You're Kidding, right? (part 2)

4.3K 133 32
                                    



"Kuya...nagamit mo na yung binigay na pera ni Ninong Antonio." Humalukipkip si Zienna at binigyan ng warning look ang kanyang Kuya "Paano mo pa ibabalik yun? At saka hindi ako naniniwalang mas gugustuhin mong masira ang pangalan ng Papa, you will do everything to save his name kahit pa nga ang kapalit ay ang makasama ang maldita kong kinakapatid." Pinigil ni Zienna na pakawalan ang isang sutil na ngiti.

Parang naghihinang napaupo sa baitang ng hagdan si Zeig, naiinis pa ring inihilamos ng binata ang dalawang palad sa sariling mukha. Tumabi ng upo si Zienna sa kanyang Kuya at iniabrisyete nya ang isang kamay sa braso ng nakakatandang kapatid.

"Di ba sabi mo kagabi kay Mama kayang-kaya mo ang nag-iisang prinsesa ni Ninong." parang nagre-remind sa isang bata ang tono ng boses Zienna "Ikaw din, nagwo-worry na ang Mama..." iginalaw ni Zienna ang ulo at tumingin sa mukha ng kapatid "Pa'no mo ipapaliwanag sa kanya kung sakali na mawawala na ang negosyong ipinundar ng Papa at tuluyan ng masisira ang pangalan ni Papa dahil hindi mo kayang panindigan ang naging usapan nyo ni Ninong."

"You're not helping little sis!" umirap si Zeig sa nakababatang kapatid.

"Kaya mo yan Kuya!" inihilig ni Zienna ang ulo sa balikat ng kanyang Kuya "Ikaw pa!"

"Baka nakakalimutan mong ang kinakapatid slash bestfriend mong maldita ang involve?" Tumingin si Zeig sa kapatid kahit di naman sya nakikita ni Zein dahil nakahilig pa rin ang ulo ng kapatid na dalaga sa kanyang balikat. "At kahit kelan, kahit kaya ko pang gawin, hindi ko ginawang patulan ang kamalditahan ng babaeng yan! Respeto na rin kay Tito Antonio at syempre sa Papa, not to mention Mama na baka atakihin ng alta presyon kung papatulan ko yang kinakapatid mo."

"Kaya nga!" tumingin si Zienna sa kanyang Kuya nakahilig pa rin ang kanyang ulo sa balikat nito "Three years old pa lang kami ni kinakapatid nang magsimula ang iringan nyo." Inialis ni Zienna ang ulo sa balikat ng kanyang Kuya pero diretso pa rin ang tingin nya dito "Nineteen years ka ng nagtitimpi, ano na lang yung ilang buwang pagtitimpi?"

Iniikot ni Zeig ng sabay ang kanyang eye balls sabay sabing "Sa tigas ng ulo nyang si Xein duda akong ilang buwan lang eh matututo yan." Maasim ang mukhang humarap si Zeig sa nakababatang kapatid "Baka nga abutin pa ng taon bago matuto yang kinakapatid mong...Ewan!" nailing na yumuko si Zeig sabay hugot muli ng isang malalim na buntong hininga.

"E di ang una mong ituro sa kinakapatid ko eh kung paano kang mahalin?" nakangiting sabi ni Zienna.

Bigla ang naging pukol ng tingin ni Zeig sa nakababatang kapatid, kunot ang noong nagtatanong ang kanyang mga mata sa ibig sabihin ni Zienna na turuan si Xein kung paano syang mahalin.

"You mean like...make her... fall in love... with me?" Kandautal na sabi ni Zeig.

Natawa naman si Zienna. "That's not what I meant!" bahagyang minulagatan ng dalaga ang kanyang Kuya kasabay ng mahinang hampas sa matipunong braso ng kapatid "I mean use your charm para mapaamo si Xein, ipakita mo sa kanyang loveable ka at very sweet para hindi na kayo nagiiringang dalawa."

"O di parang ganun na nga rin yun!" lalo nang umasim ang mukha ni Zeig.

Natawa na naman si Zienna "E bakit parang diring-diri ka naman sa idea?" nakangiting tanong ni Zienna sa kanyang Kuya "Alam mo bigla ko lang naisip if ever lang ha!" nanunutil na ang ngiti ni Zienna "Gusto ko ring maging sister in law si maldita." Iginalaw-galaw pa ni Zienna ang dalawang kilay habang sinusutil ang Kuya nya.

"Tigilan mo nga ako oy!" inalis ni Zeig ang pagkakaangkla ng braso ng kapatid sa kanyang braso. "Lubayan mo ako nyang ideyang pumapasok dyan sa isip mo ha!" warning ni Zeig sa mas batang kapatid "There is no way it could happen! NEVER!" umiiling na dagdag pa ni Zeig "mmm,mmm! Over my dead body!"

"Ang yabang mo naman Kuya napakagwapo ba at kung makatanggi?" natatawang sabi ni Zienna.

"Kung sa pagiging gwapo rin lang eh talagang napakagwapo nitong Kuya mo." Mayabang na saad naman ni Zeig.

"Eh napakaganda rin naman ng kinakapatid ko ah, actually now ko lang na-realized bagay na bagay kayo." Nanunutil na naman si Zienna.

"Hindi lang naman basta ganda ang pinaguusapan, kaylangan din ng real essence of a woman at wala nun ang Xein Veranda na yan!" matigas na sabi ni Zeig.

"Define real essence of a woman!" nakapamewang na sabi ni Xein, nakatayo na ito sa likuran nilang magkapatid at kunot na kunot ang noo ng prinsesa ni Don Antonio.


Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon