How to make her follow (part 5)

3.5K 104 17
                                    


Huli na para bawiin pa ni Zeig ang kanyang kamay, nahablot na nya ang twalyang nakatapis sa hubad na katawan ni Xein. Para namang na-estatwa ang dalaga at awtomatikong iniyakap nya ang dalawang braso sa kanyang hubad na dibdib.

Naka-panty si Xein ngunit para na rin syang naka-hubo dahil T-back ang style ng kulay pula nyang bikini. Nakatalikod ang dalaga kay Zeig ngunit ramdam na ramdam ni Xein ang kahihiyan. Kahit nakatalikod ay naka-expose ang kanyang buong katawan. Not to mention her butt na naka-expose sa T-back nyang salawal.

Xein can't move her body, para syang na-freeze at damang-dama nya ang init na bumabalot sa kanyang mukha. Sigurado si Xein na namumula na sya dahil sa kahihiyan. Gusto nyang humakbang ngunit hindi maigalaw ng dalaga ang kanyang mga paa. Yumuko na lamang si Xein, sa ganuong paraan ay baka maitago pa nya ang pagka-pahiya.

Samantala si Zeig, naka-awang nang bahagya ang kanyang mga labi at mulagat ang kanyang mga mata. Nanatiling naka-hakbang ang isa nyang paa at nakataas ang kanan nyang kamay na may hawak ng twalyang nahablot nya mula kay Xein.

Nang makita nya ang pag-yuko ni Xein ay nakabawi si Zeig sa pagka-shock sa kanyang ginawa. Napalitan nang pagkapahiya ang galit na lumulukob sa kanya kanina. Hindi maapuhap ni Zeig ang tinig para magsalita.

Napalunok si Zeig nang tumama ang paningin nya sa hubad na likod ni Xein. Napaka-ganda ng hubog ng katawan nito, kurbada ang bewang nito at ang balakang gayon din ang pang-upo nito na matay mang i-ignore ni Zeig ay hindi nya kaya dahil napaka-seksi ng dalaga sa kulay pulang T-back nito.

Naramdaman ni Zeig ang kakaibang init, ang pagalsa ng kanyang kaharian. Isang tikhim ang ginawa ni Zeig para kalmahin ang sarili. Nang gumalaw ang ulo ni Xein mula sa pagkakatungo ay mabilis na ibinalot ni Zeig ang twalyang hawak para ibalot sa hubad na katawan ng dalaga.

"I'm sorry," mahinang bulong ni Zeig sa tenga ni Xein.

Hindi naman sumagot si Xein, mabilis nyang inihakbang ang mga paa pabalik sa kanyang silid habang kapit nang dalawa nyang kamay ang twalyang ibinalot ni Zeig. Pabalagbag nyang isinara ang pintuan ng kanyang silid, samantala si Zeig ay parang nanghihinang napa-upo sa basang-basang couch sa sala ng kanyang condo.

Ilang minuto ang lumipas na nasa ganuong posisyon si Zeig, lito ang kanyang isip. Ang hubad na magandang hubog ng katawan ni Xein at ang naglalawa nyang unit ay papalit-palit na nagsasalimbayan sa kanyang isip.

Nang lumabas si Xein mula sa inookupa nyang silid ay mabilis na napatayo si Zeig, nakabihis na ang dalaga, at hindi lang basta nakabihis ito. Maaring prinsesa si Xein ni Don Antonio at pangkaraniwan na lamang ang pustura nito ngayon pero nasisiguro ni Zeig na hindi pambahay ang ayos ng dalaga.

"Are you going somewhere?" alanganing tanong ni Zeig.

"I am hungry and I was humiliated!" mataray na sagot ni Xein, hindi naman nakaimik si Zeig. Iniiwas nya ang tingin sa dalaga. "I'm going home!" matigas na sabi ni Xein at humakbang na papunta sa main door.

Maagap na namang muling nahablot ni Zeig ang prinsesa ni Don Antonio, but this time ay ang kaliwang braso ni Xein ang nahawakan nya. Mabilis namang binawi ni Xein ang kanyang braso at padarag na binuksan ang pinto ngunit talagang maagap si Zeig, bago pa makalabas si Xein ay naisara na ulit ng binata ang pintuan.

"What are you doing?" naniningkit ang mga mata ni Xein na hinarap ang gwapong binata ng mga Hernalde.

"What are you doing!" sagot naman ni Zeig sa baritonong boses, humalukipkip pa si Zeig at intimidating ang tinging ibinigay nya kay Xein.

"I told you I am going home." Mataray pa ring sabi ni Xein, she's determined as she once tried to pull the door knob again.

Pero maagap ulit si Zeig, pasalya nitong isinara ang nabuksang pinto at itinukod ang isa nyang kamay dito. "You are not going anywhere and you are not definitely going home." Firm ang baritonong boses ni Zeig.

"And who are you to tell me what to do?" Hindi nagpa-intimidate si Xein, matalim nyang tiningnan si Zeig at ipinamewang pa nya ang dalawang kamay.

"May I remind you Princess Xein Veranda, na ako..." itinuro ni Zeig ang sarili, "si Zeig Hernalde, kaisa-isa at pinaka-gwapong anak nang namayapang si Don Gerardo Hernalde at nabubuhay pang si Donya Patricia Hernalde kung saan eh namana ko ang aking ka-gwapuhan ay binigyan nang karapatan ng iyong ama na si Don Antonio Veranda na maging amo mo." Humakbang si Zeig para ilapit sana ang mukha nya kay Xein para mas lalo nya itong masilong at hindi napigil ng binata ang mapangiti nang makita ang bahagyang takot sa mataray na mata ng malditang si Xein.

Humakbang paurong si Xein ngunit dalawang hakbang lamang at ang maliit ng built in dining table ang humarang sa kanyang likuran. Lito ang isip na lumingon si Xein para tingnan ang kanyang likuran, iniharang ni Zeig ang dalawa nyang kamay at itinukod sa built in dining table. Naikulong nang matitipunong bisig nya ang litong dalaga ni Don Antonio.

"You are not going anywhere, and may I remind you na ipinagbabawal ni Don Antonio na umuwi ka hangga't hindi natatapos ang tungkulin ko sa'yo, hindi ka maaring umuwi!" Tumitig si Zeig nang diretso sa nalilitong mga mata ni Xein, he smiled with triumph, para namang mapupugto ang hininga ng prinsesa ni Don Antonio.

Zeig eyes have an irresistible impact with her, kung bakit naman kasi naturingang Pilipino si Zeig pero namana nito ang mga mata ng foreigner nitong Lolo. Lalo tuloy naging expressive ang mga nito dahil sa kulay berde nitong mata. Idagdag pa ang matangos na ilong ng binata, ang mga labing akala mo nanunudyo kapag sinusupil nito ang kanyang mga ngiti na binagayan pa ng bigote at balbas na bahagyang tumutubo.

Ano kaya ang pakiramdam kapag sumayad ang mga labi at bigote ng binata sa kanyang punong-tainga. Bahagyang nakaramdam nang kilabot si Xein, kilabot nang pagnanasa at pagnanais na ma-experience ang labi at bigote nito sa kanyang punong-tainga at hindi kilabot nang pandidiri o ano pa man.

Ipinilig ni Xein ang kanyang ulo at ubod lakas nyang itinulak si Zeig, mabilis nyang binuksan ang pintuan at saka sinabing: "Ang Papa ko nga na si Don Antonio Veranda, isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas at hindi uubra ang kagawapuhan mo ay hindi ako napasunod ikaw pa kaya Zeig Hernalde na maliban sa pagiging isang gwapo, matalino at mahusay sa negosyong lalake ay wala nang ano pa mang katangian ang syang makapag-pasunod sa akin. No way, Mr. Butler! Kahit pa kaakit-akit ka!" padabog na humakbang si Xein at tinungo ang elevator, tulala naman si Zeig habang nakatingin sa bukas na pintuan ng kanyang unit.

'Did she just say na gwapo, matalino at mahusay ako sa negosyo?' Zeig scoffs 'Kaakit-akit!' sumilay ang ngiti sa magandang labi ng binata, sabay ng isang mayabang na kibit ng balikat, 'I like that.'

***

Seriously? Lame chapter I know, and I have no idea where do those scenes come from, it was written, I don't know two or three months ago. Mapag-ipon ako ng chapter eh, heh! I have like 5 chaps na nakaipon for this. Kaya lang po hindi ako maisdhi sa update kasi wala pa po akong naisusulat ulit.

Been busy with other things and this story have been here incomplete for quite a long time now. I'm gonna need to finish this. Well, not here, not yet I will finish this on my laptop. I just don't know when I would be able to sit down and write more chaps and end this.

Anyway, thank y'all for being patient, thank you for the support, it's still on the rank, kahit na po medyo matagal na sya pasok pa rin sya sa ranking and it's all because of you. Maraming salamat po.

God bless,

A.H. Augustus.

***


Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن