Stop Fighting

2.5K 86 37
                                    


Isang taon ang matuling lumipas, pagkatapos mag-usap nila Zeig at Xein sa telepono ay wala nang namagitan pa sa kanila maliban sa katotohanang iisang pamilya sila regardless of whatever happened between them.

Bumalik ang magandang relasyon nila Xein at kinakapatid na si Zienna, samantalang sina Brent at Zeig naman ay mas yumabong pa ang kanilang samahan. Kasa-kasama na nina Ross at Zeig sa paglabas-labas si Brent. Masasabing mas solid nang magkaibigan at magkinakapatid sina Brent at Zeig ngayon kaysa dati.

At ang tatlong pamilya ay nanatiling iisang pamilya, katulad nang mga bata sina Zeig, Xein, Brent at Zienna. Patuloy ang dinner parties or week end barbeque depende kung sa mansyon ba ng mga Hernalde, Veranda o Escobar gaganapin ang salo-salo. Lahat ay present at makalipas ang isang taon ay burado na ang kung ano mang alitan o naganap nuon sa pagitan ng mga Veranda at ni Zeig.

Everything is now back to normal, ang kaibahan nga lamang ay tuloy na tuloy na ang kasal nina Brent at Xein. Si Zienna syempre ang Maid of Honor ni Xein at pumayag naman si Zeig na maging Best Man ni Brent. To show sportsmanship na ikinatuwa naman ng kanilang mga magulang gayon din ni Don Antonio.

Hindi muna nag-retiro si Don Antonio sa pamamahala ng kompanya ng Veranda's, nang mapag-usapan ang kasal ng gabi ng kaarawan ni Don Pepito. Na sinang-ayunan naman nina Xein at Brent nang kausapin sila ng mga magulang ay nagdesisyon si Don Antonio. Pagkatapos na ng honeymoon ng dalawa ay saka na lang nya ibibigay ang pag-ti-take over ng kanyang kompanya sa nag-iisang prinsesa at tagapagmana nyang si Xein.

Kailangan ng sapat na oras ng kanyang unica hija para sa paghahanda sa kasal nito kay Brent. At sa pulo't gata ng dalawa na ayon sa naririnig nilang usapan ng kanilang mga anak kapag nag-di-dinner sila o barbeque party ay aabutin ng isang buwan. Sa Paris ang napiling destinasyon na honeymoon ng dalawang ikakasal. At kung ibibigay na ni Don Antonio ang mag-isang pamamahala ng negosyong naipundar kay Xein ay hindi mahaharap ng personal ng dalaga ang kasal at honeymoon nito. Kaya naman maghihintay na lang muna si Don Antonio na matapos ang lahat at mangyari ang plano ng kanilang mga anak.

Samantala si Zeig ay tahimik lang lagi sa tuwing pag-uusapan ang kasal, madalas ay kinakatyawan ito ni Brent pero ngiti lang isinasagot ni Zeig. Si Xein naman ay hindi rin nagbibigay ng kahit anong comments. At sa tuwing tatanungin sila ni Don Pepito kung okay lang ba ang lahat sa kanilang dalawa ay "okey" lang palagi ang sagot nina Zeig at Xein.

At ngayon nga ang araw ng kasal. Magandang-maganda si Xein sa suot na trahe de boda. Nakapugong ang binat na binat na buhok ni Xein at may head dress syang hanggang talampakan ang haba. Walang burloloy sa ulo si Xein maliban sa kulay gintong-bilog na pumipigil sa bunton ng kanyang buhok. Yari iyon sa tanso at earth colors ang ginamit na kulay na make-up sa mga mata at kilay ng dalaga. Samantalang pink na blusher at kulay pink na lipstick naman ang nakapahid sa kanyang pisngi at labi.

Kulay pink ang napili nilang motif dahil ayon sa Mama ni Brent ay sign of loyalty daw yun. May kulay pink na sash ang bewang ng kanyang tube na wedding gown na magarbong naka-baloon ang ibabang bahagi ng damit nyang pangkasal.

