How to make her follow? (part 4)

3.4K 114 9
                                    



Naging habit na ni Zeig ang mag-jogging tuwing alas-kwatro ng umaga, tatlo hanggang apat na beses isang linggo. Ito lamang ang nagsisilbing work-out ng binatang Hernalde. Minsan ay nakakayag sya ng bestfriend nyang si Ross na mag-gym pero swerte na yung makasama sya nito isang beses sa isang buwan.

Mas nag-i-enjoy si Zeig sa pagtakbo sa Roxas Boulevard, isang oras syang tatakbo pagkatapos ay babalik na sya sa kanyang condo para gumayak sa pagpasok sa opisina. Kung wala namang pasok ay didretso si Zeig sa kanilang ancestral home at duon na kakain ng almusal. Minsan ay maghapon na sya duon lalo kung wala syang date, Zeig spend his weekend kasama ng kanyang Mama at nakababatang kapatid na si Zienna.

Katulad ngayong umaga, pagkatapos nyang mag-jogging ay sumakay sya sa kanyang kotse at dumiretso sa bahay ng mga magulang. Ang balak sana nya ay duon mag-weekend para makaiwas sya kay Xein Veranda kaya nga lamang ay kinukulit sya ng kanyang Mama at nakababatang kapatid na si Zienna sa mga tanong tungkol kay Xein habang nag-aalmusal sila sa garden na katabi ng swimming pool. .

Kung papaano ba nya sisimulan ang 'Operation Xein' at kung ano ang balak nya sa prinsesa ni Don Antonio? Dahil sa walang maapuhap na sagot ay pinili na lamang ng binata na umuwi sa kanyang unit at tiisin ang presensya nang malditang si Xein. Nakaligo na si Zeig, may mga damit pa sya sa kanilang ancestral home kaya naman anytime na gustuhin nyang mag-stay duon o kaya ay magpalit ng bihisan ay may gagamitin sya.

Nang marating ni Zeig ang pintuan ng kanyang unit ay ganun na lamang ang bundol nang kaba sa kanyang dibdib, may usok na lumalagos sa ibabang sungaw ng kanyang main door. Ganun na lamang ang ginawang pagmamadali ng binatang buksan ang pintuan at tumambad sa kanya ang makapal na usok.

Bigla ang paglukob nang takot sa kanyang kabuuan nang maisip si Xein, walang ano-ano'y humiyaw sya para tawagin ang pangalan ng dalaga. Habang ang mga mata nya ay malikot na umiikot sa kabuuan ng unit. Nang makita ni Zeig na sa kaserolang nakasalang sa kalan nagmumula ang apoy ay mabilis nitong tinakbo ang kalan para patayin ito. Kasabay nang sunod-sunod na tawag sa pangalan ni Xein.

Kasunod nang pagpatay ng kalan ay ang pagbuhos ng automatic sprinkler sa kabuuan ng unit ni Zeig. Nang mawala ang usok sa kapaligiran ay luminaw ang tingin ni Zeig sa kabuuan ng kanyang bahay. Basang-basa ang lahat ng kanyang gamit, mabuti na lamang at water proof ang lahat ng appliances at furnitures nya sa loob ng condo. Dahil nga sa na-anticipate na ng binatang Hernalde na baka biglang magkaruon nang sunog at automatic na bubuga ng tubig ang mga water sprinkler na nakakabit ay minabuti ni Zeig na puro water proof ang bilhing gamit. Para maiwasan na rin ang pagkasira ng mga ito.

Nang masigurong wala si Xein ay nakahinga nang maluwag si Zeig, pero umahon ang inis sa binata nang maisip na malamang ay ang prinsesa ni Don Antonio ang salarin nang nasunog na kaserola. The question is: nasaan ang malditang si Xein?

Nang mamatay ang tubig sa water sprinkler ay kinuha ni Zeig ang nasunog na kaserola, iiling-iling ang binata. Huminga sya nang malalim kasabay nang pagtingala ng kanyang ulo para kalmahin ang sarili. Isang malakas na tawag sa pangalang Xein ulit ang ginawa ni Zeig. Ilang saglit pa ay lumabas na ng kanyang silid si Xein. Nang makita ng dalaga ang basang-basang unit ni Zeig pati na rin ang binata ay bumalatay ang matinding shock sa mukha nang magandang dalaga.

"Anong ginawa mo?" Galit na asik ni Zeig kay Xein. Nakatapis lamang ng tuwalya si Xein at may balot ng twalya ang ulo nito. Simula sa may kili-kili hanggang sa kalahati ng hita ng dalaga ay naka-expose ngunit hindi kayang pangibabawan nang kaakit-akit na ayos ng prinsesa ni Don Antonio ang galit at inis na nararamdaman ni Zeig.

"Anong ginawa ko!" mas galit pa si Xein kay Zeig at mulagat na mulagat ang kanyang mga mata habang humahakbang palapit sa binata.

"Ano ang ginawa mo?" nang-gigil ulit na tanong ni Zeig, hindi pa rin nya alintana ang kaakit-akit na tapis ng twalya sa katawan ni Xein i-dagdag pa ang pugong nito sa ulo at halimuyak ng sabong ginamit nito.

"Why me?" Sincere ang rumehistrong pagtataka sa mukha ng dalagang Veranda.

"Why you?" Zeig scoffs, "ikaw kaya ang nag-salang ng kaserola sa kalan tapos iniwan mo!" umiling-iling ulit si Zeig, sabay hinga nang malalim at saka ipinamewang ang kanyang dalawang kamay. "Nuknukan ka talaga hano!"

Sasagot pa sana si Xein pero pinigil nya ang sarili, tama si Zeig, it was her fault, pero walang balak na umamin si Xein nang pagkakamali o humingi nang paumanhin. Isang sutil na ngiti ang pinakawalan ni Xein saka sinabing: "Umpisahan mo nang maglimas ng tubig Mr. Butler." Saka sya tumalikod para bumalik sa kanyang silid para magbihis.

Pero maagap si Zeig, bago pa nakahakbang ulit si Xein ay nahablot na nya ang twalyang nakatapis dito.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now