisin ang mukha ng Eskinol at magpahid ng lotion ay nahiga na ang dalaga sa kanyang kama.

Totoong medyo pagod ang kanyang katawan at plano nya talagang matulog na. Considering the time, pasado ala-una kanina nang mahiga sya ay sigurado ng makakatulog sya.

Pero abala ang sariling isip nya, simula nang bumaba sya sa kotse ni Zeig, hanggang nang pumasok sya sa building papunta sa elevator, papanik sa unit ni Zeig ay ang binata ang laman ng kanyang isip.

Hanggang sa loob ng shower, habang nagpapahid ng Eskinol at lotion at hanggang sa makahiga na sya at nang i-off na nya ang kanyang bed side table lamp ay si Zeig pa rin ang laman ng kanyang isip.

At aaminin nyang si Zeig din ang dahilan kung bakit kahit pasado alas-tres na nang madaling-araw ay hindi pa rin sya dalawin ng antok kahit na nga pagod ang kanyang katawang lupa.

'Asan na kaya yung mokong na yun?' tanong sa sarili ni Xein. She continues to convince herself na kaya hindi sya makatulog ay dahil hindi pa nakakauwi si Zeig. And she's trying to convince herself na worried lang sya sa binata dahil baka kung napaano na ito pero hindi nakatulong ang pangungumbinsi ng dalaga sa sarili na worried lang sya dahil kasunod ng pagiging worried ay ang tanong na 'bakit ka naman worried?'

Naiinis na sinindihan ni Xein ang kanyang bedside lamp, pagkatapos ay bumangon sya at isinandal ang likod sa mga unang pinagpatong-patong nya sa headboard ng kama.

Tiningnan ulit ni Xein ang alarm clock, nadagdagan lamang ng ilang minuto simula kaninang huling tingan nya ito at wala pa rin si Zeig. At ito pa rin ang laman ng kanyang isipan, 'worried my ass,' inismiran ni Xein ang sarili. Pagkatapos ay ang pag-gana nang malikot na imahinasyon ni Xein.

Si Zeig kasama ang isang maganda at napaka-sexy na babae, una ay ang maalab na paghahalikan ng dalawa, habang iginigiya ng babae si Zeig sa isang silid. Sa isip ni Xein ay malandi pang humahagikgik ang babae habang ang mga kamay ni Zeig ay naglilikot sa buong katawan nito.

Tapos ay ang eksenang sabay na mabubuwal sa kama si Zeig at ang kung sinumang hinayupak na malanding babaeng kasama nito ngayon. Ang isa-isang paghuhubad ng mga suot ng mga ito, ang maiinit at marubdob na yakap, halik at haplos, kasabay ng impit na ungol. Bago pa dumating sa climax nang imagination si Xein ay mabilis nyang pinapalis ang lahat sa isip. And then, another cycle of the same thought.

Kung nakahiga sya ngayon ay malamang na gagalaw sya para ibahin ang pwesto, na parang sa pagbiling nya sa kama ay mapapalis ang lahat nang iniisip nya pero kapag payapa na sya ulit sa panibagong pwesto ay repeat cycle na naman ang malikot nyang imahinasyon.

Kaya hindi sya makatulog, at ngayon nga, heto naka-upo na sya sa kama, mulat na mulat ang dalawa nyang mata pero nai-imagine pa rin nya si Zeig at ang ginagawa nito sa kung sino man ang kasama nito ngayon.

Galit na inalis ni Xein ang kumot na nakabalot mula sa kanyang bewang hanggang paa. Mabilis syang tumayo mula sa kama at dumiretso sa kusina. Habang humahakbang patungo sa refrigerator para kumuha ng tubig ay muli na namang naglaro ang malikot na imahinasyon ni Xein. Eksenang Zeig kasama ang isang maganda at seksing babae. 'maganda, sexy at malanding babae.' Pagtatama ni Xein sa isip at padarag na kinuha ang pitsel sa ref at nakasimangot na kumuha ng baso at sinalinan iyon ng puno at isang tungga nyang inubos ang laman ng baso. Pagkatapos ay nagsalin syang muli ng isa pa bago ibinalik sa ref ang pitsel ng tubig.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