Training

2.9K 89 16
                                    



Lunes, alas-singko pa lamang nang umaga ay ginising na ni Zeig si Xein, nagreklamo ang dalaga nang makita ang oras at padabog na bumalik ulit sa pagtulog.

Pinatay ni Zeig ang aircon at hinila ang nakatalukbong na comforter kay Xein.

"You need to get up, I will teach you how to cook breakfast then after breakfast ay sasama ka sa akin sa opisina."

"Anong opisina? Kaninong opisina?" nawala ang antok ni Xein.

"Gerardo's Group of Companies," nakangising saad ni Zeig.

"Opisina mo?" itinaas ni Xein ang kaliwang kilay, "Why am I going to your office?"

"Because you are going to work for me, remember?" paala-ala ni Zeig.

Nang ma-alala ni Xein na part of her deal with her father na maging isang ulirang babaeng Pilipina, which she finds really baduy na gagawa nang gawaing bahay ang mga babaeng mayayamang katulad nya. At ang pag-aaral kung paano magpatakbo nang negosyo kung saan ay talagang pangarap nya and she anticipate the fact that she will run his father's venture one day dahil bukod sa nag-iisa syang anak ay sosyal tingnan ang maging amo ng isa sa napakalaking kompanya sa Pilipinas ay biglang na-excite si Xein.

Mabilis syang bumangon sa pagkakahiga, bago pa sya maka-hakbang ay pinigil sya ni Zeig.

"Hep!" awat ng binata sa kanyang paglakad, "ayusin mo muna ang hinigaan mo." Utos ni Zeig sa kanya.

Nakasimangot na inayos ni Xein ang higaan, kinuha nya lang ang comforter at ipinatong iyon sa kama at mga unan, nang matapos ay humakbang na sya papunta sa banyo pero maagap na naman syang nahawakan ni Zeig.

"What?" galit na sabi ni Xein sabay tingin sa kamay ni Zeig na nakahawak sa kanyang braso.

"You didn't arrange your bed well," turo ni Zeig sa kanyang kama, hindi inalis ng binata ang pagkakahawak sa isa nyang braso. "Take that comforter off, arrange the pillows and the sheet then re-arrange that comforter again. Naka-pag-check in ka naman na siguro sa mga five star hotel di ba?"

"I am Xein Margarette Veranda, of course lahat ng sikat na five stars hotel ang pinag-tsi-check in-an ko---Pilipinas at abroad!" Mataray na sagot ni Xein sabay palis ng kamay ni Zeig na nakahawak sa kanyang braso.

Inalis ng dalaga ang naka-patong na comforter sa kanyang kama. Inayos nya ang apat na unan at bininat nya ang sapin ng kama. Pagkatapos ay inilatag nya ang comforter at itiniklop ito hanggang kalahati at isa pa ulit na tiklop ang kanyang ginawa. She does know how to make her bed. Iyon ang isang bagay na itinuro sa kanya ng kanyang Mama bago ito namatay.

"Impressed?" nang-iinis na sabi ni Xein kay Zeig nang makitang titig na titig sa kanya ang binata. Nang ma-realized na hindi naman sa kanya kundi sa dibdid nyang walang suot na bra nakatutok ang mga mata ni Zeig ay biglang naalarma si Xein.

Low cut ang suot nyang puting nighties, hanggang kalahati ng kanyang hita ang haba ng lace na fabric na suot at kung yuyuko sya ay tyak na mababantad ang kanyang dibdib. Mabilis na naiyakap ni Xein ang dalawang braso sa kanyang harapan, there is nothing to be ashamed of her breasts dahil tayong-tayo iyon pero the fact that Zeig Gerard Hernalde enjoyed the view at parang hinayaan nya ito ay hindi maiwasang mapahiya ni Xein.

This is his second time na pag-piyestahan ng mga mata ni Zeig ang kanyang asset. At hindi na mapapalampas pa iyon dalaga.

"Are you a pervert?" galit na sabi nya kay Zeig.

"I'm sorry, I didn't mean to---"

"You didn't mean to take advantage of the situation?" putol ni Xein sa paliwanag ni Zeig, "as a gentleman you should avoid my . . ." hindi mabigkas ng dalaga ang salitang 'breasts' kaya sa halip ay sinabi nyang; "you should avoid the scenery or at least have the decency to tell me."

"Have the decency to tell you that you exposed your breasts?" amused na sagot ni Zeig, "Are you serious?" he scoffs, "You are speaking of decency and yet you continue to make yourself indecent in front of me." Umahon ang inis sa binata.

"May I remind you that the first accident we encountered was your fault Mr. Zeig Gerard Hernalde." Galit na sagot ni Xein na ang tinutukoy ay ang aksidenteng pagkaka-hablot ng nakatapis nyang twalya.

"You shouldn't have gone out nang naka-tapis lang ng twalya." Galit na ring sagot ni Zeig, "and you shouldn't sleep wearing that---thing." Sexy lingerie sana ang sasabihin ni Zeig pero inawat nya ang sarili, "ka-babae mong tao burara kang masyado." Mabilis na lumakad si Zeig papunta sa pintuan ng silid. "Make yourself decent and follow me to the kitchen." Hindi tumitingin na utos ni Zeig kay Xein at mabilis na syang lumabas ng silid.

******

Lame update, I know. Pagpasensyahan nyo na po at nung isulat koi to eh wala sa hinagap ang inyong lingkod. Relevant naman po sya sa kwneto kaya hindi ko matanggal. Isa pa po eh medyo mahirap din ang mag-isip.

Training chapter are consists of five parts. Starting today po ay araw-araw na akong mag-update, hanngang matapos ang limang part ng chapters na ito. Unless my internet fail me to connect or may hindi inaasahang pagkaka-busy-han.

But I will try my very best to update every day to complete those chapters para naman po hindi kayo mabitin, besides you've waited long enough naman na po. You all deserve an everyday update. Pero dito lang po sa "training chapters". He-he.

I do really appreciate all my readers' po, lahat-lahat po kayong nagababasa ng kwentong ito. How you guys have been very patient sa napaka-kupad na update. Your undying support kahit na nga hindi sigurado kung kelan ba ulit ang susunod na update ay nanatili kayong andyan at naghihintay.

Request ko lang po sana, mag-ingay naman kayo kahit kaunti lang. very slight na reaction po would mean a lot to me. I love to hear from you guys, I wanna know your reactions, feelings, everything po. Sana naman eh may sipagin sa inyong magsalita sa comment section. Lol.

But if you wanna remain quiet, then I will respect that po, just to continue reading and voting also means a lot to me. Pero mas maganda po sana kung may interaction tayo. Hindi na po ako masyadong busy kaya masasagot ko na po kayo.

Maraming Salamat po,

A.H. Augustus

******

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now