Si Zienna ay pink na gown ang suot, hindi kasing garbo iyon ng wedding gown ni Xein pero maganda rin ang tabas ng hapit na hapit na spaghetti strap na gown ni Zienna. Samantalang hapit na may manggas na bestida naman ang suot ng mga bride maids.

Si Brent ay matikas na matikas naman sa suot na puting tuxedo, samantalang puting tux na may pink na kuwelyo at telang kulay pink din ang nagsilbing sinturon ng suot namang tuxedo ni Zeig. Dapat sana ay kulay pink din ang tux ng binata katerno ng kulay ng ibang grooms men pero biniro ni Zeig ang kinakapatid.

"Masama na nga ang loob ko sa'yo na pakakasalan mo ang babaeng mahal ko, huwag mo nang dagdagn ang sama ng loob ko sa pagsusuot ng kulay pink na tux. Come on, brother, have some empathy." Dagdag pakiusap pa ni Zeig kay Brent. Kaya naman pumayag na rin ang kinakapatid sa gustong mangyari at isuot ni Zeig.

Garden wedding ang magaganap na kasalan, nalalatagan ng kulay pink na mga water lilies ang swimming pool ng mga Veranda. Sa kanang bahagi ay ang sinadyang altar para sa ikakasal na nalalatagan ng kulay pink na carpet at napapalibutan ng iba't-ibang klase ng bulaklak na kulay pink din. Simula sa entrada ng mga upuang naghilera hanggang sa altar na yari sa kulay pink na kahoy na parang peregola.

Sa kabilang bahagi naman ay ang reception, may mga kandilang kulay pink at flower vase ng mga pink ding roses ang bawat lamesa. Nakapalibot din sa kabuuan ng reception ang iba't-ibang uri na kulay pink na bulaklak. Samantalang isang mahabang pink orchids naman ang bouquet ni Xein at may garland na pink naman si Zienna sampu ng tatlo pang bridesmaid.

May pink na orchids naman sa kanang bulsa ang suot na tux ng Groom, Best Man at Grooms Men. Ilang minuto na lamang at oras na ng kasal. Okupado na nang mga piling bisita at kamag-anak ang mga upuang naka-ayos sa pinasadyang altar. Nakatayo na si Brent sa dapat nyang tayuan at hinihintay na lamang nila ang paglabas ni Xein.

Nang magsimulang tugtugin ng inupahang banda ang kantang 'here comes the bride' ay lingunan ang lahat sa entourage. Naunang lumakad ang ring bearer na cute na cute sa suot na pink na tux, kasunod ang flower girl na halos kamukha ni Zienna ang tabas ng suot na damit. Pagkatapos ay ang magka-kapares na Bridesmaid at Groomsmen.

Sumunod ang ang Little Bride, kung saan ay replica ni Xein ang batang lumalakad. Kasunod naman ng little bride ay ang mismong bride. Pero nainip na ang lahat ay hindi pa rin lumalakad si Xein.

Ang isa pang nakaka-pagtaka ay wala si Zienna sa entourage, nilinga ni Brent ang kanyang kaliwa kung saan ay dapat sanang nakatayo si Zeig sa kanyang tabi ngunit wala rin duon ang binata.

Ilang saglit pa ay narinig na ang tunog ng isang motor, at nagulat ang lahat ng lumabas mula sa pinasadyang tent para sa entourage ang umaandar na motor sakay sina Zeig at Xein. Biglang tayuan ang mga bisita, nang tumakbo si Brent para sundan ang tumatakbong motor na malapit nang mawala sa kanyang paningin ay nagsunuran ang lahat sa kanya.

Sinundan ni Brent ang nauna nang tumatakbong si Zienna habang hinahabol ng masayang pagkaway ang papalayong motorsiklo lulan sina Zeig at Xein.

"Xein, come back!" hiyaw ni Brent pero hindi na nya inabutan pa ang dalawa. Huminto sya sa tabi ni Zienna na nakatayo sa may labas ng gate tanaw ang papaliit nang imahe nila Zeig at Xein dahil malayo na ang mga ito.

"IBALIK MO ANG PRINSESA KO HAYOP KA ZEEEIIIIGGGG!" galit na galit na sigaw naman ni Don Antonio.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon