How to make her follow (part 3)

3.8K 114 15
                                    

Nagising si Xein sa sikat ng araw na lumalagos sa bintana ng kanyang silid, dahil sa sobrang antok niya kagabi ay hindi na nya hinawi pa ang kulay kremang kurtina na nakakabit sa may bintana. Nung una ay nag-isip pa si Xein kung nasaan sya, hindi pamilyar sa kanya ang bintanang may kulay kremang kurtina. Nang igala ni Xein ang paningin sa kabuuan ng silid habang may pagtataka sa kanyang isip kung nasaan sya ay na-realized ng dalaga na nasa condominium nga pala sya ni Zeig Hernalde.

May bahagyang lungkot na naramdaman si Xein nang mapagtanto nya kung nasaan sya. Bigla syang nasabik sa kanyang ama na si Don Antonio at na-miss din nya ang kanyang Yaya Badette. Nang sipatin ni Xein ang alarm clock na nasa kaliwang bed side table ay napakunot ng noo si Xein.

'Alas syete y medya pa lang!' sabi ng isip ni Xein, hindi sya early riser, isa sa mga dahilan kung bakit hate na hate nya ang mag-aral, aside from Mathematics of course. At syempre ang mga kaklaseng sumusubok sa kanyang pasensya at teacher na masungit o nakaka-antok na magturo and her lists goes on. Napangiti si Xein sa mga naisip, at least ngayon ay si Zeig Hernalde na lang ang kanyang kaiinisan. Pero biglang napalis ang idea nang inis sa binata nang maalala ni Xein kung paanong parang napaka-gwapo ni Zeig sa kanyang paningin kahapon.

'Asan kaya si Butler?' tanong ni Xein sa isip habang tinatanaw ang nakasaradong pintuan ng kanyang silid. 'Nakaluto na kaya sya ng almusal?' dagdag na tanong ni Xein sa isip. Mabilis na bumangon sa kanyang kama ang dalaga at tinungo ang pintuan ng kanyang silid, dahan-dahan nyang ibinukas ang nakasaradong pinto at sumilip sa labas.

Tahimik ang sala, nang tanawin ni Xein ang maliit na kusina na nasa kanang bahagi ng main door kung papasok ka sa unit ni Zeig at nasa kaliwa naman kung palabas ka ay wala ruon ang binata ng mga Hernalde. Lumabas si Xein sa kanyang silid at patingkyad na lumakad palapit sa may pintuan ng banyo na nakapagitan sa kanyang silid at maliit na kusina. Bahagya niyang kinatok ang pintuan ng banyo para i-check kung anduon ba si Zeig.

Nang walang marinig na sagot mula sa kanyang katok ay pinihit ni Xein ang seradura ng pintuan, nagulat pa sya nang makitang hindi naka-lock ang pintuan. Dahan-dahan ulit na binuksan ni Xein ang pintuan ng banyo at isinilip ang kanyang ulo sa loob. Pinakiramdaman ni Xein kung may lagaslas ng tubig sa shower o kaya naman ay kung may tao sa toilet. Nahahati sa talong panig ang banyo, ang bath tub na nasa tapat ng adjoining door sa kanyang inookupang silid, ang shower at ang toilet. Sa harapan nang nahating tatlong panig ay ang dalawang lavatory na may cabinet sa ibabaw at tig-isang medyo malapad na salamin na isang secret cabinet.

Nang masiguradong wala sa shower at toilet si Zeig ay tinawag ni Xein ang pangalan ng binata. Nang hindi ito sumagot ay pumasok sa loob ng banyo si Xein para tingnan kung nasa bath tub ba ito.

'Ang aga namang maligo ng kolokoy na ito, wala namang pasok ngayon.' Sabi sa isip ni Xein, pero nang marating nya ang bath tub ay wala duon ang binata.

Mabilis na lumabas ng banyo si Xein at tinungo ang nakapinid na pintuan ng silid ng binata. Bahagya ulit na kumatok ang dalaga sa may pintuan at ng walang marinig na sagot mula sa loob ay dahan-dahang muli ang ginawa nyang pagbukas sa nakapinid na pintuan ng silid ni Zeig. At bahagya nya ulit isinungaw ang kanyang ulo para silipin si Zeig.

Ngunit wala ruon si Zeig, nakaramdam nang bahagyang lungkot si Xein. Sanay syang kapag nagigising ay may kasama sya sa bahay na sasalubong sa kanya para ipaghanda sya nang almusal. 'Asan kaya ang lalaking yun?' tanong ni Xein sa sarili.

Nang walang maapuhap na sagot ay bumalik ng kwarto nya si Xein at mabilis na hinila ang kulay kremang kurtina sa bintana. Nang kumalat ang dilim dahil sa makapal na kurtina ay napangiti si Xein, nahiga ulit sya sa kama at ilang saglit pa ay mahimbing na ulit syang nakatulog.

Nagising si Xein dahil bahagyang kumalam ang kanyang sikmura. Sanay ang dalaga na kanin ang kanyang hinahapunan. Kagabi ay pizza lamang ang kinain nya kaya siguro kaya syang gisingin nang gutom.

Pasado alas nueve na sa orasan ng lumabas si Xein ng kanyang silid, tinatamad pang lumakad ang dalaga papunta sa kusina para buksan ang refrigerator. Bahagyang nawala ang kanyang antok nang makita ang mga pagkaing naka-stock sa loob ng fridge ni Zeig.

May mga prutas tulad ng grapes, apple at oranges, may loaf bread at may pipino at lettuce din. Pwera pa sa ibang gulay tulad ng patatas at carrots. May fresh milk, sandwich spread, soda, juice at meron ding ilang canned beer.

Nang buksan nya ang freezer ay hindi maiwasang ma-amused ni Xein, kumpleto ang stocks ni Zeig. Mula sa pang-almusal hanggang sa finger foods at mga poultry products na pwedeng iluto para sa tanghalian at hapunan.

Kinuha ni Xein ang fresh milk pagkatapos ay isinara na ng dalaga ang fridge at sinimulang buksan ang mga kitchen cabinet para maghanap ng cereals. Pero nadismaya lamang ang dalaga dahil walang cereals sa cabinet. Puro de-lata at cup noodles at ilang kahon ng sari-saring flavor ng instant hot cake mix at kung ano-ano pang microwavable foods ang laman ng cabinet.

Dismayadong iniikot ni Zein ang mga mata sa kabuuan ng kusina, naturingang maraming pagkain duon pero hindi nya alam kung paanong magluto.Nang makita nya ang coffee maker ay mabilis nya itong nilapitan. Aware sya kung paanong gumamit ng coffee maker, kahit di pa naranasan ni Xein kung paanong gumawa ng kape sa tanang buhay nya gamit ang mahiwagang coffee machine.

Nakikita nya ang kanyang Yaya at ang kanyang Papa kapag gumagawa ng kape at hindi naman sya ganun katanga para hindi maintindihan at makabisado ang ginagawa ng mga ito. Isinaksak nya ang coffee maker at hinahanap ang kape pagkatapos ay nagsimula na syang mag-brewed. Nang matapos ay muling binuksan ni Xein ang isang cabinet at kumuha ng isang cup noodles. Alam din nyang mainit na tubig lang ang katapat nang isang cup noodles at presto! pwede na syang mabusog.

Buti na lang at marunong din syang gumamit ng kalan, ngunit dismayado si Xein ng walang makitang takuri sa mga kitchen utensils ni Zeig. 'kumpleto rekados at lafang pero walang tea kettle ang kolokoy, no doubt, malamang na si Zienna ang taga-pamalengke ni Butler kaya kumpleto ito sa pagkain.' Umismid pa si Xein sa sarili, kinuha nya ang may kalakihang kaserola at nilagyan ng tubig mula sa mineral water pagkatapos ay isinalang na nya ito sa kalan.

Dahil puno ang kaserola ay medyo natagalang kumulo ang tubig na laman nito, nainip na si Xein at naisip nya mas mabuti sigurong maligo muna sya habang hinihintay na kumulo ang tubig sa kaserola.

Nang dumating si Zeig ay ganun na lang ang pagkagulat ng binata. Shocked na napamulagat si Zeig and in an instant he screamed Xein's name.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora